Say Something : Chapter 4
(Third Person's POV)
Simula noong insidenteng pagkakakita ni Sarah sa peach rose sa loob ng kaniyang dressing room, mayroon pang mga pagkakataong nakakuha siya ng note at single-stemmed rose. Parati na lang ay sa dressing room niya ito nakukuha.
"Alam mo, ang lakas ng kutob ko, whoever that man is, I'm sure he's just within the vicinity! And you know who my guess is, right?" sabi ni Lea.
Nasa loob sila noon sa dressing room niya. Hindi pa nagsisimula ang taping nila sa Live Performances sa The Voice Kids. Naka-ready na sika pareho, naghihintay na lamang ng tawag ng staff kung dapat ng lumabas at kung magsisimula na.
"Pero paano kung hindi po pala siya iyon?" tanong ni Sarah.
"From the looks of it, parang you'll be disappointed kung hindi siya." Tumawa si Lea, "don't worry. I'm about ninety-nine percent sure na siya iyan. Kung hindi siya, napakaliit ng chance."
"Napaka-confident naman po ninyo, Miss Lea. Parang siguradong sigurado po kayo. I guess, madidisappoint po ako kung hindi nga siya, eh sa mga nabanggit ninyo ay napapa-expect ako."
"You really like him, don't you? Ikaw na bata ka kasi, kaya ka nasasaktan. Alam mo ba ang pinaka-No-No dapat sa isang relasyon or kahit sa anong bagay ay expectations? Kasi parang you are setting standards na 'pag hindi mo na-meet, you'll feel bad. Lalong lalo na sa relasyon. Example, you expected Matteo to be like 'him' pero dahil magkaiba silang tao, hindi magwuwork. Instead, lumalamig ka lang sa kaniya."
Nanlaki sa gulat ang mga mata ni Sarah sa pagkabigla. Lea hits home run. Sapul, bull's eye! Gusto sana niya kumpirmahin ang sinabi nito at ipagpatuloy ang kwentuhan ngunit may kumatok na lalaking staff sa dressing room niya at sinabihan silang magsisimula na sila in five minutes.
At siyempre, iwas pa rin siya sa lalaking lumilito sa kaniyang isip at puso. Ayaw na niyang gawin pang mas komplikado ang dati'y komplikado nang takbo ng isip. Pero 'di niya maiwasang mapaisip sa mga sinabi ni Lea. Maypunto lahat ng sinabi nito, lahat ng hinala. Kaya nga't kahit umaasang siyang sana ay si Bamboo ang "Secret Admirer" niya, tumatak sa kaniya ang sinabi ni Lea tungkol sa "expectations". Ayaw niya masaktan at ma-disappoint kaya naman hindi na rin siya umaasa.
~o|i|*|i|o~
Pagod na pagod nang gabing iyon si Sarah kaya napagpasiyahan niyang mahiga muna sa kama bago asikasuhin ang sarili. Para kasing patang-pata ang katawan niya. Yes, it's that time of the month kaya ganoon na lang ang fatigue na nararamdaman niya. Isa pa, kanina pang wala siya sa mood dahil sa sakit na nararamdaman niya sa puson niya.
Nagreplay ang mga nangyari ng umagang iyon sa isip niya habang titig na titig siya sa kisame. Lalong lalo na ang mga sinabi ni Lea. Pilit niyang binubura ang pagasang namumutawi sa kaniyang puso pero napakapilit niyon. Nagpupumiglas. Unti-unting bumigat ang mga talukap niya.
~o|i|*|i|o~
Lumingon siya sa kaniyang kaliwa... sa kanan. Wala siyang makitang tao doon. Sobrang pamilyar sa kaniya ang lugar na kinaroroonan niya. Nasa set siya ng ASAP. Ang nakapagtataka ay walang katao-tao roon. Isa pa, wala ring audience.
"Oo nga pala, paano akong napunta dito?" takang tanong niya sa sarili.
Nabigla siya ng may mag-play na video sa gilid, doon sa big screen. Video iyon ng pinaka-unang pagdu-duet nila ni Bamboo. Napatitig siya sa video ng kanilang performance, lalo na kay Bamboo. Napakagaslaw nito ngunit napakagwapo pa rin.
Hindi pa man tapos iyon ay napalitan na ng isa pa nilang duweto, noong kinanta nila ang All Of Me. At isa-isa na ngang nagplay ang lahat ng performances nila ngunit hindi naman natatapos. Bigla na lamang bumukas ang wall sa center stage ang lumabas roon ang lalaking pinipilit pa rin niyang itatwa sa puso't isip niya. May dala-dala itong gitara at mic stand.