Chapter 6

7 0 0
                                        

"Charity!, tanghali na ah di ka ba papasok?" sigaw ni nanay.

"Nay, masama po pakiramdam ko, di po muna ako papasok"

"Aba'y ano bang nangyari sa'yo ha? Naku ang taas ng lagnat mo! kumain ka muna ng almusal at uminom ng gamot saka ka bumalik sa higaan" pag-aalala ni nanay.

"Opo nay."

Ewan ko ba, ako si Charity Mae Delos Reyes na strong ay tinatablan din pala ng sakit, pero ok na rin 'to kesa makita ko sina Sid, lalo lang akong magkakasakit. Pero nakakainis kasi mamimiss kong makita ang mukha ni Gabriel. Pero anong gagawin ko, nanghihina talaga ang katawan ko at di ko kayang pumasok.

"Ate Mercedes" sigaw ni Tom.

"Napansin mo ba si Charity, dalawang subject na kasi ang di niya pinasukan, usually kapag aabsent yun nag-chachat samin" usisa ni Tom.

"Maaga akong nagbukas, at di ko pa siya napapansin kanina pa" sagot ni Ate Mercedes.

"Hoy Sid, tawagan mo si Charity, baka masyadong napahiya sa biro niyo yun kaya di pumasok!" sigaw ni Tom.

"Naku, ikaw na nga nagsabi na baka napahiya o napikon sakin yun, baka mamaya sigawan lang ako nun, si Terrence na lang." sagot ni Sid.

"Eh bakit ako, alam mo namang mainit din dugo saken nun kasi tawang-tawa ako sa make-up niya kahapon" tanggi ni Terrence.

"Paano ko ba kasi tatawagan 'yung babae na yun, eh nagtatampo nga ko sa kaniya diba dahil sa pag-iinarte niya sa pagsama sa tour, kaya nga ko di kumikibo para makahalata siya eh ang ending ako pa rin ang papansin, nakakainis!" bulong ni Tom sa sarili.

"Sige na ako na, wala talaga kayong kwenta!" inis na sabi ni Tom.

"Charity, alam kong masama pakiramdam mo, pero limang beses na kasing nag-riring ang phone mo baka importante 'yan" panggigising ni nanay.

Sus, kala ko naman talaga napaka-importante ng tumatawag eh si Tom lang naman, buti sana kung si Gabriel.

"Hello, ano bang problema mo ha? kung mang-aasar lang kayo please lang wag ngayon!"

"Hoy, ikaw na nga 'tong kinakamusta eh nag-iinarte ka pa! Bakit ka absent ngayon ha?" tanong ni Tom.

"Ganiyan ba mangamusta? wala kang pakialam kung di ako pumasok, kayo nina Sid, tigilan niyo na ko!"

"Napakataray mo naman, akala mo naman may shape ang katawan!, so bakit ka nga absent Charity Mae?" pangungulit ni Tom.

"Ewan ko sa'yo, Bye!"

"Hoy kayong dalawa, sumama kayo saken!" aya ni Tom.

"Saan?" sagot ni Sid at Terrence!

"Huwag na kayong magtanong, sumama na lang kayo" aya ni Tom.

Bwisit na yun, tatawag lang mang-iinis pa, paano naman ako gagaling nito kung may nang-istress saken!

"Ohhhh M G... seryoso, nagchat sakin si Gabriel........."

Gabriel: Hi...

Me: Ahm hello po...

Gabriel: maka-Po naman, anyways kumusta? di kita nakita kanina sa school, may problema ba?

Me: Ahm, may sakit kasi ako, di ko kayang bumangon.

Gabriel: Seriously? kumusta pakiramdam mo?

Ohhh M, is this what you call concern siya sakeeeeee,???

Me: Ahm medyo ok naman na may kaunting lagnat na lang ako.

Gabriel: Oh good to hear that, get well soon.

Ohhhh M talaga, pakiramdam ko magaling na ko agad-agad...

Ay! log-out agad? magrereply pa lang ako eh eto na oh patype na... di balekahit di tumagal usapan namin pakiramdam ko isang buong araw ko na siya kausap.... yieee

"Charity! nandito ang mga kaibigan mo" sigaw ni nanay.

"Kaibigan?"

"Sino po ba iyan?, Ay! bwisit! ang dami-dami namang pwedeng dumalaw kayo pa?"

"Bakit? may iba pa bang dadalaw sayo bukod samin? Eh kami lang naman nagtatiyaga sayong makipag-usap" pang-aasar ni Tom.

"Whatever!!!"

"Oh siya maupo na kayo diyan at ihahanda ko na 'tong dinala niyong meryenda." singit ni nanay.

"Ano ba kasing ginagawa niyo dito ha? may sakit ako at wala akong panahon makipag-asaran sa inyo ngayon OK!"

"Ha, may sakit ka pala di mo man lang kami sinabihan, kumusta ka, ayos ka lang ba? ano nararamdaman mo?" usisa ni Tom.

"Bitiwan mo nga ko, wag kang OA, as if naman concern talaga kayo saken pagkatapos niyo akong ipahiya kahapon sa canteen!"

"Kaya nga kami nandito eh, magsosorry sina Sid at Terrence, diba Sid?" pamimilit ni Tom (sabay batok kay Sid. 

"Ah Oo, malay ba namin kasi na mapipikon ka eh palagi naman tayo nag-aasaran diba" sagot ni Sid

"Dati yun, sana alam niyo rin na minsan napapahiya na ko sa ginagawa niyo noh, pasalamat kayo tropa ko kayo kundi baka sinapian na ko at pinagsasapak ko yang mga mukha niyo kahapo."

"Eto naman, sorry na nga kasi, pasok ka na bukas, treat ko lunch mo" pangungulit ni Terrence.

"Talagang, papasok na ko kasi ayokong matambakan ng gawain!"

"Narinig lang na libre ang lunch papasok kaagad" pang-aasar ni Sid.

"'Yan ka na naman," sigaw ni Tom (sabay hampas kay Sid)

"Pasok ka na ha, miss na namin Princess namin eh" bulong ni Tom sabay ngiti at kindat

"WHATEVER Tom!!!"

Blinded By DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon