Say Something
Chapter 5
(Back to Sarah's POV)
Nasa loob kami ng sasakyan ni Miss Lea. Nanalo si Lyca sa The Voice Kids. Ever since napanaginipan ko iyon, hindi pa kaming muli nakapagsolo ni Miss Lea. At mas lalong hindi ko hinayaang mapagisa kami ni Bamboo.
Hindi ko alam bakit hiningi ni Miss Lea na sa kaniya ako sumabay, papunta sa after party the TVK. Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon, tutal namiss ko din naman itong co-coach ko. Sa kaniya ako pinaka-close at siya ang nakaka-alam ng lahat ng pinagdaraanan ko.
Binuksan niya ang player sa loob ng kaniyang magarang sasakyan. Laking gulat ko sa narinig kong tumugtog sa playlist niya. Hindi ko iyon inaasahan. Iyong tinugtog ni Bamboo sa panaginip ko, iyon ang kasalukuyang pumapailanlang sa katahimikan sa loob ng sasakyan.
"Miss Lea? Anong kanta iyan?"
"Ah, that?" Nilingon niya ako saglit. "That's Greatest Love Story Ever Told. Isn't that nice?" Napasandal siya sa driver's seat. "Oh, how I'd love to hear my husband sing that for me."
Natahimik ako. Habang tumutugtog iyon sa background, unconsciously, nagreplay sa utak ko iyong eksenang iyon sa panaginip ko. Napailing ako ng marahas sa mga naiisip ko.
"Is everything okay, Sarah?" untag ni Lea.
"Ha? Ah... Eh... Opo naman..."
"Stop lying to me. I didn't reach my age for nothing. Naging twenty-five din ako at some point, you know?!"
Napakamot na lang ako ng batok. "Miss Lea kasi..."
"What?"
"Kasi ano po... May napanaginipan ako. Involve tong kantang 'to."
"And... Lemme guess, it's about that gorgeous man?!" iminuwestra niya ang ulo niya sa unahan.
Hindi ko namalayang nandoon na pala kami sa place ng after party. Bar iyon sa may High Street. Nasa unahan ng sasakyan ni Miss Lea ay ang sasakyan ni Bamboo. Nakagarahe na ito, pero si Bamboo ay naroon lamang, nakasandal sa hood ng sasakyan nito. Tipong may hinihintay.
Pinatay ni Miss Lea ang makina ng sasakyan at hinarap ako. "I'm dying to hear that story Sarah. So, you better tell me everything. I'm gonna try my best para makalayo tayo kay Bamboo."
"Thank you po."
Nagulat ako sa biglang pagbukas ng pintuan ko. Si Bamboo iyon. He's dashing with his styled hair, white buttoned-up shirt and black coat. As always, he looks ravishing and dangerously handsome. Hay! Buhay nga naman. Napapa-english ako sa kagwapuhan!
"What took you ladies so long?" tanong niya, habang iminumuwestra ang kamay niya.
Iniabot ko rin ang kamay ko at hinayaan ko siyang alalayan ako pababa ng sasakyan. Napaka-warm ng magkadaop naming mga palad. Kung hindi lang kalabisan, hindi ko na sana babawiin iyong kamay ko. Iyong simpleng pagkakahawak niya sa akin, parang napaka-safe na ng pakiramdam ko.
"And you're just gonna leave me, all alone here in the car, Francisco?! You won't even help me out, like what you did to Sarah?!" si Miss Lea iyon.
Natatawang tumakbo si Bamboo papunta sa side ni Miss Lea. Inunahan naman siyang bumaba nito. "I was just kidding you, dude. Chill."
"Loko ka talaga, Lea. Come on, you guys. Party can't start without the winning coach, right?" pagkindat niya sa akin.
At hayon, nagmistula na namang karera ng kabayo sa dibdib ko. Huminga na lang ako ng malalim at ngumiti kay Coach Lea.
"Tara na po" inangkla ko ang kamay ko sa braso ni Miss Lea at nagsimula ng maglakad. Si Bamboo ay hinayaan naming sumunod sa amin.
--
"So when are you gonna start telling me the whole story?" si Miss Lea iyon, na kasalukuyang nakaupo sa tabi ko habang umiinom ng Mango Mojito.
"Story? Ano pong story?" clueless kong tanong, habang nagpapapak ng chicken lollipops at iniinom ang iced tea ko.
Bumuntong-hininga siya. "Guessing game ba ito?" natawa siya. "I'm dying to hear that dream na involve iyong song na narinig mo sa car ko. So?"
"Oh!" singhap ko. Hindi ko talaga na naalala pa iyon. Masyado akong nagenjoy sa party. Hindi ko naman rin maikwento kanina kay Miss Lea dahil kasama namin si Bamboo. Umalis lamang ito para magpunta sa restroom.
"So ano nga? You better start now kasi lalaki iyong topic natin, mabilis lang mag-CR iyon. Swerte kung mahaharang siya on his way back here" she smiled.
"Sorry po, nawala na sa isip ko. Eh...ahh...kasi...ganito po iyon. Kagabi..." at nagsimula na nga akong ikwento ang panaginip ko. Lahat ng detalye. Maging kulay ng damit ni Bamboo at Matteo. Wala akong iniwang ni maliit na information.
Muli'y napabuntong-hininga si Miss Lea ng matapos kong sabihin ang lahat sa panaginip ko. Napailing pa ito bago nagsalita. "You know, dream is a product of things that's going thru your mind and your heart, right? Iyong mga bagay na iniisip mo at ipinagsisigawan ng puso mo kapag gising ka, nagtatranspire sa panaginip iyon. Sabi nga sa isang Disney song, A Dream is a Wish Your Heart Makes. And that proposal? That point where he admitted na he's divorced and single, na he loves you? You knew you wanted that to happen."
"Miss Lea-"
"'Wag ka na sa akin mag-deny, Sars. 'Wag ako. I know you too well."
"Hindi naman po ako magde-deny. Sa totoo lang, hihingi na po ako ng advice. Naguguluhan na po talaga ako" nararamdaman ko ng nagiinit ang mga mata ko. Anytime, tutulo na naman ang mga luha ko.
Napangiti siya, iyong ngiting may awa ngunit naiintindihan ang nararamdaman ko? "When was the last time you and Matteo had an honest conversation? Hindi iyong dates or kwentuhan about work or friends, but a talk about your relationship?"
"'Di ko na po matandaan." Ako naman ang bumuntong-hininga, "honestly po, hangga't maaari iniiwasan kong magusap kami ng seryoso."
"Do you ever talk about marriage? Having a family together?"
Umiling ako, "siya po, these past few months, inoopen up niya."
"Eh ikaw? Anong sinasabi mo?"
"You getting married, Sarah?" sabi ng lalaking umupo sa tabi ko.
Nandilat bigla ang mga mata kong nakatitig sa babaeng kanina pang kausap ko. Hindi ko man kasi lingunin, alam kong si Bamboo iyon. Kanina pa ba siya nandoon? Hindi ko magawang tingnan siya o sagutin ang tanong niya.
"Yes, I think Matteo and Sarah will get married soon. They're talking about it na and with how their relationship is going, Matteo might pop the one-million-dollar question soon" si Miss Lea iyong nagsabi noon.
Pawang walang katotohanan ang mga binitiwan niyang salita, kaya naman pinandilatan ko siya. Dahil kahit ino-open up ni Matteo ang topic ng kasal, lagi ko namang iniiwasan iyon. Dahil ayaw ko. Dahil gulung-gulo ang isip at puso ko. Dahil iba ang mahal ko. Hindi ko pa rin magawang tingnan si Coach Bamboo, pero sa gitna ng maingay na palahaw ng musika, narinig ko ang sinabi niya.
"There goes my chances...all those efforts for nothing" at tumayo na siya.
"Ha? Ano daw?!" nanlalaki ang mga matang sabi ni Miss Lea. "Did he just say what I think he said?"
Nagkibit na lamang ako ng balikat. "Oh, this night! I think it's the start of something...something that would beat every published love stories there is, out there!"
---
Grabe tagal ko na pala walang update nito! Sorry! Sana makabawi in the next coming chapters! Enjoy po!
Ciao!