Sinat lang 'to, kayang-kaya, kailangan kong pumasok ngayon para habulin ang mga namiss kong activities sa school. Hindi ko alam kung bakit maaga ako ngayong araw na 'to, pati ako naninibago sa sarili ko eh.
"Ate kumusta po"
"Oh, ikaw ang kumusta, balita ko may sakit ka, bakit pumasok ka na?" pag-aalala ni ate Mercedes
"Ok naman na po ako ate, sinat na lang pero kaya naman"
"mabuti naman, siya nga pala, kahapon lumapit sakin si mr. Transferee at hinahanap ka eh sinabi ko na di ka pumasok" pagbabalita ni ate Mercedes
"Ohhhhmyyyy, ate... kaya pala siya nagchat sakin kahapon... hinahanap niya ko... tapos chinat pa ateeeeeee tingin mo ba may gusto na siya saken?"
"Hoy, may sakit ka pa yata talaga, di ba pwedeng may itatanong lang sayo, gusto agad?" basag ni ate Mercedes
"Ate naman eh! panira ka naman kahit kailan!"
"CHARITY" (malakas na tawag)
wait... I know that voice at di ako pwedeng magkamali, ang boses na yan ay mula kay Gabriel... Ohhh myy anong gagawin ko, kinakabahan ako ...wooooo relax Charity relax ok...
"CHARITY" (muling pagsigaw ng tinig mula sa likuran"
"kumusta na?" tanong ni Gabriel sabay hawak sa aking balikat
"Ahhhmm ayos lang ako, medyo may sinat lang pero kaya naman"
"Sana di ka muna pumasok, baka mabinat ka" pag-aalala ni Gabriel.
Sa mga oras na 'to kinikilig talaga ako pero punong-puno ng katanungan ang isip ko, Bakit biglang naging concern sakin si Gabriel? Gusto niya ba ko? Anong nangyayari? Di pa naman kami ganun ka-close?
"Hoy Charity mae, tigilan mo na kakatanong, choosy ka pa ba ayan na oh lumalapit na siya, eh di ba crush mo naman"
"Ok go"
"ahmm ok lang kaya ko naman na, baka kasi marami akong mamiss sa klase (gaya mo)"
"halika umupo ka dito, maaga pa naman mag-breakfast muna tayo" yaya ni Gabriel
"Naku sige ok lang kumain naman na ako sa bahay (pero yung totoo sakto lang baon ko panlunch at pamasahe)."
"Ano ka ba, may sinat ka, kailangan mong makahigop ng soup para mapawisan ka at mawala ang sinat mo" pamimilit ni Gabriel
"Ate pa-order po kami ng dalawang ramen and hot chocolate" sigaw ni Gabriel
"Salamat sa concern mo pero pwedeng magtanong?"
"Sure, ano yun?" tanong ni Gabriel
"CHARITY MAE" sigaw ni Tom
"Bakit pumasok ka na, di ba may lagnat ka pa" usisa ni Tom
"Ok na ko, kaya nga nandito na ko diba"
"Dinalaw ka lang namin gumaling ka na agad, sabi na nga ba kami lang kailangan mo eh" pang-aasar ni Sid
"Asa naman kayo"
"Ramen and Hot chocolate for two" sigaw ni Ate Mercedes
"Wait lang Charity, kunin ko lang" paalam ni Gabriel
"Oh wait, di ako nainform na iba na ang kasabay mong kumain ngayon" pangungulit ni Gabriel
"Sus Princess, ano 'to kalimutan na ???" sigaw nina Sid at Terrence
"Pwede ba tigilan niyo kong tatlo, inaya niya lang ako, ang dadrama niyo di bagay"
"Here's your ramen and hot chocolate Charity" singit ni Gabriel
"Oh wait, is there something wrong here Charity?" tanong ni Gabriel
"Ah wala, tinanong lang nila kung nandiyan na yung prof natin"
"tara kain na tayo" aya ni Gabriel
Nang mga oras na iyon isang matalim na tingin ang iniwan sakin ni Tom, nakapagtataka na wala na siyang iniwang salita bago nag-walk out.. pakiramdam ko babawian lang ako niyan ng pang-aasar mamayang lunch,.. pero sana ganun nga lang dahil sa tagal naming magkaibigan ngayon ko pa lang nakita ang ganung mga tingin niya...

BINABASA MO ANG
Blinded By Destiny
RomanceAng tunay na pag-ibig ay hindi darating kung patuloy nating ipinipilit na may nakatadhana para sa atin kaya madalas nabubulag tayo sa maling tao at nababalewala ang sa atin ay nagmamahal ng totoo.