Chapter 8: The Masquerade Band

62 1 1
                                    

A/N: Sorry for the late update! Busy masyado. It's been months already, LONG TIME NO SEE! LOL.

Thanks for those readers who patiently wait for updates. I dedicate this chapter to all of you. Lovelots! :)

 

* * *

 

Chapter 8: The Masquerade Band

 

 

"Iyong camera natin girl! I-ready na!! Andiyan na ba?"

 

"Oo! Andun daw siya oh! BILIS!!!"

 

Ano bang nangyari sa mga tao dito? May kaguluhan ata sa loob eh. Mabuti na lang may isa pang exit kaya doon na ako dumaan.

 

Nung nakalabas na ako, may nakasalubong pa akong body guards. Wow. Kakaiba ha? Ilang beses na akong bumili ng libro dito at ngayon lang 'to nangyari. Ewan, hindi ko na rin naiintindihan ang nangyari dito.

 

 

 

 

 

Ilang sandali, nakauwi na rin ako sa bahay. Mabuti na lang malapit lang ang bookstore dito kaya pwede lang ilakad. Hayyzz .. Ang sakit pa rin ng likod ko.

 

"O sige! Bibigyan ko kayo ng huling pagkakataon! Kung hindi pa rin kayo magbabayad sa kulang niyo sa loob ng limang buwan, hindi na ako magdadalawang-isip na paalisin kayo dito! Tandaan mo 'to Lucy ha? Huling pagkakataon! Diyan ka na nga!!"

 

Nagulat na lang ako nang narinig ko na naman ang pagsesermon ng matandang huklubang iyon. Grabe, kung maka-sermon, parang kahit piso hindi pa rin kami nagbabayad ha?? Matagal na akong naiirita sa huklubang iyan. Kung magsalita kasi parang hindi na tao.

 

"Tita?"

 

"Oh. Andito ka na pala. Teka, kumain ka na ba?"

 

"Nakita ko ang nangyari dito kanina. Grabe, sumusobra na siya tita. Nakakainis."

 

"Chiel? Huwag magsalita ng ganyan, tayo ang may utang dito. Di bale, makakahanap din ako ng pambayad para dito. Mabibili at mabibili rin natin 'tong bahay."

 

"Tsk. Kung doon lang sana tayo tumira sa bahay namin ni nanay tita, hindi sana tayo nagka-problema ng ganito pero hindi ko naman kasi kayo masisisi, napamahal na sa inyo ang bahay na 'to."

 

"Oo. Marami kasi tayong alaala sa bahay na 'to eh kaya hindi natin 'to basta-basta maiiwan. Naalala ko kasi ang Ate Lian mo dito." 

 

"Hayy .. Di bale, huwag kang mag-alala tita. Simula ngayon, hahanap ako ng paraan para makatulong."

 

"Ano? Teka, anong ibig mong sabihin? Hahanap ka ng trabaho? Huwag na Chiel, mas mabuti pang pag-aaral muna ang asikasuhin mo, kaya ko na 'to."

 

"Tita, alam mo namang matagal na akong naiirita sa huklubang iyon di ba?? At tyaka dito na ako lumaki kaya gagawin ko ang lahat para dito. Tiwala lang tita." 

Hatred  (O n g o i n g)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon