Chapter 1

6 1 0
                                    

New Beginning

  Minulat ko ang aking mga mata at ang bumungad sa akin ay ang malawak na kesame na hindi pamilyar sa akin. Bumangon ako sa aking pagkakahiga at nilibot ang aking tingin sa malaking kwarto na ito.

"Na-nasaan ako?" Bulong ko sa aking sarili. Walang ibang tao dito kundi ako lang.

Ang kwartong ito ay puno ng mga libro, kulay puti ang dingding at may nakaukit sa kesame na isang malaking buwan na hawak hawak ng isang magandang babae. Nakakamangha ang kagandahan ng kwartong ito, may nakaukit pang mga salita sa mga dingding na hindi ko maintindihan.

Pero nasaan ba talaga ako? Pa-patay na ba ako?! H-hindi pa pwede, kaylangan ko pang dalawin ang puntod nila papa at mama.

Tumunog ang doorknob ng pinto kaya ako ay napalingon doon. Isang batang babae ang pumasok, tinignan niya 'ko ng maigi na para bang kinumperma kung 'di ba sila nagkamali. Lumapit ito sa'kin ng hindi pinuputol ang pagkatitig sa aking mukha, tumigil siya sa aking harapan at ngumiti.

Bagamat may anyo siyang bata, may kakaibang aura siyang nagmumula sa kanya—parang hindi siya talaga bata. Ang mga mata niya ay malalim, puno ng karanasan at katalinuhan na hindi mo aakalain sa isang batang mukha. Ang buhok niyang mahaba at makintab, na parang umaabot hanggang likuran, ay may mga hibla ng pilak, na nagbigay ng misteryosong itsura sa kanyang kabataan. Ang kutis niya ay kasing-puti ng porselana, at ang kanyang mga galaw ay may pambihirang kahinhinan, ngunit may kalakip na lakas. Tila siya'y may buhay na mas matagal pa kaysa sa edad na ipinapakita ng kanyang anyo.

"Ikaw nga." Bahagya akong nagtaas ng kilay, pero hindi ko naitago ang pagkakuryoso. Ano'ng ibig niyang sabihin?

  "Anong ibig-" Naputol ang aking mga salita nang muling bumukas ang pinto. Isang babae ang pumasok—may bahid na ng panahon sa kanyang anyo, ngunit nananatiling matatag ang karisma ng kanyang kagandahan.

"Oh, Lyra, narito ka pala. Kanina ka pa hinahanap ng iyong ama," sabi ng babae habang ang boses niya'y mahinahon ngunit puno ng awtoridad. Bahagya siyang lumapit sa amin, ang bawat hakbang ay nagdadala ng di-maipaliwanag na bigat. Pagkatapos ay bumaling siya sa akin, at nginitian ako,Isang ngiting puno ng kabaitan, ngunit may kasamang pag-aalala.

"Pagpasensyahan mo si Lyra," aniya, halos pabulong ngunit malinaw ang boses. "Umaasa akong hindi ka niya naistorbo sa iyong pahinga."

Agad akong umiling, pilit na itinatago ang gulo sa isip ko. "H-hindi po, ayos lang," sagot ko, ngunit ramdam kong parang may hindi ako nauunawaan sa mga nangyayari.

"Kinomperma ko lang naman kung hindi ba sila nagkamali, Inang." Paghihiwatig ng batang si Lyra na nasa tabi ko na ngayon.

"Huwag kang mag alala, ang mga diyosa na ang pumili sa kanya, hinding hindi sila nagkakamali sa pagpili kay Elara." Mas lalo akong nagugulohan. Mga diyosa? Ako ang p-pinili nila sa gabing iyon? Bakit ako? At paano?

Nagmumuni-muni ako, sinubukang iproseso ang lahat ng narinig ko. “Elara…” Iyon ang pangalan na binanggit nila. Ang pangalan ko. Ngunit sa sandaling iyon, ang pangalan ko ay parang isang estranghero sa aking mga labi, isang bagay na hindi ko kayang yakapin. Bakit ako ang pinili ng mga diyosa? Bakit ako? At anong koneksyon ko sa kanila?

Ngumiti ang babae—ang tinawag na Inang ng batang si Lyra—at tinitigan ako ng may pag-unawa sa kanyang mga mata. "Ang pangalan mo, Elara, ay may kahulugan. Ikaw ay itinakda para sa isang mahalagang misyon," aniya, ang kanyang tinig ay puno ng misteryo ngunit malumanay. "Hindi mo pa ito lubos na nauunawaan, ngunit darating din ang panahon na makikita mo."

Naguguluhan akong tumingala sa kaniya, ang mga tanong ay patuloy na bumabagabag sa aking isipan. "Misyon? Anong klaseng misyon? At bakit ako?" Ang mga tanong ko ay nagtatago ng kabang-loob, ngunit hindi ko kayang pigilan. Ang mga diyosa, ang mga nilalang na hindi ko alam, ang aking pangalan, at ang misteryosong silbi ko sa lahat ng ito—lahat ng ito ay hindi umuugma sa aking isipan.

"Ang mga diyosa ay may plano, anak," sagot ng inang, at inilapit ang kanyang kamay sa aking balikat na para bang nagbibigay ng lakas sa akin." At ikaw, Elara, ay may isang kaharian na itatag. Isang kaharian na magbabalik ng balanse at magpapalawak ng kapangyarihan sa buong mundo."

Dahil dito, ang aking isipan ay tila nag-crash, isang kaharian? Balanse? Ano'ng ibig sabihin ng lahat ng ito? At saan ko sisimulan?

Bago ko pa masagot ang mga tanong sa aking isipan, muling nagsalita si Lyra, ang kanyang mga mata ay kumikislap ng kakaibang liwanag. "Inang, hindi ba’t oras na para siyang turuan?" Tanong ng bata sa babaeng tinawag na Inang.

"Sa tamang oras, Lyra. Ang bawat hakbang ni Elara ay may tamang pagkakataon. Kailangan niyang matutunan kung paano magtiwala sa sarili bago siya matutong magtiwala sa iba," sagot ng Inang na may kalmadong tinig, ngunit ang mga mata nito ay puno ng kasunod na pag-aalala.

Tinutok ko ang aking mata kay Lyra, na ngayon ay may halong pagsunod sa sinabi ng Inang. "Turuan ako? Paano?" tanong ko, pakiramdam ko’y napapaloob ako sa isang mundo na hindi ko kayang kontrolin.

"Sa pamamagitan ng iyong lakas, Elara. Hindi mo pa ito nararamdaman, ngunit mayroon kang kapangyarihan na magbibigay gabay sa iyo. Ang oras ay darating na matutunan mo kung paano gamitin ito," sagot ng Inang. "Ang landas mo ay magsisimula ngayon."

At sa mga salitang iyon, parang nagbago ang lahat. Nawala ang kalituhan sa aking isipan, at unti-unting naging malinaw ang mga detalye sa paligid ko. Ang mga ukit sa dingding na hindi ko maintindihan kanina ay ngayon ay mas naiintindihan ko na. Ang mga simbolo na dati'y misteryo ay tila nagtatago ng isang lihim—isang lihim na hindi ko pa lubos na nauunawaan, ngunit nagsimula nang magliyab sa aking puso.

Isang bagong paglalakbay, isang bagong simula.

ChosenWhere stories live. Discover now