178: "ANG LAKAS NG ANGKANG QING YUN" (1/4)

21 4 1
                                    

Ang dating Emperador na nakasama ni Mo Xuan Fei sa selda ay tahimik na nakatingin kay Bai Yun Xian sa katapat na selda, ang kanyang mga mata ay nakakunot sa galit. Kung hindi ipinadala ni Bai Yun Xian nang walang isip ang Paru-parong Min sa malalayong Angkang Qing Yun, nailigtas sana sila nang mas maaga. Kung hindi ginamit ni Bai Yun Xian ang napakasamang lason sa mga tao ng Imperyal na Lungsod, wala sanang dahilan sina Jun Wu Xie at Mo Qian Yuan na dalhin ang kanilang hukbo sa Imperyal na Palasyo.

Hindi siya matanggal sa trono, at si Mo Xuan Fei ay hindi magiging ganito ka pangit na halimaw.

Dahil sa babaeng ito lahat!

Bobo at tanga, at dahil sa kanya, nawala ang lahat sa kanila.

Si Bai Yun Xian ay labis na natakot at hindi napansin ang masamang tingin, taimtim siyang nananalangin na hindi siya maging pangit tulad ni Mo Xuan Fei.

Sa sandaling ito, ang mga pag-iisip ng pag-ibig at debosyon ay hindi na maaaring lumayo pa sa kanyang isipan, at ang tanging iniisip niya ay ang manatiling buhay at maayos.

Ang dating Emperador ay patuloy na nakatitig nang malamig kay Bai Yun Xian. Dumating na sa puntong wala na siyang pag-asa para sa kanyang sarili, ngunit ang balak ni Jun Wu Xie na lokohin ang Angkang Qing Yun sa pamamagitan ni Bai Yun Xian ay hindi magiging madali.

May isa pang bagay, lihim siyang nakipag-ayos sa Punong Kawal ng Angkang Qing Yun, isang bagay na hindi alam ni Bai Yun Xian. Ang mga taong dumarating sa Qi, ay hindi lang para iligtas si Bai Yun Xian... . .Papanoodin niya, papanoodin si Jun Wu Xie, papanoodin si Mo Qian Yuan, papanoodin si Bai Yun Xian, lahat ay mamatay ng libong beses!

Ang dating Emperador ay nagbigay ng mababang tawa, isang tawa na pinigilan at baluktot. Tumingala si Bai Yun Xian sa dating Emperador sa takot, at nakita ang mapanlait na titig na ibinigay niya sa kanya, sabik na durugin siya.

Si Bai Yun Xian ay gumapang pabalik sa pinakalayong sulok ng selda. Hindi siya nakakaramdam ng anumang pagkakasala, dahil hindi niya iniisip na siya ang may kasalanan sa kasalukuyang sitwasyon. Nakikita niya ang sarili bilang biktima, biktima ni Jun Wu Xie, isang baliw sa Kaharian ng Qi na pinahirapan siya. Biktima ng kawalang-kapangyarihan ng dating Emperador at Mo Xuan Fei, na humila sa kanya sa gulo na ito. Nagmamalasakit lang siya sa sarili niyang kaligtasan, ano bang masama roon!?

Limang araw ang lumipas, isang eskolta ng magagandang karwahe ang dahan-dahang lumapit mula sa labas ng Imperyal na Lungsod, bawat karwahe ay may dalang watawat na may simbolo ng ulap. Ang mga kawal sa mga pintuan ng lungsod ay nagmadaling pahintulutan silang dumaan nang makita ang mga bandila, na pinayagan silang makadaan nang walang sagabal diretso sa Imperyal na Palasyo.

Ang totem ng ulap, ay ang sagisag ng Angkang Qing Yun . Anumang eskolta na may dalang totem, ay hindi nahahadlangan saanman.

Sa gitna ng eskolta, ang pinakamagandang karwahe sa lahat, ay isang dalagang nakasuot ng mapusyaw na asul na damit, isang walang kaparis na kagandahan. Umupo siya sa karwahe, ang kanyang maliwanag na mga mata ay nakatingin sa bintana ng karwahe, pinapanood ang mga tao na nagtipun-tipon sa mga gilid ng kalye, mga tao ng Kaharian ng Qi, at bahagyang itinaas niya ang sulok ng kanyang pulang labi, binigyan ang mga tao ng isang ngiti na napaka-mahinahon at banayad.

"Ito ba ang Kaharian ng Qi?" Ang dalagang na pusyaw na asul ay ibinaling ang kanyang tingin pabalik sa karwahe at nagtanong.

"Oo, Panganay na Binibini." Ang kasama niya sa karwahe ay isang matandang lalaking may puting buhok. Maaaring siya ay matanda na, ngunit ang matalim at mapanlikhang tingin na ibinigay niya ay nagsasabi ng iba.

"Si Yun Xian ay nahulog sa bitag sa maliit na lugar na ito? Iyon ay... . ." Ang dalaga ay bahagyang bumuntong-hininga at hindi na lang ito pinansin, ngunit isang bahagyang pagdududa ang lumitaw sa kanyang mga mata.

"Iyon ang ipinahayag ng Paru-parong Min ni Binibining Yun Xian." Sumagot ang matanda nang may paggalang.

"Hindi ko nakita ang maraming kawal sa loob at labas ng lungsod. Hindi ba sinabi ni Yun Xian na ang lungsod ay napapaligiran ng hukbo na tinatawag na Rui Lin?" Ang dalaga ay humawak sa kanyang baba sa kanyang palad bilang tanda ng hindi pagsang-ayon. Ang eskolta ng Angkang Qing Yun ay hindi nakakita ng anumang hindi kanais-nais sa kanilang paglalakbay, at hindi marami ang mga kawal na nakita, na taliwas sa mensaheng ipinadala ng Paru-parong Min .

GENIUS DOCTOR  BLACK BELLY MISS (Tagalog Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon