Flashback
Mitsuha Hinatsu POV
Narito ako ngayon sa aming classroom. Inilipat ako ng upuan ng adviser naming si Sir Alden sa tabi ni Calix malapit sa bintana ng building baka maulit pa raw ang ginawa sa akin ni Ivan.
Gustong-gusto ko nang umiwi sa bahay kasi gutom na gutom na ako dahil burger lang kanina ang nakain ko. Pero ang tagal pa ng uwian kaya napatingin nalang ako sa bintana at nagmasid-masid sa kalangit at nanonood sa mga ibon na lumilipad.
Nagtuturo si sir Jade at ang lahat ng ka-klase ko ay mainam na nakikinig sa kanya samantalang ako naman ay nakatitig sa kawalan sa kadahilanang inaalala ko ang nangyari kaninang tanghalian.
*[Flashback]*
"BOTH OF YOU, ENOUGH!" Sabi ng kung sinong lalaki sa pintuan kaya lahat nalang kami ay napatingin sa pintuan.
Nakita ko si Ivan na mariin akong tinititigan at parang may kasalanan akong ginawa sa kanya.
Well, meron nga pero hindi ko naman 'yun sinasadya.
Bigla nalang siyang naglakad papalapit sa amin
"What happened babe?" Tanong ni Ivan kay Colory.
Babe?!
Lumingon siya kay Ivan at ngumiti saka nagsalita. "I'm okay babe. Buti nalang at hindi nawala ang libro mo." Sabi niya kay Ivan saka ibinalik ang tingin niya sa akin at itinaas pa niya ang kanang kilay niya.
Pinagtitinginan na kami ng lahat maging ang bagong pasok sa fast food na ito ay naki-chismis na rin.
Agad akong nakaramdam ng takot at hiya kasi ang iba ay kinukuhanan pa kami ng litrato at video.
Alam kong ang mga litrato at vidyong iyon ay kakalat sa social media platforms at maaaring makita nila ito ni mama at papa.
Nakakahiya! Baka mapagalitan ako!
"I'm sorry, but we have to go. Calix?" Tanong ko kay Calix at lumingon ako sa kanya. Agad naman siyang tumango na sang-ayon siya sa desisyon ko.
Naglalakad ako palabas ng fast food nang biglang may babaeng sumigaw.
"Hoy bruha!" Sigaw ng babae na sa tingin ko ay boses ni Colory.
Obvious naman na ako ang tinawag niya di'ba?
Kaagad akong lumingon sa likod ko at nakitang naka-cross arm si Coloring girl este si Colory habang naka-akbay naman sa kaya si Ivan.
"Don't you ever dare to touch Ivan's things ever again! Or you'll face the consequences." Sabi ni Colory saka umirap.
I just gave her a middle finger before opening the door. Narinig ko pa siyang sumigaw.
"YOU B'TCH!" She shouted bago ako nakalabas ng pinto.
"Don't mind her." Pasimpleng sabi sa akin ni Calix habang binubuksan niya ang burger niya.
Pabalik na kami ngayon ng school at naging tahimik ang paglalakad naming dalawa. Sa gilid parin kami ng daan dumaan para iwas sa disgrasya.
BINABASA MO ANG
When A Gangster Falls In Love
Romance"Pano naman ako?! Pagkatapos mong sumagot sa halik ko nang hinalikan kita ng gabing iyon and you almost gave yourself to me pagkatapos sasabihin mo sakin na hindi mo ako mahal?!" Kaya mo bang talikuran ang yaman at ang kapalit nito ay ang pagmamaha...