Chapter 4: First Male Friend

137 7 0
                                    

 

Chapter 4: First Male Friend 

 

 

-Kert's POV-

 

 

Iba na talaga 'pag gutom noh? Lahat binabangga sa daan para lang makakain. xD

 

Ito namang si Chiel, ang sungit2x, gusto daw niyang bumitiw, eh pasensya na lang siya kasi gutom ang kinausap niya. Ewan ko ba kung bakit ang sungit niya mula pa kanina, may problema lang siguro 'to sa buhay at iyon ang aalamin ko mamaya.. Chismoso kasi ako pagdating sa mga bitter na kaibigan.

 

 

"HOY! Kert! Saan tayo pupunta?? Pwede bang huminto muna tayo sa kakatakbo?? Ang sakit na ng tuhod ko!"

 

Ai, oo nga pala, hindi pa pala siya gaanong magaling. HAHA! Sira ka talaga Kert. xD

 

Kaya napagdesisyunan kong sumakay kami ng elevator. Ang ayaw ko pa naman sa elevator ay marami taong sumisingit, mabuti na lang pinadaan kami ng mga tao dito kaya umuna na kaming sumakay. May advantage rin pala 'tong pagiging sikat ko noh? LOL.

 

Tinignan ko ang mukha ni Chiel, ewan, hindi ko ma-explain eh. Galit ata na parang nabigla ata sa pangyayari kanina.

 

Pagdating namin sa fourth floor, dinala ko si Chiel sa may coffee shop, dito na kasi ako kumakain every mealtime, wala kasi masyadong tao dito kaya ang tahimik talaga.

 

"Nakapunta ka na ba dito?"

 

"HINDI."

 

Inis niyang sagot. WAAAHH.. Galit na nga ata. 

 

Pagdating namin sa pinakadulong table ng coffee shop, tsaka ko pa siya binitawan nung umupo na kami.

 

"Uhmm.. Chiel? Galit ka ba? Pasensya na ha. Hindi kasi ako sanay kumain nang mag-isa eh.."

 

Hindi siya sumagot. PATAY. Hmm.. I have to think something para matawa siya, bahala na, hindi pa naman ako magaling magjoke. 

 

"Alam mo ba hindi mabuti kung pati sa pagkain magsusungit? Hindi ko alam kung bakit ang sungit2x mo mula pa kanina, gusto ko lang naman ay makipagkaibigan eh. May problema ka ba?"

 

"Wala.." 

 

"So bakit ang sungit mo? May nagawa ba akong mali? Iyon bang paghila ko sa iyo kanina? Pasensya na ha, gutom na kasi ako kaya hindi na kita pinakinggan, kung pwede lang ipakulo ko na 'tong tiyan ko ngayon eh para tumawa ka ulit, wagas kasi ang tawa mo kanina." 

 

Bigla siyang ngumiti, WAAAHH! YES! Yohoo! Galing mo talaga Kert! Ganito pala kasarap ang feeling 'pag napangiti mo ang isang babaeng masungit.

 

"Uiii.. Tatawa na iyan! Huwag kang mag-alala Ms. Coffee dahil andito na si Mr. Sugar para paalisin iyang BITTERNESS diyan sa loob mo. " 

Hatred  (O n g o i n g)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon