188: "LUNTIANG BATO NG KALULUWA" (2/2)

87 7 0
                                    

Bumagsak si Bai Yun Xian sa sahig nang may tunog, nanginginig nang hindi mapigilan.

"Naiintindihan ko, makikinig ako sa lahat ng sasabihin mo!  Huwag mo lang akong hayaan maging ganoon ka pangit na halimaw.”

Si Jun Wu Xie ay umiwas sa kanya at malamig na sinabi: "Alis"

Si Bai Yun Xian ay nagmamadaling tumakbo palabas ng palasyo at nadatnan si Mo Qian Yuan na bumabalik matapos ihatid ang mga bisita. Nang makita ang ekspresyon sa kanyang mukha, alam ni Mo Qian Yuan na may muling nagbanta sa kanya.

Pagpasok sa palasyo, nakita ni Mo Qian Yuan ang mga eunuko na ibinabalik si Mo Xuan Fei sa bilangguan, at ang mga katulong sa palasyo ay nagpasindi ng iba't ibang insenso upang mawala ang amoy ng nabubulok na hangin.

Si Jun Wu Xie ay nakatayo sa gitna ng silid, tahimik na nakatitig sa kanya.

Si Mo Qian Yuan ay naglinis ng kanyang lalamunan nang may kaba, Narinig mo ba ang lahat ng sinabi ni Qin Yu Yan?”

Tumango si Jun Wu Xie.

"Ano sa tingin mo ang dapat nating gawin?" Wala sa lakas ng loob si Mo Qian Yuan na hilingin kay Jun Wu Xie na hukayin ang sariling libingan ng kanyang ama.

"Bigyan mo sila ng gusto nila." Si Jun Wu Xie ay sinabi nang walang gaanong pag-iisip. Dalawang piraso lang ng Luntiang Bato ng kaluluwa iyon, at hindi pa panahon para labanan ang Angkang Qing Yun.

"Ano?" Si Mo Qian Yuan ay nakatitig sa kanya, hindi makapaniwala.

"Ikaw... . .sang-ayon ka bang talaga na ibigay ang Luntiang Bato ng kaluluwa?"

"Bakit hindi?" Tanong ni Jun Wu Xie na nakayuko, naguguluhan. Wala siyang narinig na kahit ano tungkol sa Luntiang Bato ng kaluluwa mula kay Jun Xian o Jun Qing. Kung ito ay mahalaga, sinabi sana nila ito sa kanya. Dahil hindi nila sinabi, tiyak na wala itong kahalagahan.

Labanan ang Angkang Qing Yun dahil sa ilang pandekorasyon na bato? Hindi ito sulit.

Maingat na sinuri ni Mo Qian Yuan si Jun Wu Xie, hindi maalis-alis ang kanyang pagdududa. "Nakikita kong lalo kitang hindi nauunawaan araw-araw. Pinrotektahan mo ang Pamilya Jun nang labis, hindi ko inasahan… . .pumayag ka na hukayin ang libingan ni Heneral Jun. Baka tama ka, kung alam lang niya, hindi sana gusto ng heneral na lumaban ka sa Angkang Qing Yun…"

Bago pa makumpleto ni Mo Qian Yuan ang kanyang sinasabi, ang mga mata ni Jun Wu Xie ay kumikislap ng mapanganib sa kanya.

"Ano'ng sinabi mo?"

"Eh…… .Ako… . .Hindi ko sinabing… . .” Si Mo Qian Yuan ay biglang tumahimik.

"Kanino bang libingan ang sinabi mong hukayin?" Ang mga mata ni Jun Wu Xie ay nag-aapoy.

Si Mo Qian Yuan ay lumunok: "Jun Gu, Heneral Jun... Ang piraso ng Luntiang Bato ng kaluluwa na ipinagkaloob sa Pamilya Jun, inilibing kasama ng kanyang katawan nang siya'y mamatay, hindi ba?"

Ang noo ni Jun Wu Xie ay nagkaguhit ng malalim na kunot.

"Hindi mo alam?" Si Mo Qian Yuan nagtanong na may pagkalito.

"Hindi." Si Jun Wu Xie ay sumagot nang simple, ang kanyang kunot noong noo ay lalong lumalim.

Si Jun Wu Xie ay napakabata pa nang pumanaw si Jun Gu, at hindi siya nagkaroon ng maraming alaala tungkol sa kanyang ama, lalo na ang mga bagay na inilibing kasama niya.

Ngayon ay nakita ni Mo Qian Yuan ang dahilan kung bakit agad na pumayag si Jun Wu Xie.

"Balak mo pa rin bang ibigay ito sa kanila?" Tanong ni Mo Qian Yuan.

Si Jun Wu Xie ay malalim ang iniisip. Hindi pa niya nakikilala si Jun Gu, at ang kanyang pagmamahal sa Pamilya Jun ay limitado lamang kina Jun Xian at Jun Qing. Hindi niya gaanong pinansin ang paghuhukay ng isang libingan, ngunit iyon ay libingan pa rin ng anak ni Jun Xian at kapatid ni Jun Qing. Hindi ito isang bagay na maaari niyang pasiyahan nang mag-isa.

Ang huling mga tao na gusto niyang saktan, ay yung dalawa, ang ama at anak ng Pamilyang Jun.

"Sasabihin ko sa iyo bukas." Si Jun Wu Xie ay nag-isip kung paano siya magpapatuloy. Kailangan niyang talakayin ang bagay na ito nang maingat kasama ang kanyang lolo at tiyuhin. Kailangan niyang tiyakin, kahit papaano, kung ang Luntiang Bato ng kaluluwa ay talagang inilibing kasama ng kanyang ama.

"Sige. Papaligiran ko muna ang  Angkang Qing Yun. Huwag mag-alala." Si Mo Qian Yuan ay nagsabi na may tawa.

Nagpasiya siya, kahit wala o may kalahating Luntiang Bato ng kaluluwa si Jun Wu Xie, una niyang ihahandog ang kanyang kalahati kay Qin Yu Yan bukas, upang mapakalma sila, at makabili ng oras para kay Jun Wu Xie.

Tumango si Jun Wu Xie, ang tanging layunin niya ngayon ay makabalik sa Palasyo ng Lin  at talakayin ang bagay na ito kay Jun Xian.

GENIUS DOCTOR  BLACK BELLY MISS (Tagalog Version) PAGE 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon