Oh 'wag kang tumingin
Ng ganyan sa 'kin
'Wag mo akong kulitin
'Wag mo akong tanunginDahil katulad mo
Ako rin ay nagbago
'Di na tayo katulad ng dati
Kay bilis ng sandaliOh, kay tagal din kitang minahal
Oh, kay tagal din kitang minahalBurnout ng Sugarfree
Dalawang tao, dalawang pusong Nagmahal ngunit tila ang panahon ang negdesisyon sa ating tadhana Tadhanang akala ko panghabang buhay.
Gaya sa liriko, "Oh, kay tagal din kitang minahal" ng sugarfee, kay tagal din akong palihim na nagmahal sa iyo, pagmamahal na di minsan nasuklin.
Ilang taong umasa na mamahalin mo rin ako, kung isipin tila para akong isang tangang nag-aantay na pumuti ang uwak na umamin ka.
Ako lang ba? O ako lang ba talaga? Ang babaeng umaasa na ang lalaki ang unang umamin kahit alam ko sa sarili kong walang pag-asa? Nararapat ba itong nadarama ko?
Mga tukso ng ating mga kaibigan, nahulog ako sa banga, nahulog sa mga tukso at mga bola nila, akala ko nahulog ka na rin kasama ko sa banga.
Heto ako ngayon, nakita, tulala habang nakikinig ng musika, musikang kahit papaano, magpapasaya sa akin kahit wala talagang dapat ikasaya dahil malungkot ang kanta.
Ibig sabihin lamang nito, unti-unti na ba akong humihilom sa mga nangyari?

YOU ARE READING
Ikaw at Ako Sa Malayang Pag-Ibig
RomanceA story about a woman who loves listening to music back in her high school days and as a time goes by those songs reflects her that those what he experienced before is a clue that life/love is not always a a bad thing anyway, you just have to to go...