“Love mo ba ako... o joke lang?” tanong ni Sophia habang pinipilit ang sariling huwag tumingin sa mga mata ni Liam.
Kumakabog ang dibdib niya, halos marinig niya ang sariling heartbeat. Sa harap niya, si Liam—ang lalaking halos dalawang taon niyang tinagong mahalin, nagpaasa sa bawat ngiti, at nagpaiyak sa bawat biro.
Pero seryoso na siya ngayon. Hindi na ito biro.
Tahimik si Liam. Nakakunot ang noo niya, para bang hindi siya makapaniwala sa tanong ni Sophia. Ilang saglit pa, ngumiti siya—ngiti na palaging nagpapahina sa tuhod niya.
“Bakit mo natanong ’yan?” malamig pero kalmadong tanong nito.
"Gusto ko lang malaman,” mahina niyang sagot, pilit pinapatatag ang boses. “Kasi parang hindi ko na kayang magbiro pa, Liam. Kung joke lang lahat ng ’to... sabihin mo na ngayon.”
Hindi sumagot si Liam. Napatingin ito sa sahig at napabuntong-hininga. Ang katahimikan sa pagitan nila ay parang bumabalot sa buong mundo niya.
“Sophia,” bulong nito, halos hindi marinig. “Paano kung hindi joke?”
Natigilan si Sophia. Biglang bumagal ang lahat. Hindi niya alam kung natutuwa ba siya o mas lalo siyang naguguluhan.
"Anong ibig mong sabihin?” tanong niya, pilit hinuhuli ang sagot sa mga mata nito.
Ngumiti si Liam, pero iba ngayon. Para bang may halong sakit at kaba. “Ibig sabihin... malalaman mo sa tamang panahon.”
At bago pa siya makapagtanong ulit, iniwan siya ni Liam, kasama ang mas maraming tanong kaysa sagot.
-----------------------------------------------------------------Enjoy Reading EVERYONE!
YOU ARE READING
Love Mo Ba Ako o Joke Lang?
RomanceSophia, a simple girl with big dreams, never expected her world to flip upside down when she crossed paths with Liam, the guy who made her heart race and her mind go wild. From their awkward first encounter to the moments of unexpected closeness, So...