PROLOGUE

6 0 0
                                    

NANDITO ako sa labas ng bahay. Parang baliw lang na nakatulala habang babad na babad na sa ulan, napaka bobo mo naman Juli. Ano bang ine-expect mo? Na gusto ka rin ni Julius? Paiyak-iyak ka pa diyan hindi naman bagay sa'yo.

"...Hayop ka, Julius! Ang ganda ganda ko naman 'e!" sambit ko at pinunasan ang luha kong tuloy tuloy lang na bumubuhos. Napaka drama!

Nag-confessed kasi ako kanina kay Julius bago mag-recess. Ayon - na-reject ang lola niyo, napaka bobo naman talaga! Sinong tanga ang magco-confessed bago mag-recess ayan tuloy gutom ako! Kasalanan mo 'to Julius! Huhuh.

"Ate! Ano ba 'yang drama drama mo diyan, hindi ka pa kumakain, hinihintay ka na nila dada!.." sigaw ng bruha kong kapatid, aba hayaan mo naman ako magdrama rito!

"...AAHHHH!! Nakakainis ka naman nagda-drama ako e! Susunod na lang ako!" sigaw ko pabalik sa kaniya! Aba ang ganda ganda ng drama ko rito.

Pinilit pa ako ng kapatid ko ngunit hindi talaga ako sumunod. Sa halip, hawak ko pa ang cookies na dapat na ibibigay ko kay Julius.

"Binake-bake ko pa 'to ayaw mo rin naman pala.." malungkot kong drama. Ang sakit sakit kaya!

-----

Tumigil na ang ulan at nandito pa rin ako sa tapat ng bahay, todo drama. Babalik na sana ako sa loob nang bigla akong nasilaw sa ilaw na dala ng tricycle.

"...Hoy, Manong! Grabe naman ang lights!" sigaw ko kay manong habang nakaharang ang mga kamay ko sa aking mukha.

Nang mawala ang ilaw na ito, may biglang kumalabit sa akin.

"U-uhm.. Hi, Juli."

Bonginamerls, Ate! Si Julius!

Hindi ako nakapag-salita at tinignan ko na lamang siya gamit ang nanlilisik kong mga mata. Oh diba, hindi ako marupok, 'no?!

"...What do you need?" diretso kong sabi. Hindi man lang ako nautal. Hehe.

"Juli, look... I just want to s-"

"Ay nako, busy ako, bye!" sambit ko at akmang papasok na sa loob ng bahay at binuksan ang gate.

Biglang napatigil ang mga paa ko sa paghakbang ng marinig ko ang sunod na sinabi ni Julius. Nyosko, Ate! Nakakahiya. Huhuh.

"...'Yung in-order ni Tita! Pina-deliver sa akin ni Mama." sambit ni Julius sabay kamot ng Ulo.

Hehe. Oh diba nakakahiya! Ba naman 'tong nanay ko order order pa!

"Ah- hehe, gano'n ba?," sambit ko at kinuha ang order sa kamay niya. "..Thankyou ah! Hehe bye!" huling sambit ko at kumaripas ng takbo at isinara ang gate.

Emote emote pa ako kanina sa labas at iniyak iyak ko pa ang pangalan ni Julius nakalimutan ko kapitbahay ko lang pala siya AAAAAAAH!!?!! Ayoko na!

Juli, Can You Smile For Me?Where stories live. Discover now