Chapter 4

12 0 0
                                    

"Charity, kanina pa nagriring yung phone mo, ano ba!" sigaw ni nanay

Naku, sigurado naman akong mga tropalogs ko 'tong tumatawag eh. Wala talagang araw na hindi ako mabubwisit ng mga jologs na 'to eh. Lalo na 'tong si Tom, porke ba lumang phone niya 'tong gamit ko eh wala na kong karapatang tumanggi sa mga tawag niya, kung may pambili lang ako eh binalik ko na sana 'to sa kaniya hmmmp.

Sabi na eh, si Tom na naman, buwisit talaga!

"Hello, ano na naman problema mo? wala ngang pasok eh nambubwisit ka naman sa phone!"

"Charity Mae Delos Reyes, wala pa nga akong sinasabi eh, nambubwisit kaagad?" sagot ni Tom.

"Nabalitaan ko kay mom na magkakaroon ng tour ang school sa Coron,Palawan, sa'yo ko pa lang unang binalita 'to ah" paalala ni Tom.

"Oh ngayon, matutuwa ba ko dahil ako ang unang nakaalam ha? Eh ano ngayon kung may tour noh?"

"Hoy, tropalogs tayo kaya ini-inform kita at hindi pwedeng hindi ka sasama dun dahil dapat lang na kumpleto tayo!" pagalit na paalala ni Tom.

"Hoy ka rin, yung baon ko nga tipid na tipid ako tapos pagkakagastusan ko pa yang tour tour na 'yan, pwede ba Tom, kaya niyo na iyan nina Sid at Terrence ok!"

"Napaka-KJ mo talagang babae ka, kahit kailan wala pa kong nakuhang magandang sagot sa'yo, bahala ka nga sa buhay mo" sigaw ni Tom

Tignan mo 'tong si Tom, babaan ba naman ako ng phone, hello di mo man lang ako pinilit, siyempre sino ba namang may ayaw noh, Coron yun, pangarap ko 'yun. Laguna pa lang kaya ang pinakamalayo kong narating! Pero if ever naman na sasama ako, saan naman ako kukuha ng budget ko? Hay naku, di bale na nga bakit kasi tumawag pa 'tong si Tom eh, panira ng araw!

Speaking of panira ng araw, grabe talaga yung nangyari sa'kin kahapon, minsan ko na nga lang makausap si Mr. Transferee eh sa ganung eksena pa nakakaloka. And wait, nasaan na yung phone ko??? Kailangan ko mahanap ang Fb account niya, basta lahat ng social media account niya, kailangan kong malaman kung ano, basta kung ano ba siya, kung may chance ba kami ahaha.

Ayan, wait Gabriel Mendez... ooops tatlo sila alin ba dito? AYAN ito siya hindi ako pwedeng magkamali... yayy super private ng account ah, kainis!

I-aadd ko ba o I-aadd ko?

Ok i-aadd ko (click add friend)

Shooooocks... within 3 minutes, inaccept niya..... Oh my as in Oh my.......

Ok, time to stalk... and siyempre wave na rin malay mo mag-wave back diba.

wave (click)...

Huuuuuuuuuy...... nagwave back siya.......

Convo started:

Siya: Hi, do I know you miss?

Me: ah eh, ako 'to si Charity, classmate mo remember?

Siya: oh ikaw yung late na sinigawan ni sir last time?

Me: Grabe yun talaga ang naalala mo sakin haha!

Siya: Oh sorry,and ikaw yung nabangga ko kahapon right?

Me: ah oo ako nga, uy sorry ah yung mga pinagsasabi ko nakakahiya talaga!

Siya:Oh it's ok, don't worry, by the way, I got to go sorry! bye

......

ano ba 'yan, magrereply pa lang ako eh offline agad, agad agad???

Naku, sana hindi pa ito yung last na makakachat ko siya, Ito na yata ang pinakamasayang araw ko, lalo tuloy akong ginaganahang mag-aral haha. kailangan paghandaan ko ang pagpasok ko bukas...


Blinded By DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon