Chapter One

17 2 0
                                    


Mitsuha Hinatsu POV

Naka-upo ako ngayon sa aking upuan malapit sa bintana at kasalukuyang nakikinig sa aming mataray na guro na si Ms. Richards.

Charot!

Meron akong katabi kayalang wala siya rito pero narito ang backpack niya. Lumingon ako sa bintana dahil nabo-bored ako at wala akong ganang mag-aral. Nakita ko ang librong naka-lapag sa mesa ng katabi ko.

Tignan ko kaya 'to?

Dahil sa likas akong paki-alamera, hindi ko napigilan ang kamay ko na kunin ang librong nasa mesa ng katabi ko.

Kinuha ko ito at tinignan ang cover nito sa harap. Bagong-bago!

Equipment?

Binuklat ko ito at bumungad sa akin ang kutsilyo, ang iba ay hindi ko alam kung ano ang tawag don pero alam na alam ko kung paano gamitin.

"What the heck are you doing to my book?!" Sigaw ng kung sino mula sa pintuan ng classroom kaya napa-tingin ang lahat ng ka-klase ko sa akin.

Nakita ko ang lalaking naka-bangga ko kanina sa hallway at dali-daling pumunta sa akin.

Kung nakakamatay ang tingin, kanina pa ako napag-lalamayan.

Lagot!

Dali-dali kong ibinalik ang libro niya sa kanyang lamesa pero huli na ang lahat.

Hinawakan niya yung  kaliwang braso ko at bumaon ang kuko niya sa balat ko kaya napa-pikit at napa-sigaw ako sa sobrang sakit.

"Aaaarrrrraaaaayyyyy!!" Sigaw ko habang namimilipit sa sobrang sakit.

Mas lalo niyang binaon ang kuko niya sa braso ko.

"Ivan, that's enough!" Sigaw ni Ms. Richards sa kanya.

"SHUT UP YOU BASTARD!" Sigaw naman sa kanya ni Ivan na siya namang ikinagalit ko.

"Let me go!" Sigaw ko habang nagpupumiglas na makawala ako sa kanya.

Bigla nalang nagsi-lapitan ang ka-klase kong mga lalaki at pilit inilalayo si Ivan sa akin. Pati na kabilang section, pumunta sa section namin para lang awatin si Ivan.

"Ivan, tama na 'yan!"

"She's still a girl, Ivan!"

"Ivan bitawan mo siya!"

"Ivan!"

Binaon niya muna ng mabuti ang kuko niya  sa braso ko bago niya ako binitawan.

Idinilat ko ang mga mata ko nang may makita akong dugo na dumadaloy mula sa aking braso.

"B...blood..." Pautal-utal kong sabi at kaagad na tumulo ang mga luha ko. Kaagad namang lumapit ang mga ka-klase kong babae at si ma'am Richards para tulungan ako.

Natataranta ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nang unti-unti nang lumalabo ang paningin ko hanggang sa wala na akong may makita.

======================================

Ivan Dela Cruz POV

"ITS NOT MY FAULT!" I shouted while I'm driving out of nowhere.

Hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa manibela. Pumreno ako at sinabunutan ko ang sarili kong buhok.

"WHAT'S HAPPENING TO ME?!" Tanong ko sa sarili ko habang nakahawak parin sa buhok ko.

When A Gangster Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon