Say Something : Chapter 6
Sarah's POV
TAHIMIK LAMANG kami sa loob ng sasakyan. Tanging ang music lang mula sa stereo ang ingay roon, ngunit nakakabingi. Nabibingi ang tenga ko mula sa malakas na pagkabog ng dibdib ko.
Simula nang alalayan niya akong sumakay sa kotse niya, hindi ko na nilingon pa si Bamboo. Ang hirap! Pagkatapos niyang bitiwan ang mga salitang iyon, sa harapan pa talaga ni Miss Lea, hindi na niya ako kinausap. Ni lapitan ay hindi na rin. Ako man ay piniling lumayo sa kaniya.
Alam kong pinagkakatuwaan na naman kami ni Miss Lea, dahil siya ang nag-udyok at ang may pakana kung bakit si Bamboo ang maghahatid sa akin pauwi. Dapat ay si Miss Lea, pero sabi niya'y hindi pa siya uuwi. magpapaiwan raw siya doon dahil susunod pa ang asawa niya. Ako naman ay hinahanap na nina Mommy. Kaya naman, kinausap niya si Coach Bamboo na ihatid ako.
"You're extremely quiet tonight, Sarah" untag niya sa gitna ng katahimikan.
Tumikhim ako, "wala akong maikwento at masabi eh."
At nakita ko siyang nag-smirk. Pero ni hindi man lang iyon umabot sa kaniyang mga mata. Ngunit sa tingin ko'y assuming lang ako. "Why not tell me about your wedding plans? Since nagplaplano na pala kayo ni Matteo magpakasal, ano nga ba ang dream wedding mo?" tanong niya.
Wedding plans? Wala pa naman kaming wedding plans! Si Miss Lea talaga! Kung anu-ano kasi sinabi niya eh, ayan tuloy paniwalang-paniwala si Coach Bamboo! Anong sasabihin ko? Eh kabilin-bilinan ni Miss Lea, 'wag ko sasabihin ang totoo kung magtanong man daw si Bamboo mismo. Hindi ko sure kung ano eksakto ang plano niya pero ang natatandaan ko lang, gusto raw niyang makuha ang reaction ng lalaking kasama ko kasalukuyan.
"Dream wedding ko? Hmm...simple lang. Gusto ko church wedding, Coach. Kasi para sa akin, napaka-sagrado ng kasal. At walang ibang dapat akong lakaran, maliban sa harapan ng mapapangasawa ko at sa harapan ng Diyos" napapangiti kong kwento.
Habang sinasabi ko iyon, 'di ko maiwasang mapalingon kay Bamboo. Naroon sa mga labi niya iyong ngiting nakakapagpasaya sa araw ko. Parang napi-picture out niya sa isip niya iyong description ko ng dream wedding ko. "Gusto ko rin, madaming bulaklak. Pastel colors at white. Pastel color din ang gusto kong motiff" pagpapatuloy ko. "Iyong groom ko? Wala siyang ibang titignan kung hindi ako. Makikita sa mga mata niya yung love. Ako? Wala akong ibang titignan kung 'di siya, dahil siguradong sa mga oras na iyon, siya ang pinakagwapong lalaki sa paningin ko. My prince charming, waiting for me, sa harap ng altar."
"Wow! Siguradong walang ibang titignan ang groom mo. I can see him only looking at you, for you will be the most beautiful bride, the most beautiful woman to walk down the aisle" nilingon niya akong saglit upang bigyan ng tipid na ngiti.
"Sana nga. Kasi kapag ako, kinasal? Iyong pakakasalan ko na iyong makakasama ko hanggang pagtanda. Para sa akin, isang beses lang dapat tayong ikasal. Isang beses lang dapat tayong-"
"Stop!" biglang sigaw ni Coach, kasabay rin ang paghinto ng sasakyan. Bakit parang naiinis siya noong humarap sa akin? "Are you insinuating something? Ha, Sarah?"
"Ha?" weird nito. Siya nagtanong about wedding, malamang I'm insinuating something?! Eh, I'm talking about my perspective tungkol sa marriage and wedding!
"Are you implying something about me?" kunot na kunot ang noo niya ha? Anong meron dito.
"Sorry, Coach...pero 'di ko na po magets eh. Ano po bang ibig ninyong sabihin?"