JCYSFM [ 3 ]

1 0 0
                                    

INIISIP ko pa rin hanggang ngayon ’yung araw na ’yun, ’yung sinabi ni Jessa. Nakakainis naman ka naman kasi self! Bakit hindi ka pa mag-move on sa bading na ’yun! Bata pa lanh ako napansin na ito nila Mama, kahit sa mga classmate ko noong elemantary nagkakaganito ako. Hindi ko lang alam kung bakit kay Von eh ang tagal mawala nito.

May Delusional Misidentification Syndrome kasi ako.

Ibig sabihin, madalas akong nagkakamali sa mukha ng mga tao. Kagaya kay Von, ang tingin ko sa mukha ng lahat ng lalaki ay mukha niya. Sobrang hirap ng ganito, pero paminsan din ay nawawala. Pero simula nang bumalik siya rito sa amin. Ayun! Deadlaks na naman ako, nabuhay na naman ang DMS ko.

Kaya ayokong ma-inlove eh. Ang hirap. Nakakatakot na baka kapag sinaktan ako at hindi kami hanggang dulo...

Mahirapan na naman ako ng ganito.

Natigil ang pag-oover think ko nang kumatok sa kwarto ko ang kapatid ko, Si Alyn.

“..Ate!” Grabe naman makakakatok ang ferson! Parang wawasakin ang pinto ko talaga.

Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo at binuksan ang pinto. Hays! Tama na kasi ang pag-iisip tungkol diyan, Juli! Makaka-move on ka rin kay Von.

“Oh, bakit?...” tanong ko nang buksan ko ang pinto.

“...Ate, nandiyan si Kuya Julius. Yiee—” hindi na niya natapos ang pang-aasar niya nang isarado ko ang pinto sa mukha niya. Not today, Alyn!

Bakit ba kasi nandito ’yang lalaking ’yan? Tanong ko sa sarili. Na-realize ko simula nang bumalik si Von na kaya pala mainit ang dugo ko kay Julius ay magpinsan pala sila. Kainis!

Anong kailangan niya?

“Juli anak! Si Julius kanina ka pa hinihintay!..” sigaw ni mama mula sa sala.

Ano bang trip niya? Inaasar niya ba talaga ako?

Alam niyo ba kung bakit ako inis diyan?

Nakakagago kasi ang ginawa niya sa akin.

FLASHBACK
- [ 1 MONTH AGO ]

“..Nginang entrep ’yan hindi na matapos tapos,” reklamo ni Jessa. Nandito kasi ngayon sa palengke, namimili kami para sa entrep. “Juli beh, ’wag na kaya tayo mag-aral. Mag-anak ka na lang tas alagaan nating dalawa.” dagdag niya.

Napaka gaga talaga.

Ulol! Ikaw try mo.”

Kung hindi lang talaga para sa grade hindi ko ’to gagawin. Grabe sobrang hirap, namamalengke pa lang kami hulas na ’tong si Jessa paano pa kaya kung magtinda na kami.

“...Juli, ang sakit na ng paa ko,” Iyak sakin ni Jessa. Aba bahala ka diyan, Eme. “Mag-graham balls na lang kasi tayo!”

Natatawa na lang ako sa pagrereklamo niya. Akala mo naman gusto niyang i-bagsak ’tong subject na ’to. Kahit ganiyan ka-gaga ’yang si Jessa, grade conscious din ’yan.

----

Patuloy lang kami sa pag-iikot sa palengke, naghahanap ng mga murang bilihin. Kung gusto mo talagang matawag na maganda sa palengke ka dapat pumunta. Eyy, rhyming.

Natigil ako sa paglakakad nang hindi ko maramdaman si Jessa na nakasunod sa akin, kasabay pa nito ang pagtingin niya sa kung saan. Ewan ko diyan.

Juli, Can You Smile For Me?Where stories live. Discover now