Say Something : Chapter 2 - Sarah

647 15 4
                                    

Dahil rest day naman from work, update muna.. sorry kung hindi naaayon sa tamang timeline ang mga pangyayari dito sa story ko kesa sa totoong buhay.. fanfic lang naman eh..

-@@-

Say Something : Chapter 2 - Sarah


Nagtatawanan silang lahat, masaya siyempre dahil natapos ang araw na iyon ng Blind Auditions na maraming artists ang nakapasok sa kani-kanilang team. Nagkukwentuhan sila ng mga nakakatawang nangyari sa kanila during concerts and performances nila noon. Ano naman isi-share ko? Wala naman akong maisip.

"What about you, Sarah?" si Bamboo iyon na kasalukuyang nakaupo sa harapan ko.


"Ako? Wala akong maisip eh" pagkibit ko na lang. Wala talaga eh. Hindi sa perpekto ako or kung anuman, pero wala ako sa mood.


"Come on! It couldn't be that bad, could it?" si Apl iyon.


"Nope, hindi naman. Wala lang talagang tumatakbong maayos sa isip ko sa ngayon." sagot kong muli. "Lalabas muna po ako, mga coach. Papahangin lang saglit."


Tumayo na ako ng walang sagot man lang sa kanila. Kailangan ko lang magisa. Maarte siguro sa tingin ng ilan pero kapag naman ang tao may mga mabibigat na iniisip, mas gusto nilang mapagisa, hindi ba? Gaya ngayon. Mas gusto ko magisa at walang ingay. Kaya naman nilabas ko ang aking iPod, inilapat ang earphones sa tainga at nakinig ng malulungkot na kanta. Minsan kasi 'pag malungkot ka, mas masarap namnamin 'yong sakit, kasi mas may mahuhugot kang emosyon.



Nandoon lang ako sa labas, nakatayo. Tulala sa kung saan mang lupalop at pinakikinggan ang "Say Something". Napakalungkot ng kanta. Napakasakit na iwanan ka ng mahal mo pero dahil sa sobrang mahalaga sila, mas nanaisin mo pang sila na lamang ang mangiwan sa'yo kaysa ikaw ang makipag-break sa kanila dahil ayaw mo silang masaktan. Parang si Matt.


Mahal ko si Matt. Minahal ko siya sa paraang alam kong karapat-dapat sa kaniya. Pero hindi sapat para hayaan kong mag-stay siya sa akin na alam kong may kahati siya sa puso ko't atensiyon. Napaka-unfair sa kaniya noon. Pero paano ako makikipaghiwalay sa kaniya kung sa tuwing ia-attempt ko, awa at guilt 'yung nadarama ko?


"A penny for your thoughts, Babe?"


Napalingon ako sa nagsalita sa tabi ko. Laking gulat ko ng si Bamboo ang makita ko. Bakit naman kasi sa lahat ng pwedeng itawag, "Babe" pa? Eh iyon ang endearment ni Matteo sa akin eh. Akala ko tuloy siya iyon.


"Ah, wala naman, Coach. Nagpapahangin lang po ako. Medyo nabarahan yata iyong ilong ko sa loob. Puro kasi kayo english, nag-nosebleed ako. Kaso ang lamig, tumigas tuloy!" tatawa-tawa kong sagot.


"That is so gross!" napahawak ito sa bibig nito.


Ang gwapo talaga ng talipandas! Kung pwede lang itong iuwi at titigan ko na lang sa bahay para makatulog, ang tagal ko ng ginawa! "Ikaw, anong ginagawa mo dito?"


"They're worried about you. Sabi nila ang quiet mo daw, kanina pa. What's bugging you?" nakakunot ang noong tanong nito.



"Hindi naman masyado, Bamboo. Wala lang talaga sa mood. May mga iniisip lang ako."



"Like what?"


"Tungkol sa buhay-buhay. Basta, Coach! Ang hirap din po kasi iexplain eh."


Tumangu-tango lamang siya. Totoo naman kasing mahirap ipaliwanag. Lalo pa't involved siya. Isa pang bumabagabag sa akin ay sila Mommy at Daddy. Tanggap na tanggap kasi nila ang relasyon namin ni Matteo. Alam nilang walang mali sa kanya. Napaka-ideal. Kaya naman alam kong magtataka talaga sila.


Say Something ({AshBoo Fanfic}) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon