Chapter 3
"Good morning Ma'am Dela Vega" bati ng lahat.
Hindi naman siguro mapapansin ni ma'am kapag inikot ko 'tong mata ko, nasaan na kaya si Mr. Transferee, it's already time pero wala pa siya hanggang ngayon. Kung kalian naman maaga akong pumasok wala naman siya.
"Good morning ma'am, sorry for being late" bati mula isang taong kakapasok lamang sa room
Siyempre lilingon ang lahat, at malamang ako rin, Oh my bakit may prinsipe dito?! siya na kaya si Mr. Transferee? Grabe bakit parang kinabahan ako nung nakita ko siya, ano ba itong nararamdaman ko umiiko ang lahat ng laman ng tiyan ko!
"You are?" tanong ni ma'am
"Gabriel Mendez ma'am" sagot niya
"Oh so you're the transferee student?" muling tanong ni ma'am
"yes ma'am." Sagot niya habang nakangiti
"ok please take your seat"
Naku papalapit na siya, sigurado akong dito siya uupo sa tabi ko, wala namang bakanteng upuan maliban dito sa tabi ko. Hindi ko na kinakaya ang mga nangyayari, bakit ako nagkakaganito dapat matuwa ako pero hindi eh punong-puno ako ng kaba. Charity ha umayos ka ha, huwag ka masyadong magpahalata diyan ano ka ba! Eh sino ba naman kasing hindi magkakaganito, katabi ko ang isang lalaking matangkad, Moreno, matipuno ang katawan. Oh my stop smiling hinihigop ako ng malalalim mong dimples! At iyang mga singkit mong mata pakiramdam ko sa akin lagi nakatingin!
"Ms. Delos Reyes! Are you with us!" sigaw ni ma'am
"Yes ma'am, sorry po."
"Please pay attention!"
"sorry ma'am"
Naku ano ba naman kasing pinagagawa ko, ok focus, focus, focus. Charity, tingin kay ma'am hindi kay katabi okay go!
"Hoy Princess! Halika na lunch time na" aya ni Tom
"Ano na Charty Mae Delos Reyes, gutom na kami oh" sigaw ni Sid
"Oo na Isidro! Ayusin ko lang mga gamit ko"
"hala last mo na 'yan ah" ang napipikong sabi ni Sid
"Bakit may angal ka ha Isidro Garcia Jr.?
"Hala ang kulit mo talaga ah!"
"Oh tama na 'yan at baka magkapikunan pa kayo" awat ni Tom
"Pasalamat ka at prinsesa ka ng tropa,kundi" pahabol ni Sid
Sana Makita ko siya sa canteen para may appetizer haha, saan kaya siya umuupo kapag lunch time, sana makasabay ko siyang kumain minsan. Gusto ko siyang makilala talaga, I really find him interesting.
"Ate Mercedes, alam mo na kung ano yung sa'min!" sigaw ni Tom
"Ok, Pahintay na lang" tugon ni ate Mercedes
"langya, ano 'yan Charity? Nagbabaon ka ng tuyo!" sigaw ni Sid
"Excuse me hindi tuyo 'yan, galunggong 'yan isampal ko sa'yo 'tong ulam ko eh"
"itong dalawang 'to talaga parang aso't pusa" sambit ni Tom
Hay naku kahit anong pang-aasar nito ni Sid hindi ako maaapektuhan, masaya ako ngayon kaya iwas sa mga badvibes.
"ate Mercedes na maganda at sexy pa"
"oh Charity ano na naman? Tatanungin mo na naman si Mr.Transferee?"
"Huwag ka maingay ate baka marinig nila Tom , aasarin na naman ako ng mga 'yan eh."
"Ok fine, kung tatanungin mo kung nakita ko siya, oo sumakay siya ng kotse niya baka sa labas kakain ng lunch 'yun" kwento ni ate Mercedes
"Ouch naman, sayang. Pero ate alam mo ba katabi ko siya kanina grabe ang bango at ang gwapo talaga niya!"
"Yun naman pala eh, bakit hinahanap mo pa?
"Siyempre iba yung nakatabi sa nakausap mo diba"
"Hoy! ano iyan ha? May pabulong-bulong pa kayong nalalaman ah" singit ni Tom
"Ewan ko sa'yo it's none of your business!"
"Naku ate Mercedes buti natitiis mong makipag-usap kay Princess, sus amoy galunggong ang bibig" pang-aasar ni Tom
"Grabe ka ang yabang mo talaga, pareho kayo ni Sid napakahard niyo saken!"
"Toothbrush kasi kapag may time!" gatong ni Terrence
"Ewan ko sa inyong lahat, hmmmp diyan na nga kayo!"
Grabe talaga makasira na araw yung tatlong 'yun kainis! Araw-araw na lang, di bale babawi din ako minsan!
"ARAY! Ano ba"
"Oh sorry Ms. Di ko sinasadya."
"Di kasi tumitingin sa dinadaan eh, muntik na tuloy malaglag sa basa 'tong mga libro ko ano ba akala mo pag-aari mo........OH MY!"
"Sorry talaga Ms. Ok ka lang?"
"Ha ah eh ano oo ok lang ako, pasensiya ka na kung ano-ano pinagsasabi ko"
"Pasensiya na rin, sige mauna na ko."
"Ha, ah sige-sige ano oo sige"
Grabe! Nakakahiya sobra, malay ko bang Si Mr. Transferee yung nakabanggaan ko! Nakakahiya ang bibig ko, What a disaster day!

BINABASA MO ANG
Blinded By Destiny
RomanceAng tunay na pag-ibig ay hindi darating kung patuloy nating ipinipilit na may nakatadhana para sa atin kaya madalas nabubulag tayo sa maling tao at nababalewala ang sa atin ay nagmamahal ng totoo.