Say Something : Chapter 3 - Sarah

528 19 8
                                    

Say Something : Chapter 3 - Sarah

"Babe? Good morning!" nagising ako sa pagri-ring ng cellphone ko. Si Matteo pala ang tumatawag.

"Good morning..." humihikab ko pang sagot. "Anong meron?"

"Wala naman namiss lang kita. Pwede ba akong pumunta diyan sa inyo? Makiki-lunch lang. Wala ka naman schedule ng tapings ngayon, right?"

"Sa pagkakaalam ko wala naman. Sige, sabihan ko si Mommy para alam din nila. I'll see you mga 11AM then?" sagot ko.

"Sure! I love you, bye!"

"Alright, bye!" at in-end ko na ang call.

Kapag pala sobrang nagugulo na ang utak mo at hindi ka na sigurado pa sa nararamdaman mo, nawawala na rin iyong true essence ng phrase na "I love you" at dadating sa point na hindi mo na sigurado kung nais mo pang sabihin iyon. Kasi ganoon ang naramdaman ko ng mga oras na iyon. Kahit na mahal ko si Matteo, the fact na naguguluhan ako at pakiramdam kong mas matimbang ang isa pang lalaki sa puso ko, parang hindi mamutawi sa labi ko ang mga katagang iyon.

"Makaligo na nga lang at siguradong wala pang alas onse, andito na iyon!" buntong-hininga ko na lang.

Kinuha ko ang toiletries ko at pumasok na sa banyo. Imbes na mag-quick shower, napagpasiyahan kong magbabad sa bathtub. Dinala ko ang bluetooth speaker at iPod ko sa banyo at namili ng kanta sa "Heartache" playlist ko. Napinto kong magandang unahin ang "Bizarre Love Triangle".

Nilagyan ko ng lavender bath soap ang tubig sa bathtub at lumublob na doon. maligamgam ang tubig. Nakakarelax. Iyon ang kailangan ko sa mga panahong iyon dahil talagang nai-stress ako sa mga iniisip ko. Alam kong hindi ko naman na dapat pang pinoproblema pa iyon. Napakadali naman ng solusyon eh, kalimutan si Bamboo Manalac at turuang muling mahalin si Matteo.

Pero kailan ba naturuan ang puso ng isip kung ano at sino ang dapat mahalin at gustuhin? Mayroon nga bang tama at mali sa pagibig?

-@@-

Taping noon ng The Voice. Kapapasok ko pa lang ng dressing room at may nakita akong isang stem na rose at kulay peach ito. Kanino kaya iyon nanggaling? Imposible kasing kay Matteo dahil red or white roses ang ibinibigay nito sa akin. May note doon sa table kung saan nakapatong ang rose.

Beautiful,

Good morning! I hope this rose could brighten up your day!

Love,
Someone who admires you from afar...

"Hala! Kanino galing ito?" bulalas ko.

"I see someone's got an admirer!" si Miss lea iyon.

"Hindi ko nga po alam kanino nanggaling eh," sagot ko naman.

"That's why we call them 'Secret Admirer', Sarah!" si Coach Bamboo iyon.

Natawa naman si Miss Lea. Oo nga naman kasi, Sarah! Secret admirer nga naman! Pero sino naman iyon? Imposible namang meron akong Secret Admirer dahil alam naman na ng buong bansa na boyfriend ko si Matteo. Siguro naman kapag may nobyo na ang isang babae, wala nang magtatangka pang pumorma o manligaw pa sa kaniya.

"Imposible naman po kasing may mag-attempt na magparamdam sa akin, Miss Lea. May boyfriend na po ako at aware naman po ang mga tao doon," sabi ko.

"Bakit naman? 'Pag ba may boyfriend, bawal ng magustuhan ng iba? Hindi mo naman mapipigil ang mararamdaman ng iba para sa'yo, Sarah" si Lea iyon.

"I agree. You're a very likeable person, Sarah." mapitid na sabi ni Coach Bamboo.

"Alam mo, kung sino man ang nagbigay sa'yo niyan, I'm sure that he's close by" sabi ni Lea.

"Paano naman po ninyo nasabi iyon, Coach?" tanong ko.

"Because that peson seems to know that you're not yet around. He knows that you don't like red and white roses. And he did get in your dressing room." paliwanag ni Miss Lea sa akin.

"Oo nga 'no? Makes sense!" pagsang-ayon ko. Tama naman kasi ang sinabi ni Miss Lea, pero maaring hindi rin.

"How can you say that, Lea? I agree with what Sarah said earlier. Sino namang lalaki ang susubok pang magparamdam kay Sarah kung boyfriend na niya si Mr. Perfect?" hindi sarcastic ang pagkakasabi doon ni Bamboo. Kumabaga parang stating the obvious lang. "And kahit hindi pa si Matteo ang boyfriend nitong co-coach natin, kahit sino pa, if she's taken, she's taken. 'Cause if example ako, I like her kunwari, I'd rather keep mum with whatever I feel."

"So, sinasabi mong, you like her?' nakangisi si Miss Lea ng nakakaloko.

"Sinabi ko KUNWARI lang!" 

"Sabi niya po KUNWARI lang!" 

"Whoa! Kailangan sabay kayo? Duet pa rin?" Pangaasar ni Miss Lea. "I can smell that something's going on here. In fact, I think I know who might be the person responsible for this talk!"

"Sino po?" tanong ko.

"It's gonna be a secret unless that someone wants to reveal it na, right here, right now!" 

Oh my gosh! Nakatingin si Miss Lea kay Bamboo. Eh siya naman parang ang cool cool lang, parang wala lang pakialam. 'Tsaka imposible naman iyong ini-impose ni Miss Lea. Imposible talaga.

"I don't like that look, Lea! I'm outta here!" at nag-walk out nga si Sir B.

"You know now who my suspect is, Sarah! It's up to you if you'll entertain that!" iminuwestra pa ni Miss Lea ang ulo niya kung saan lumabas si Bamboo. "Come on na!"

Bakit kasi ginugulo ni Bamboo ang utak ko! Napakagat na lang ako sa labi ko sa sobrang confusion.

~o|i|*|i|o~

si Sir B nga kaya ang nagbigay?! hmmm!

sorry sa tagal ng update.... wala pa ring kuryente samin... ginawa ko sya while at work! :p

ciao!

Say Something ({AshBoo Fanfic}) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon