Chapter 10: Young Memories

21 2 0
                                    

Chapter 10 - Young Memories

-Cyrus's POV-

"Hayy .."

Matapos ang magulong pangyayari sa bookstore 'nung isang araw, hindi pa rin nawawala ang sakit ng katawan ko. Muntik na akong patayin ng mga fans nandahil sa buhok-walis na babaeng iyon. 'Nung nakita ko kasi ang mukha niya, napatigil ako kasi pamilyar siya kaya 'nung paghubad ko ng sun glasses para klaruhin ang mukha niya, nahuli agad ako at pinagkaka-guluhan ng mga babae. Tsk. 

Andito nga pala ako ngayon sa pool side chair ng resort ng tatay ko para makapag-relax. Sa pangit ng linggo na 'to, mas lalo pa akong ma-stress kung sa mansion pa ako matutulog. Dito na lang muna ako mananatili hangga't kailan ko gusto. 

"Hey brad! What's the problem?  Wanna have some fun?" Si George, anak ng isang Australian investor ng daddy ko dito. 

"No, thanks brad, I'll pass."

"Ow, really? You're in a bad mood? Those girls chasing after you."

Tumingin ako sa mga foreigner na babaeng naka-bikini sa kabila ng pool na kanina lang pala nakatitig sa akin. Mga kaibigan niya ata.

"Pretty sexy chicks, right? They want to play with you man. I'm sure you want to play with them also." Maganda? Wala nga akong pakealam sa maganda o pangit, malandi pa kaya. Hindi ko na lang siya sinagot at pinikit ko na lang ang mga mata ko.

"Hey girls!" Napamulat na lang ako nung lumapit sa amin iyong mga babae. Ano naman kaya ang balak nito.

"Ow. Well, girls, this is a bad news. My buddy here is heartbroken. He's unavailable and very, very depressed. I'm so sorry girls."

"Ow. Heartbroken? Really?"

"Hahaha! Maybe he's a gay! Let's get out of here girls! Your friend is funny, George. Hahaha!"

"What?" Nanahimik lang ako, ako pa ang sinabihan ng bakla. Tss. Bahala nga kayo, sabihin niyo lang kung anong gusto niyong sabihin. Wala akong  pakealam. Pinikit ko na lang ulit ang mga mata ko. Disturbo.

"Ow. Don't mind them brad! I know your attitude! What's wrong with you?"

"What's wrong? The atmosphere. Gonna get out of here."

"Ow. What a hot-tempered silent brat! Where are you going? I taught we'll be playing tennis with Kert tonight?"

"Tell him I'll pass. I'll be going."

"Where are you going?"

"Sa bahay ng mga multo."

"What? Multo? What's that? How rude?" Hindi ko na siya sinagot at lumabas sa resort upang manahimik. Parang wala na akong ibang naiisip na lugar para makapag-pahinga kundi sa tree house.

Hatred  (O n g o i n g)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon