ANO ba naman 'tong kapatid ko, kung kailan gabi na tiyaka niya naalala na kailangan niya pala ng colored paper. Akala mo college student na at graduating na napaka hilig mag-cram ng batang 'to! Nandito tuloy ako sa labas 10pm na naghahanap pa rin ng colored paper. Parang baliw lang.
"...Ihhh! Kasi naman e!" reklamo ko kasi naka-ilang tindahan na ako lahat sarado na, saan ako pupunta? Eh wala naman ako sasakyan para dayuin pa 'yang National Bookstore para lang makahanap ng assorted na colored paper!
Sa kakareklamo ko natadyakan ko ng pagkalakas-lakas yung latang kanina ko pa sinisipa. Ayun! May natamaan yata ako huhuh!
"Ouch! What the-" aba englisher masaktan 'tong isang 'to ah! Sorry na 'ya!
"..Huhuh sorry po!!" Tinignan ko ang paa niya kasi dun ko siya natamaan, medyo may pagka-pink ang nails! Kabog!
"Juli?.."
Aba! Pag minamalas ka nga naman oh! Ikaw pa talaga nakabangga ko, mukhang mapapaaway ako ngayong gabi ah.
"...Von? Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko kunwari pero wala naman talaga akong pake. Aba beh kung kilala niyo lang ang ugali niyan aba baka kayo sumuko rin. Echoserang bakla 'to gabi na nasa labas pa.
"Ah, My counsin's living here actually. Hmm, inaantay ko lang siya susunduin niya raw ako rito..." sambit niya at tumingin sa paligid. hindi ko alam na may pinsan siya rito, ay ano bang pake ko?
"Ikaw, Juli? Gabi na ah, bakit nasa labas ka pa?" dagdag niya pa.
"..Pake mo- este, uhmm.." Nako naman Juli bakit hindi mo matikom 'yang bibig mo!
"..Uhmm, excuse me?-" aba 'wag mo akong ine-english bading!
"Puke mo!.. ayon! A-ano kasi nagulat ako may lamok pala na nangagat sa'kin.." palusot ko! Pero sa gabing 'to kung may lamok na nanggugulo sa akin, ikaw 'yun bading!
"..Alam mo na hehehe expression lang."
Tumawa siya. Bonginamerls beh 'wag kang tumawa! Diyan ako nahulog e kahit alam kong mas babae ka pa sa akin!
"You never change. You're still the Juli that I've me-"
Naputol ang mag sasabihin niya ng may ilaw ng tricycle na sumilaw sa amin. Ito na yata 'yung pinsan niya.
"... He's here na yata, Juli." Ngumiti na naman si Gaga, ay ayoko niyan 'wag ka ngang gumanyan!
"Ay gano'n hehe sige go, bye!"
Tatalikod na sana ako para umuwi na, bahala na si pipoy maghanap ng colored paper niyang assorted pagod na ako! Gabing gabi na mamaya manuno pa ako. Ganda ganda ko e!
"..Juli!" sigaw ni Von. Aba beh ano na naman ba, masisira na naman buhay ko! Eme.
"A-ah, yes?" sagot ko. ay beh bakit ganiyan ka? hindi ka naman ganiyan ah! hihi.
"Gusto mo bang sumabay na sa amin? Delikado na." sambit niya, hindi ko masiyado makita 'yung mukha ng pinsan niya kasi inaayos 'yung mga gamit niya para isakay sa tricycle.
"..A-ah, ano kasi hindi na! Bibili pa ako ng-" hindi na natapos 'yung mga sasabihin ko nang magsalita si Von.
"Juli, sige na... Anong oras na rin. Kung ano man 'yang bibilhin mo, pwede pa naman siguro bukas 'yan." sambit ni Von. Ih- eto na naman tayo sa pagiging mabait mo! Nakakainis ka. Kaya galit ako sa'yo eh!
"....Okay, oh Juli pinsan ko na nagsabi ah, tara na!" huh, ano raw? Hindi ko naman narinig 'yung pinsan niya.
Pero ayan wala na akong choice nandito na ako sa tricycle nila. Oo na lang ako ng Oo kahit wala naman ako naiintindihan sa mga sinasabi ni Von. Ito namang pinsan niya nonchalant. Hindi ko makita 'yung mukha dahil sa laki ng mga maleta ni Von na kasama ko rito sa loob. Hindi ko alam kung sino ang siniksik sa amin e. 'yung mga maleta ba o ako? Nyosko!
"...H-huh?" takang tanong ko sa sarili nang tumigil yung tricycle. sasabihin ko pa lang kasi sana kung saan ako baba, hindi naman alam ni Von ang bahay ko kaya paano niya nalaman.
Hirap na hirap akong umalis sa loob. Ang sakit ng pwet ko dahil sa dami ng gamit ni Von! Para kaming sardinas talaga sa loob, napaka bilis pang magpatakbo nitong pinsan niya.
Nahihilo tuloy ako!
"Hala! Juli, pasensya ka na ah, hindi ka ba komportable sa loob? Huhh sorry."
Ay nako beh! Kung alam mo lang.
"..Ay n-nako ayos lang. Salamat pala." Ayos lang, hindi naman nadurog ang pwet ko dun at sumakit ang buong katawan dahil sa mala- spaceship na pagpapa-takbo ng Pinsan mo.
"Thank you rin pala... What's your name pala?" tanong ko sa pinsan niya, at kasabay nito ang pag-angat niya ng ulo niya dahilan upang makita ko ang mukha niya.
"Julius."
Tangina.
Kaya pala alam ang bahay ko.
YOU ARE READING
Juli, Can You Smile For Me?
RomanceEver since we've met wala ng nasa isip ko kung hindi ikaw. Kailan ka ba aalis sa isip ko? Minsan natatawa na lang ako sa sarili ko kung bakit sa dinami dami ng lalaki sa mundo - ikaw lang ang nasa mga mata ko. Funny right? Pero ano pa nga ba ang sil...