Chapter 04: New Found Friends

15 3 0
                                    

Charee

Nasa jeep kami ngayon ni Jeremy papuntang City Mall kasi magkikita kami dun nila Rose at Nichole, sayang nga at hindi nakasama ang bago naming kakilalang kaibigan na si Adrian para sana mapakilala ko na rin sya sa iba ko pang kaibigan. Hmm di bale marami pa namang araw and magkakaklase naman kami so maraming time.

By the way, ako si Charee Fernandez, maputi, 5'2 height ko, yes.. maliit at medyo chubby man ako pero maganda naman, kaya nga napaibig ko tong boyfriend kong si Jeremy na isang varsity ng university sa larong volleyball. FYI(for your information) gwapo ang boyfriend ko, medyo maputi, yung sakto lang, matangkad sya 5'8 kaya kapag magkayakap kami, nasa may bandang dibdib nya ako haha pero cute daw kami tingnan sabi ng ibang tao and agree naman ako dun, magwa-one year na nga kami next month and excited na ko para dun!

Nandito na kami sa City Mall at hinahanap yung dalawa pa naming kaibigan, at maya maya pa ay nakita din namin sila, syempre beso beso, then nagdesisyon kung saan kakain, nang marating namin ang aming kakainan, agad kaming umorder, nakakapagod kasi ang mga ganap sa school, officer kasi ako ng department namin na HRM kasama ko si Kiel, speaking of Kiel, bigla syang napatawag..

"Hey Char, saan ka?" Text ni Kiel

Agad ko namang sinagot si Kiel, dahil malay mo kailangan ako sa school. "City Mall ako, lunch lang, why?" sagot ko.

"Ah, kamusta pala yung pag ayos ni Adrian? :)" Tanong ni Kiel

Napatawa ako sa isip ko, nako mukhang gusto nga ni Kiel tong si Adrian ah..

"Ayos naman, tapos na syang nakapagpa-encode ng subjects nya, HRM din pala sya! :)"

"Talaga?? Wow edi good! Haha Pero sorry pala kanina, di na ako nakabalik ang dami kasing pinagawa ni mam sa office!"

"Ano ka ba okay lang, libre mo na lang ako bukas hahaha! Wait ikaw ha! Bet mo ba si Adrian?? haha!"

Medyo matagal bago sumagot si Kiel, narinig ko pa syang napabuntong hininga.

"Hmm yeah slight.."

"O bakit nalungkot?" pag alala ko.

"Wala, siguro hanggang crush na lang nanaman to! Hayy!"

"Wow suko agad? Haha bakit hindi mo ipush?! Mukhang malaki ang chance mo e!"

"Oww?? Bakit mo naman nasabi??" tanong nya na may tonong saya.

"E base sa expressions nya and sa kinikilos nya ay mukhang bet ka rin nya!" Pagkumbinse ko sa kanya.

"Bakla din ba sya??" Gulat na tanong ni Kiel

"Parang? Naaamoy ko e, alam mo naman ako, malakas ang gaydar ko! hahaha" At napatawa kaming dalawa.

"O sige, thank you talaga kanina ah,"

"Okay sige! Hahaha"

"Sige Bye.."

"Bye!"

At naputol na nga. Biglang nagsalita si Jer,

"Sino yun?" Tanong nya.

"Si Kiel, kinamusta yung pag ayos ni Adrian.."

"Ahh..."

Biglang sumabat si Nichole,

"Si Fafa Kiel??" Masayang tanong nya.

"Yes!" Sabi ko.

Si Nichole Sta. Maria, well isa siyang bakla, baklang bakla. As in Ladlad, yung unang kita mo pa lang alam mo na agad sa itsura nya, mahaba yung buhok hanggang leeg, 5'7 height, maputi, makinis at halata sa itsura nya na may kaya sila, Oo mayaman sila, yung mama nya Dermatologist, yung papa nya naman Businessman kaya bongga sya! hahaha

"Di ko sya nakita kanina sa school e, sayang! hahaha!" panghihinayang ni Nichole, crush nya kasi si Kiel, pero di na sya umaasa, okay na sa kanya yung hanggang crush lang. "Pero, sinetch yung Adrian?" dagdag nya.

At bigla kong naalala si Adrian.

"Ay oo nga pala, pina-assist kasi sa akin ni Kiel si Adrian kanina, transferee sya from Manila, and HRM din sya! New found friend!" masayang kwento ko.

"Ahh bet ba ateng??" tanong ni Nichole.

"Yeah, pero.." naputol ang pagsasalita ko, agad sumingit si Nichole,

"Pero ano??" pagtataka nya.

"Parang ka-tribo(ka-federasyon) mo rin sya te! hahahaha"

"Ay ganon?? Pero nasan na sya? Akala ko ba, "New found friend"?" Sabi nya na inemphasize ang pagbigkas ng "new found friend".

"Ay umuwi na rin sya agad, dapat nga kasama namin sya ngayon papunta dito kaya lang nagtext yung nanay nya at pinapuwi na sya, marami daw silang gagawin.." pagpaliwanag ko.

"Ah, sayang naman para sana nakilala na rin namin sya, di ba Rose?" Sabay siko nya kay Rose sa tabi nya, napansin kasi nyang kanina pa ito text ng text at biglang ngingiti. Nagulat si Rose at tumingin kay Nichole.

"Ah...o-oo hehe" nauutal na sabi ni Rose.

Si Rose Villegas, maganda rin, morena, medyo mahinhin at mahiyain tahimik lang pero matalino yan, tama lang ang pangangatawan, medyo may pagkakulot ang buhok, at palangiti.

"Hmm, mukhang may something tong si Rose na hindi chinichika ah, di bale sasabihin din nya yan soon haha" sa isip ko.

"Okay let's eat na guys!" pagyaya ko sa kanila.

--------------------


A/N: Super sorry po sa sobrang kupad ng update ko, sa mga bumabasa po (kung meron man) Sana meron naman! haha Medyo nawalan po kasi ako ng ganang magupdate kasi nawala po yung inspirasyon ko. Anyway, hayaan nyo po, sisikapin kong makapag update nyan agad, nainspire po kasi ako ulit kasi may nag vote ng story ko! Thank you po!

Don't forget!!!

VOTE‧‧COMMENT‧‧

Something Great!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon