INIS na inis talaga ako sa mokong na ’yon! Aba ate kulang na lang buong mag-anak silang kainisan ko. Pinsan pala niya si Von. Bonginamerls naman! Kung hindi niyo kasi naitatanong, crush na crush ko ’yan si Von noong highschool kami. Aba ayoko na talaga huhuh!
FLASHBACK
- 1 year ago.“Juli, naman e! Ang usok usok na ng buong bahay balak mo bang magtayo ng barbie quehan dito, ha?!”
Reklamo ni Jessa. Ang best friend ko. Aba beh nagbe-bake lang naman ako ng cookies para kay Von. Ang Ultimate Crush ko! Grabe kahit mas babae pa siya sa akin crush na crush ko talaga siya! Ay ewan, kahit ano pang sabihin nila wapakels ako. Gusto ko lang naman magkagusto kay Von hehe.
“..Pwede ba, Jessa? Kesa talakan mo ako diyan, just help me. Huhuhu nahihirapan na rin kaya ako!”
Sambit ko at ipinunas ang kamay ko sa pawis ko. Bonginamerls naman may harina pala ’tong kamay ko. Ihhh!!!
“Alam mo, Juli! Last na ’to. Nyeta ka, hindi na kita hahayaang ma-inlove pa!”
“..Ay gaga ka, ano asawa ka ni Kupido?”
Dami talagang alam neto. Kala mo hindi supportive sa akin eh.
“Oo beh! Ako si Kupida. Hehe.”
“..Oo! Kupidang Gaga!”
------
NANDITO kami ni Jessa sa labas ng classroom ni Von, jusko nai-imagine ko palang ang pagbibigay nito sa kaniya kinikilig na ako.
“Huy ’te! Nandoon na si Von oh, lumagpas na, anong tinutung—”
Nagulat ako sa sinabi ni Jessa kaya kumaripas kaagad ako ng takbo para habulin si Von. Bakit naman kasi nagde-day dream ka pa bading! Ayan tuloy!
“...Hoy bading hintayin mo ako!”
Hingal akong humarap kay Von, grabe nakakahiya! Pero napalitan naman kaagad ng kilig ’yung nararamdaman ko matapos siyang ngumiti sa akin! Bonginamerls huhyh!!!
“Hi, Juli!”
AAAAAHH.. Lord ayoko na talaga! Ang gwapo kahit naka liptint siya heheh.
“A-ah, h-hello...”
Nginamobeh! Ngayon ka pa talaga nautal HUHUH.
“...Ah Julius may bibigay sa’yo ’yung kaibigan ko!”
You're my life savior talaga Jessa! Huhu Loveyou!
“..Really? Ano ’yun, Juli?” Ngumiti ulit na sambit ni Von at tulayang tumingin sa akin.
Kahit anong anggulo talaga e no, napaka gwapo! 6'1 ang height, mistiso, napaka ganda ng ngiti. Ang kaso naka liptint at blush on, mas pakak pa nga yata sa akin ang make up niya. Pero ayos lang! I still like him.
“..U-uhmm Yes oo! H-here,” Kabado kong ibinigay sa kaniya ang Cookies na binake ko. Sana magustuhan niya, halos mamatay ako sa usok ng mga harina dahil may asthma ako magawan lang siya nito. Huhu!!!
“I hope you like it.” Laki naman ng ngiti ko nang tanggapin niya ito. Grabeeee! Walang araw talaga na hindi ako kinikilig sa’yo, nyeta kang bading ka!
Tinanggap niya ito at tumingin sa kaibigan niyang si Rajj, kinilig siguro sa akin HAHAHAH eme. “U-uhm, Thanks, Juli.” nginitian niya ako.
“... You're welcome! Alam mo bang pinaghirapan ko ’yan, sana lang magustuhan mo! First time ko kasi, actually pinanood ko lang sa YouTube University ang recip—”
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang magsalita si Von.
“We gotta go, Juli. Salamat ulit.”
Naingayan ba siya sa akin? Huhuh! Napaka daldal mo naman kasi Juli. Baka hindi yata ganoon ang mga tipo ni Von. Na-turn off ba siya sa akin?
“Tara na, Juli. May sapi yata ’yang si Von e.”
Sambit ni Jessa at hinila ako para makabalik na kami sa classroom.
“..Mabait naman si Von, Jessa,” sambit ko nang nakayuko.
“Baka may regla lang.”
“..Tanginamo!” sambit ni Jessa at binatukan ako.
END OF FLASHBACK
- PresentPINAGSISIPA ko ang pader namin dahil sa inis ko sa mga naalala ko. Pagkatapos ko kasing bigyan si Von noon ng Cookies, nalaman kong hate pala niya ang cookies at tinapon niya lang, dahilan kaya ko siya inuncrush!
“...Nakakainis ka talaga!!!”
Sigaw ko sa inis. Kaso hindi pa rin talaga mapagkakaila na gusto ko pa rin siya. Halos lahat yata ng tignan kong lalaki, mukha niya ang nakikita ko.
“..Ate! Nandito po si Ate Jess—”
Bago pa matapos ng kapatid ko ang tinuran niya, heto na! Nandito na kaagad si Jessa sa kwarto ko. Babae talaga na ’to oh!
“Juli!!! I-chika mo na sa akin, now na!”
Napaka chismosa talaga. Hindi man lang ako tanungin kung kumusta ako? Jusko!!
“..Alam mo, umalis ka na.” mataray kong sambit sa kaniya. Aba bahala ka diyan sis!
“Iihhh!!! Ito naman hindi mabiro. Ano bading pa rin ba si Von?”
Sinamaan ko siya ng tingin. Malamang bading pa rin ’yun be! Ano i-eexpect mo.
“Nang-aasar ka ba?”
“..Joke lang, friend hehe! Ano kwentuh—”
Magsasalita pa sana siya nang bigla ko siyang dramahan! Jusko kanina ko pa ’to gustong ilabas!
“...Jessa! Mahal ko pa rin siya!!!!”
“Hoy! Napaka OA mo!”
Mangiyak-ngiyak ako sabay palo ng unan sa ulo ko. Napaka pogi kasi talaga e! Kaso masakit siyang magustuhan, tinapon ba naman ’yung cookies ko.
“...Hindi ko na yata kaya ’to, lahat ng lalaki siya ang nakikita ko.”
Iyak ko pa sa kaniya. Kaso bigla akong nagising sa katotohanan sa sinabi niya. Batukan ko kaya ’to.
“Beh, nagulat ka pa e sakit mo na ’yan.” tatawa na sana siya nang sabunutan ko siya.
“...Ulol!”
Pero kidding aside. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Paano ba kasi mawawala ’yung ganito? Ang hirap naman kasing mag-move on kung sa bawat lalaking nakikilala ko si Von ang nakikita ko. First love never dies talaga.
Pero siya ba talaga ang first love ko?
YOU ARE READING
Juli, Can You Smile For Me?
RomanceEver since we've met wala ng nasa isip ko kung hindi ikaw. Kailan ka ba aalis sa isip ko? Minsan natatawa na lang ako sa sarili ko kung bakit sa dinami dami ng lalaki sa mundo - ikaw lang ang nasa mga mata ko. Funny right? Pero ano pa nga ba ang sil...