Chapter Three

18 2 0
                                    

Ice-scream?

Third Person POV

Andito ngayon sina Alex, Rod, Calix at Mitsuha sa Public Ice-Scream machine malapit lang sa kanilang school.

"Aaaahhhhhh...aaahh...aaahhhhhh!" Sigaw ni Alex habang nakaharap sa Ice-Scream machine.

Maraming tao ang nakatingin sa kanya at ang iba ay tumatawa pa ng malakas dahil sa namumula na siya dulot ng walang tigil niyang pag sigaw.

Kanina pang sigaw ng sigaw si Alex at namumula na ang mukha niya pero hindi niya napa-abot hanggang sa pinakamataas na posisyon ang linyang pinagbabasehan kung nanalo siya.

Sina Rod, Calix at Mitsuha ay walang tigil sa paghahalakhak. Kinuha ni Mitsuha ang cellphone niya sa kanyang bulsa at kinuhanan ng video si Alex na patuloy paring sumisigaw.

"Kaya mo 'yan!" Sigaw ni Rod.

"Sigaw pa!" Sigaw naman ni Mitsuha habang patuloy sa pagtawa.

"Bilisan mo! Maaabutan tayo ng bell! Lakasan mo boses mo!" Sigaw ni Calix kay Alex na hindi parin tumitigil sa pagsisigaw.

Unti-unting humihina ang boses ni Alex kaya siyang tumigil sa pagsigaw at hingal na hingal na patakbong pumunta siya kila Rod, Calix at Mitsuha na nasa gilid lang niya at agad siyang napa-upo sa sahig.

"Oh, ba't tumigil ka? 'Di ba gusto mo ng (tumawa) ng Ice-Scream?" Tanong sa kanya ni Calix habang pinipigilan ang pagtawa.

Itinuon ni Mitsuha ang phone camera kina Alex, Rod at Calix na patuloy sa pagtawa habang si Alex ay hingal na hingal at hindi niya magawang makapag-salita.

"Mga...mga bwes't kayo..." Halos wala nang boses ang sabi ni Alex sa kanilang dalawa.

Ngunit mas lalo lang nilang tinawanan si Alex.

"Ibili n'yo na'ko ng cornetto." Paki-usap ni Alex kina Calix at Rod.

"Ha...halika na." Sabi ni Calix habang panay parin siyang tumatawa.

Inilahad ni Calix ang kamay niya kay Alex pero panay parin ang pagtawa nito. Ngunit tinignan lang siya ng masama ni Alex.

"Bahala ka diyan, bibili na kami. Kung ayaw mong sumama, 'di ka makakakain ng ice cream." Sabi sa kanya ni Rod habang pilit pinipigilan ang sarili na tumawa.

"Ikaw Rod, gusto mo ring subukan ang ice-scream machine?" Tanong sa kanya ni Mitsuha dahilan kaya naging seryoso ang mukha niya.

"Ako? Tse, madali lang sa akin 'yan." Pagmamayabang nito.

Agad siyang pumunta sa harap ng ice-scream machine at itinuon naman ni Mitsuha ang kanyang camera phone kay Rod.

Huminga muna ng malalim si Rod bago nag-umpisa. "Aaaarrrggghhh...aarrggh....waaaaaaahhhhh!" Siagw ni Rod dahilan na patuloy sa pagtatawa si Calix at saka si Mitsuha.

Namumula na si Rod pero patuloy parin siyang sumisigaw pero wala siyang paki-alam. Ang alam niya lang ay kailangan niyang sumigaw para makuha niya yung papremyo.

Matapos ang dalawang minutong pagsisigaw ni Rod ay nakuha niya rin ang papremyo ng Ice-Scream machine.

Tinignan siya ng masama ni Alex pero kibit balikat lang at ngiti lang ang isinagot ni Rod sa kanya.

Itinigil ni Mitsuha ang pagkukuha ng video kay Rod at saka niya itinago ang kanyang cellphone sa bulsa niya.

Lumapit si Rod kila Alex, Calix at Mitsuha habang binubuksan ang nakuha niyang premyo.

When A Gangster Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon