Mitsuha Hinatsu POV
Isang linggo nang nagsisimula ang klase samantalang ako ay narito palamang sa registrar office. Ngayon lang kasi ako pumasok sa kadahilanang kauuwi lang namin galing sa Japan. Meron kami kasing kompanya do'n na hindi lang basta-bastang maiiwanan. Kahit ayaw kong pumasok e wala naman akong magagawa kasi papagalitan ako ng aking mga magulang.
"Okay Ms. Hinatsu, sa section A ka nabibilang dahil maganda ang records at walang violation." Sabi sa akin ng registrar council sabay abot sa akin ng maliit na papel. Tinignan ko iyon at nakasulat doon ang pangalan ko at ang sectiong kalalagyan ko.
Tinignan ko yung registrar council at saka nagsalita "Thank you po... Saan po ba banda ang section A?" Tutal nandito na naman ako, susulitin ko nalang ang oras na makapag-tanong.
"Nakikita mo 'yang building sa harap?" Sabay turo ng registrar council ang gusaling nasa tapat ng registrar office. "Sa second floor ang room ng section A." Sabi sa akin ng registrar council. Nagpasalamat ako sa kanya at lumabas na ng office.
Wala na masyadong estudyante dahil kani-kanina lang nag-umpisa ang klase. Nagtungo ako sa itinurong building ng registrar manager at saka umakyat sa second floor.
Nakakapagod ang umakyat! Bakit dito pa inilagay ang sectiong iyon?
Hingal na hingal ako ng makarating ako sa second floor, tumingin kaagad ako sa ibabaw ng mga pinto at nagbabakasakaling nakalagay doon ang mga section. Hindi nga ako nagkamali, nakalagay do'n ang mga section sa ibabaw ng pintuan.
Hinahawakan ko ang student ID ko na galing pa sa pinanggalingan kong paaralan habang naglalakad sa hallway habang nakatingin sa ibabaw ng mga pintuan.
Patuloy lang ako sa paglalakad ng hindi tumitingin sa dinadaanan ko nang may nakabangga ako. Dahil sa mabigat ang dala kong bag, agad akong natumba sa sahig. Halos dumikit ang mukha ko sa sahig.
"Watch your step!" Halos pasigaw niyang sabi at agad na nagtinginan sa amin ang lahat ng estudyante na nakikinig sa klase.
"Sorry..." Sabi ko at agad na tumingin sa kanya. Mabuti nalang at lalaki ang nakabangga ko at kung hindi, mapapaaway ako nang wala sa oras.
Aaminin ko, gwapo ang lalaki, pero hindi ko siya crush a!
Tumayo ako at inayos ko ang dala kong bag. "I...I'm sorry..." Sabi ko at agad na yumuko dahil nahihiya ako. Inayos ko kaagad ang dala-dala kong bag.
"Tsk." Sambit niya at agad umalis.
Putik! 'Di man lang nag-sorry! Alam kong kasalanan ko pero ang lawak ng hallway!
Binalewala ko nalang ang nangyari at patuloy akong naglakad at hinanap ang section ko.
Pagod na ako kasi ang bigat ng dala-dala kong bag. Parang babagsak na ako sa sahig at dagdag pa na hindi ako masyadong makatulog kagabi dahil sa lintik na kaibigan ko.
At sa wakas, matapos ang paghihirap ko, nahanap ko rin yung section ko.
Pumunta muna ako sa harap ng pinto. At kung mamalasin ka nga naman, nagkakagulo ang mga estudyante sa loob ng classroom. May nag kukulitan, tapunan ng bilog na papel, at asaran.
Akala ko ba matitino ang mga Section A?
Hindi ko alam kung papasok paba ako sa sectiong 'to o uuwi ng bahay. Pero nandito na ako, wala nang atrasan.
Gagawa na sana ako ng hakbang papasok ng section nang may nakita akong babae na naglalakad papunta sa harap ko.
Ang puti ng babaeng papalapit sakin! Maputi ang balat, payat, blonde ang buhok, mataas at ang kinis ng mukha! Para siyang 20 years old kung titignan.
Nahiya tuloy ako sa magaspang kong mukha.
Patuloy lang sa paglalakad ang babae hanggang nakarating siya sa harap ko.
"Andiyan na si ma'am!" Rinig kong sigaw ng kung sino sa loob ng classroom.
"Good morning po ma'am." Bati ko sa kanya.
Tinignan nya lang ako mula ulo hanggang paa. Nang makita niya ang hawak-hawak kong ID, may kinuha siyang papel galing sa bulsa niya.
Nagpabalik-balik ang tingin niya mula sa students ID ko papunta sa hinahawakan niyang papel.
"Come with me." Mataray na sabi niya sa akin habang sumisenyas na sundin ko siya.
Pumasok siya sa loob ng classroom kaya sumunod nalang ako sa kanya.
✧Don't forget to vote for the next part😉✧
BINABASA MO ANG
When A Gangster Falls In Love
Romance"Pano naman ako?! Pagkatapos mong sumagot sa halik ko nang hinalikan kita ng gabing iyon and you almost gave yourself to me pagkatapos sasabihin mo sakin na hindi mo ako mahal?!" Kaya mo bang talikuran ang yaman at ang kapalit nito ay ang pagmamaha...