"Hi ate kong sexy at maganda pa"
"Oh, himala ang aga mo ah" bati ni ate Mercedes
"Ah eh, wala lang, mahirap na kasi baka masigawan na naman ni sir eh"
"Siya nga pala, si poging transferee oh nakaupo dun oh sa tapat, yiie ayan na sa wakas natimingan mo rin siya dito" pang-aasar ni ate Mercedes.
wait kailangan di niya mahalata na tinitignan ko siya... oh my gosh, napakagwapo talaga...
Aray!!!
"Ano ba Sid, akala kasi palaging nakikipagbiruan!"
"Eto naman ang Oa, para tinapik lang eh, bakit parang ang sensitive mo naman ngayon ha?" pangungulit ni Sid.
"Wala kang pake, wala ako sa mood makipagbiruan kaya tigilan mo ko!"
"UY, teka parang may bago sa'yo ah, harap ka nga sakin!" muling pangungulit ni Sid.
"Ano ba, bitiwan mo ko pwede ba"
"Nakanang, mga tol ang prinsesa naten nakamake-up!" sigaw ni Sid
"Oy, sino sumampal diyan?, nadapa ba yan? bakit dumudugo ang nguso?" gatong ni Terrence.
hahahahaha
"Ate Mercedes, pakicheck yung ketchup niyo mukhang pinapak ni Charity" sigaw ni Sid.
"Sige isigaw niyo pa, nakakahiya naman di pa naririnig ng lahat, masaya na kayo ha? napahiya niyo na ko? tabi nga!"
"Hala, ano nangyari dun?" tanong ni Terrence
"Ewan ko, palagi naman nating inaasar yun ah pero ngayon lang napikon!" sagot ni Sid
"Tom, may problema ba yun?" tanong ni Sid.
"Terrence, may problema rin ba 'to, hindi man lang kumikibo eh at first time niyang di makisali sa pang-aasar ha?" pagtatakang tanong ni Sid
"Ewan ko, kanina pa badtrip yan pagpasok eh, hayaan mo na lang muna, tara kain na tayo!" yaya ni Terrence.
.....
Parang di na healthy ang biruan namen, napahiya ako dun ah, alam ko na naririnig ni Gabriel yung pang-aasar sakin nina Sid, di ko man nakita ang reaksyon niya pero ramdam ko na isa siya sa natatawa kanina. Akala ko pa naman magiging maganda 'tong araw na 'to para sakin. Si Tom, di man lang ako napagtanggol kanina. Di na mauulit 'tong pagmimake-up ko at lalayuan ko na muna sina Sid para maramdaman naman nila na minsan sumosobra na ang mga biro nila.

BINABASA MO ANG
Blinded By Destiny
RomanceAng tunay na pag-ibig ay hindi darating kung patuloy nating ipinipilit na may nakatadhana para sa atin kaya madalas nabubulag tayo sa maling tao at nababalewala ang sa atin ay nagmamahal ng totoo.