Chapter Two

23 2 0
                                    

Bad Day

Mitsuha Hinatsu POV

Naka-upo ako ngayon sa wheel chair at dinadala ng tatlong lalaki papunta sa classroom.

Naging tahimik ang paghatid sakin ng tatlong lalaki na 'to hanggang makaabot kami sa hagdan.

Madami ang estudyanteng pakalat-kalat sa kung saang parte ng campus kasi lunch break ngayon.

Hindi pa kasi ako makakalakad dahil wala pa akong lakas, kaya ipinagamit muna sa akin ito.

Natatakot akong bumalik doon baka kung ano na naman ang gagawin sa akin ng Ivan na 'yun.

Ganon ba siya ka protective sa mga gamit niya kaya niya ginawa sa akin iyon?

Nandito kami ngayon sa harap ng hagdan at hindi kami maka-daan kasi maraming estudyante ang bumaba galing sa taas.

May dumaan na grupo ng kababaihan na may kasamang isang bakla na ang kapal ng make up.

Ang itim na ng mukha dagdagan pa ng makapal na make up = Hell!

Nagbubulong-bulongan pa sila habang nakatingin sa akin pero naririnig ko naman sila.

Ano pa ang silbi ng bulong-bulongan niyo kung naririnig naman ng ibang tao?!

"Siya yung babae kanina sa Section A 'diba?"

"Oo, siya yan."

"Di naman pala kagandahan."

"Sinabi mo pa."

"Nagkasugat?"

"Paki-alamera kasi."

"Deserve."

"I'm in a wheel chair, my arm is injured." Pagkakanta ng kasama nilang bakla.

Agad namang nagsi-tawanan ang mga babaeng dumaan pababa ng hagdan.

Nagyukom ang mga kamao ko sa narinig ko. Kung meron lang akong sapat na lakas, sasampalin ko ng wala sa oras ang mga babaeng iyon.

"Ikaw na ang pinaka-maitim na baklang nakita ko sa buong buhay ko. Ang itim mo na, nagawa mo pang mag make up para lang pumuti 'yang mukha mo." Obvious naman kung sino ang pinaparinggan ko.

Naramdaman ko na tumigil sila sa paglalakad at bumalik sila sa akin.

"Excuse me?" Sabi ng butiking bakla habang mariin niya akong tinititigan. "Hiyang-hiya naman ako sa pagmumukha mo. You don't have a permission to talk to me like that!" Sabi niya na medyo tumaas ang boses niya.

"Mas mahiya ka sa putok mo!" Mariin kong sabi sa kanya.

Agad naman niyang inamoy ang Kili-kili niya.

"O? Maasim ba?" Tanong ko sa kanya. Ngunit hindi na siya nakapag-salita.

Agad na sumingit ang kasama niyang parang coloring book din ang itsura.

"Aawww... you're so awful. Bakit ka nga pala naka wheel chair? 'Di naman 'yan related sa braso mo, right?" Sabi ni coloring book 2.

"Eh kung baliin ko 'yang buto mo para habang buhay kanang naka-upo sa wheel chair?!" Depensa ko sa sarili ko.

"You're strong woman, I like you. But, no thanks baby." Sabi ng coloring book 2.

When A Gangster Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon