Chapter 11: Cyrus Piers

32 1 0
                                    


Chapter 11: Cyrus Piers



 *flashback*


Pagkalipas ng isang buwan, siya na ang palagi kong kalaro doon sa tree house. Ayaw niyang pumasok sa mansion namin kasi nahihiya raw siya kaya wala akong magagawa kundi sumabay sa kanya sa labas. Alam kong weirdo ito, pero sa kanya ko lang nararanasan kung paano maglaro ng mga cheap na laro tulad ng patentero, habul-habulan, tumba-lata, tagu-taguan at iba pang uu-an na laro.


Ngayon ko lang napagtanto na ang pagod pa lang laruin ng mga larong ito. Tsk! Akala ko enjoy kasi madali lang siyang tignan at nandahil sa mataba ako, palagi ako ang taya sa aming dalawa at pinagtatawanan pa niya ako.


At heto kami ngayon, nagaagawan ng bola na parang pusa at daga. LOL.


"Hoy Son Gokung tabachoy! Ang bagal mo! Nasaan na ang aura mo diyan? Nahiya naman ako! Hahaha!"


 "Tumahimik ka sisiw ka! Akin na iyan!''


"Hahaha! Bleh. Bleh. Bleh!"

 

Maliit nga siya pero ang bilis tumakbo. Tsk. Pagod na ako kaya tumigil ako sandali sa sirang-sira na tree house. Maya-maya, may nakita akong mga letrang naka-marka sa punong-kahoy, curious ako kaya binasa ko agad.


"Pag-ibig"


Ha? Ano raw? May Pag-ibig ang puno? Nagmamahal ang puno? Ha? Hindi ko ata ma-gets. Sino ba ang sumulat nito? At sino ba ang gumawa ng sira at pangit na tree house na 'to? Ang weirdo niya ata. Hindi ko na lang pinansin at patuloy pa rin sa paglalaro.


Sa paulit-ulit ng paglalaro namin ni Chi-chi dito tuwing hapon at ilang linggo nang lumipas, curious pa rin ako sa "Pag-ibig" na naka-marka sa puno hanggang ngayon kaya tinitigan ko ito palagi.


"Hoy! Son Goku!" Napatingin ako kay Chi-chi na naka-upo sa tabi ko.


"Okay ka lang ba? Ang seryoso mo ata diyan? Oo nga pala, may bagong kaibigan ako ngayon sa school namin. Hehe." Aba, may ganoon? May kaibigan na siyang iba? Ang bilis naman.


"Ahh .. Ganoon ba? Masaya ako para sa iyo, may kalaro ka na rin sa school niyo."


"Oo at tiyaka alam mo ba pareho ang birthday namin? December 18? Kakaiba noh? Sumabay lang daw ako sa kanya na mag-celebrate at iimbitahin kita! Hehe. Ipakilala ko rin siya sa iyo balang-araw."


"Ha? December 18 ba ka mo?" Teka, December 18? Anong petsa na ba ngayon? It's October 10 at medyo malapit na! Dalawang buwan na lang ang natitira!


"Oo, teka, parang hindi ka ata excited diyan? May problema ba?"


"Ah, wala! Excited ako kasi tatanda at tatangkad ka na rin! Wahahaha!" *Bogsh* Aray, sinuntok niya ako sa ulo. Tsk. "Ok, sige, hindi kita iimbitahin! Wahaha!"

Hatred  (O n g o i n g)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon