Say Something : Chapter 1 - Sarah

959 17 6
                                    

Say Something : Chapter 1 - Sarah

Sabihin ninyo ng ambisyosa ako, na ang taas ng pangarap ko, wala na akong pakialam. Wala na, sobrang nahulog na ang loob ko sa kanya. Bakit naman hindi, 'di ba? Sino ba naman ang babae ang hindi mahuhulog ang loob kung bawat bitaw niya ng nota sa mga kanta namin, ang intense nung titig niya. Para bang ako iyong kinakatahan? Para bang para sa akin iyong kantang iyon talaga.

Alam kong may asawa na siya, may sabit. May dalawa pa ngang anak. Ako naman, mayroon na ring boyfriend. Sasabihin ng iba, umaarte pa ko dahil parang napaka-perfect na ni Matt pero heto ako, nakahanap ng ibang lalaking mamahalin. Ang pagmamahal naman, ang pagibig, dumarating unexpectedly, hindi po ba? Minsan, pigilin mo man, huhulagpos pa ring pilit.

Sinubukan kong pigilan, kaso wala talaga. Alam ko naman na napaka-imposibleng magustuhan niya ako. Suntok sa buwan iyon, dahil may asawa't anak na siya. Happily married, ika nga nila. Ang kaso, doon nga nagsimula ang paghanga ko sa kanya.

Tuwing break namin sa Blind Auditions, makikita kong katext niya ang asawa niya. Pero mas madalas na tinatawagan niya ito. Kahit hindi ko naman marinig ang pinaguusapan nila, naririnig kong "Cecil" or "hon" ang sinasabi niya bago siya lumalayo. Napakaswerte ng asawa niya kasi nakatagpo siya ng katulad ni Bamboo na family man.

"Sarah, take na daw ulit tayo." pukaw ni Coach Lea sa pagmumuni-muni ko.

"Sige po, Coach!" nakangiting sagot ko naman.

Bumalik na ko sa upuan ko, kung saan katabi ko siya. He was talking to me pero hindi ko malaman kung sasagutin ko ba. "Sarah?" untag niya.

Nilingon ko siya ng nakataas ang mga kilay, "Hmm?"

"I'm asking if you wanna join us later. Si Lea kasi, she wanna have dinner sana. Are you free tonight? Or are you meeting up with Matt?" tanong niya.

"Hindi po, Coach Bambs. Pwede po ako. Saan daw po ba?" sagot ko naman.

"I dunno," kibit-balikat niya. "Better ask Lea. Ako naman, I'm good with wherever you guys want."

"Sige po. Planuhin na lang natin later."

Tinuro niya ako ng naniningkit ang mata. "How many times should I ask you to drop that 'po' and 'opo'? You're making me feel old!"

Natawa ako! "Alright, Coach!" may kasama pa iyong pagsaludo.

"At 'yan pang 'Coach' na yan!"

"Sige lang. Susubukan kong iwasan hanggang sa makasanayan ko po... I mean, makasanayan ko!" muli akong natawa.

"That's more like it!"

At nagsimula na silang magshoot ulit ng Blind Auditions.

-@@-

"Babe?" si Matteo iyon. Tumawag ito sa akin. Katatapos pa lamang ng taping namin at kasalukuyan kong inililigpit ang aking mga gamit.

"Yes po?"

"Alis tayo later? Dinner?" pagaaya niya sa akin.

"I can't, Matt. Nagyaya si Coach Lea eh. Sorry" hinging paumanhin ko naman.

He sighed. "Okay, maybe next time. Napansin ko lang kasi Sarah, lately hindi na tayo nakakalabas ng madalas. Parang madalas na kapag niyaya kita, may lakad na kayong nasched ng fellow coaches mo. Are we still okay?"

"Matt naman! 'Wag namang ganiyan. 'Wag naman ngayon, please?" ako naman ang napabuntong-hininga, "Pagod ako eh. Sorry nauna akong um-oo sa kanila. At saka wala naman sigurong masamang lumabas kasama ang mga katrabaho? Hindi ba?"

Say Something ({AshBoo Fanfic}) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon