Chapter 14: Song of Tears

27 0 0
                                    


Chapter 14: Song of Tears



-Chiel's Pov-



"Ahhh ..." Inaantok pa ata ako. Unang beses kong muntik matulog sa klase. I wonder kung kamusta na kaya si Cylle sa klase niya? Sana magkaroon ng magandang resulta ang mga ginawa naming lecture. Saturday ngayon kaya half-day lang ang mga classes namin. May audition pa ako mamaya. Hayy .. Hindi pa ako naka-practice pero bahala na.



"Psst!"



"Ahhh .." Nakakaantok talaga.



"Psst!" Napagising na lang ako nang may biglang nahulog na paper plane sa arm chair ko. Binuksan ko ito at ang sabi;



"I heard you're going to join an audition, good luck! Get energized, nakakahawa ang energy mo."

-Kert :)


 

K-kert? Tumingin ako sa kanya sa likod na nakasimangot. Sobrang laki pa ng ngiti niya at nag-thumbs up pa sa akin. Stalker ata 'tong lalakeng 'to eh. Kinakabahan na tuloy ako kung anong mangyari mamaya. Well, huwag kang matakot Chiel, requirement lang iyan, okay? Marami pang options kung hindi ka  mapasok sa organization na iyan. Hindi ko na lang pinansin si Kert at patuloy pa rin na kumikinig sa lecture.



"Hmm .." Napaisip tuloy ako kung okay lang ba ang kanta na 'to ang i-perform ko mamaya. Matagal ko na kasi 'tong sinulat pero ito iyong paborito ko. Hayy .. Bahala na nga.



"Okay class, take note that we will have a service for street children next meeting. I'll divide you 5 members in a group to make an activity for them."



"Ma'am? Anong gagawin namin para sa kanila?" Tanong ng isang kaklase namin.



"Anything that might help them like for example, teaching, feeding program or playing any Philippine games."



"Okay ma'am."



"I'll announce your groups next meeting. So, are there any questions?"



A moment of silence.



"Okay, I think it's clear. Class dismissed!"



Hatred  (O n g o i n g)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon