Chapter 2

13 0 0
                                    

Chapter 2

Ano ba namang traffic 'to prelim pa naman namin ngayon, yung tatlong bugok na 'yun talaga, wala man lang nakaalalang magsabay saken sa kotse nila grabehan. OA naman kasi sa pagkalayo 'tong school namin, scholar nga ako ang pamasahe ko naman pangkain na namin sa isang buong araw. Dalawang taon pa hihintayin ko bago matapos ang ganitong paghihirap hay naku Charity tiis lang go and fight na lang.

Oh my, whose car is this? Bongga sa kabonggahan, well mamaya na kita uusisain mag-eexam muna ako my goodness I'm really really late, tegi ako nito kasy sir Hitler!

"Ms. Delos Reyes, you're late again, what makes you think na tatanggapin kita sa klase ko?" sigaw ni Hitler

"Sir, Im really sorry I..."

"get out of this room now!" sigaw muli ni Hitler

My goodness, grabe siya talaga, tama ba namang sigawan ako sa harap ng lahat? Para akong yelong natunaw dun ah, sobrang nakakahiya hindi ka na nga nakapag-exam nasigawan ka pa at napahiya. Makapunta na nga lang ng canteen at makapagreview para sa next subject. At siya nga pala it's time to ask ate Mercedes about sa bonggang car na first time kong nakita dito sa school.

"Hi ate Mercedes na sexy at maganda"

"Oh siya Charity, anong kailangan mo" tanong ni ate Mercedes

"grabe ka naman, hindi mo man lang naappreciate yung pagbati ko sa'yo"

"kilala kita sa mga ganyanan mo Charity, may kailangan ka or may itatanong ka diba" muling tanong ni ate

"Oo na nga grabe ka talaga sakin, ate that bonggang car oh, sino may ari niyan? Bago sa paningin ko eh"

"'yang dilaw na sports car ba? Dun 'yan sa transferee student, classmate niyo 'yan hindi mo ba nakita kanina sa room niyo?"

"Really? Hindi ko siya napansin ate"

"Eh paano kasi late ka na naman" pang-aasar ni ate Mercedes

"yan ha, ginaganyan mo na ko ate Mercedes"

"Biro lang, alam mo ang balita ko galing din yan saisang kilala at mayamang school, nilipat dito kasi gusto ng magulang eh yung school na sosyal din pero maliit lang ang population ng school."

"Naku ate kapag nakausap ko siya iwewelcome ko siya ng bonggang bongga, parang ganito. Hi Mr. Ano welcome to the Alexander Fuentabella College, school of rich and famous people"

"talaga? Baka pansinin ka niya?" pang-aasar ni ate Mercedes

"Aba ate, oo naman, sa ganda kong 'to, wala lang akong pera pero may ibubuga naman ako, grabe ka talaga sa akin ate"

"Biro lang, oh siya diyan ka na muna at aayusin ko na ang mga nalutong pagkain" paalam ni ate.

"okie dokie ate, magrereview muna ko lab yah"

Excited na akong makilala siya, dahil sa kaniya pipilitin ko nang hindi malate sa klase, speaking of late ibig sabihin nandun siya nung sinigaw-sigawan ako ni Hitler! Oh my talaga ano kayang reaction niya kanina naku baka tawang-tawa 'yun ah grabe sana deadma lang siya dun.

"Hoy Princess!" sigaw ni Tom

"Maka hoy naman 'to"

"Pumunta ka mamaya kay sir. Alejandro, kinausap ko na siya pag-eexamin ka na raw niya mamaya" sambit ni Tom

Naku ginamit na naman ni Tom ang kapangyarihan niya, palibhasa kasi friend ng parents niya ang may-ari nitong school. Pero this time hindi ako maiinis at mayayabangan sa kaniya, malaking tulong ang ginawa niya ayoko rin naman matanggalan ng scholarship eh.

"Magpalate ka ulit ha" sermon ni Tom

"Pasensiya na tropa, sobrang traffic talaga kanina, pero salamat ah the best ka talaga"


Blinded By DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon