NANDITO na kami sa labas ng bahay ko, tinutulungan kami ngayon ni Julius sa mga pinamili namin. Bukod kasi sa mga ingredients na binili namin ni Jessa, nagpasabay din si Mama ng mga kulang niya sa tindahan.
“U-uhm... Thank you.” pasasalamat ko sa kaniya matapos niyang mailabas ang lahat ng gamit namin sa tricycle.
Hindi inaasahan na ganito pala siya kabait.
“Sa susunod na mamamalengke kayo, mag-arkila na lang kayo ng tricycle para hindi kayo mahirapan.” sambit niya.
Ang ganda pala ng mga kamay niya, 'no? Kitang kita ang mga ugat, hehe.
“...For short, ikaw ang aarkilahin namin!” singit ni Jessa.
“Jessa!” suway ko sa kaniya. Nakakahiya naman kung ganoon.
“Sure.”
Umigting ang tenga ko. Tama ba 'yung narinig ko?
----
PAGKATAPOS ng araw na 'yun lagi ko nang sinisilip si Julius sa classroom nila. Ewan ko ba, simula nang makilala ko siya unti-unti kong nakakalimutan si Von. Puppy love lang naman ’yung kay Von, 'no?
Mas crush ko na yata ngayon si Julius.
“...A-Ah, excuse me,” approach ko sa isa sa mga kaklase ni Julius.
Nandito kasi ako ngayon sa classroom nila, hindi ko siya nakita kaya naman nagtanong na lamang ako sa classmate niya.
“Hi...” sagot niya.
“Uhm, nakita mo ba si Julius?”
Jusko! Sana alam niya kung nasaan, balak ko kasi sanang bigyan siya ng Cookies. Oo na! Nandito na naman ako sa ganitong phase.
Pero iba talaga 'yung kay Julius.
“Oh, si Hulyo? Kasama niya mga tropa niya. Umalis yata—” sagot niya.
“...H-Huh? 'Di ba mamayang 4 pa ang end ng klase niyo?”
Gulat kong tanong. Nag-cutting ba siya?
Nakita kong tumingin tingin sa paligid ang kaklase ni Julius, tinitignan kung may makakarinig. At biglang bumulong sa akin.
“...'Wag kang maingay, ah? Pero, balak kasi nilang mag-cutting.”
What? Ginagawa niya 'yun?
-----
NANDITO ako ngayon sa likod ng school namin, hinahanap siya. Hindi ko alam kung saan dito 'yung sinasabi nung classmate niya, eh ang laki laki ng school namin. Matagal na ba nilang ginagawa 'yun? Mukhang sanay na ang mga classmate nila eh.
Napatigil ako sa paglalakad ng may narinig akong mga kaluskus. Medyo madamo na rin kasi dito.
“Tanginamo naman, pre, 'wag ka maingay...”
“...Baklasin mo na 'yan”
“Isa pang lakas ng boses niyo, 'pag may nakarinig talaga sa'tin.”
Sila Julius ba 'yun?
Nagtatago lamang ako sa gilid, hawak na mahigpit ang cookies na ibibigay ko kay Julius.
YOU ARE READING
Juli, Can You Smile For Me?
RomanceEver since we've met wala ng nasa isip ko kung hindi ikaw. Kailan ka ba aalis sa isip ko? Minsan natatawa na lang ako sa sarili ko kung bakit sa dinami dami ng lalaki sa mundo - ikaw lang ang nasa mga mata ko. Funny right? Pero ano pa nga ba ang sil...