Chapter 07: Little Things

14 0 0
                                    

Adrian

Nireplyan ko si Kiel,

Sige, salamat! Ikaw din! :) kala ko ba bukas mo ko itetext? :D

Agad naman nagreply si Kiel,

Di ko matiis e :))

Grabe naman talaga tong si Kiel! Di ko tuloy mapigilan yung sarili ko na mapangiti..

Napansin ata ako ng nasa tapat kong dalawang babae dito sa sinasakyan kong jeep, nakatingin kasi sila sa akin at pinipigilan ang tawa! Shet nakakahiya! Narinig ko pang sinabi nung isa,

"Sayang ang cute pa naman nya, kaso parang may sira?" Sabi nung isang babae.

"Gaga ka haha sshhh wag ka maingay girl!" sabi nung isa pang babae.

Tiningnan ko lang sila at binalik ang atensyon sa aking cellphone, pake ba nila? E kinikilig nga ako! Inggit lang sila!

Nang rereplyan ko na si Kiel, biglang..

*message not sent*

Ayy! Wala na akong load! Ano ba yan! Basag trip! Mamaya na nga lang, at hanggang sa marating ng sinasakyan kong jeep ang kanto papunta sa bahay namin, pumara ako at bumaba..

Pagdating ko sa bahay, naabutan kong nasa sala nanonood sila lola at ang dalawa kong kapatid.

"Oh, Adrian, nandito ka na pala, kumain ka na ba apo?" tanong ni Lola, nang makita nya ako sa may pinto.

"Hindi pa po, kayo po ba?" tanong ko.

"Tapos na kami apo, O sige, magpalit ka muna ng damit at kumain ka na dun, masarap ang niluto ng mama nyo.." nakangiting sabi ni lola.

Pumasok na ako ng bahay, pero natigil ako sa paglalakad ng tawagin ako ng nakababata kong kapatid na si Angelo.

"Kuya!"

"O bakit?" Lumingon ako sa kanya.

"Sa'yo ba yang suot mong damit? Parang ngayon ko lang nakita ah!" tanong ni Angelo habang nakatingin sa suot kong damit.

Oo nga pala, suot ko pa rin tong damit ni Jerick! Anong sasabihin ko???

"Ah, oo.." nahihiya kong sabi.

"E bakit Reyes yung nasa likod? Di naman Reyes apelyido natin ah!" nagdududa niyang tanong.

Tsk! Grabe naman kung makatanong tong kapatid ko! Hmm.. ano ng sasabihin ko?

"Ah, re-remembrance ng kaklase ko dati," nauutal kong sabi. "Bago tayo umalis." dugtong ko.

"Ah, okay sige kuya, palit ka na.. kain ka na rin." nakangiti nyang sabi.

At dumiretso na ako sa aking silid. Pagpasok ko, hinubad ko agad ang suot kong damit..

Pinagmasdan ito,

Hmm.. "Reyes 07", gwapo ka rin Jerick e, and mukhang mabait naman.. inamoy ko yung damit, ang bango talaga! Amoy ko pa rin yung pabango nyang matapang! Ang yummy! Pero may biglang sumagi sa isip ko, yung sinabi ni Kiel na layuan ko daw si Jerick,

Naguguluhan ako dun kay Kiel, ano naman ang dahilan bakit nya ako gustong lumayo dun kay Jerick? Ang weird!

Speaking of! Di ko pa pala narereplyan tong si Kiel! Kaya dali-dali akong nagbihis ng pambahay at lumabas ng kwarto.

Tinawag ko si Angelo,

"Gelo!" sigaw ko habang nasa kusina naghahanda ng kakainin ko.

"Bakit kuya?"

"Paloadan mo nga ko dyan sa malapit na tindahan," utos ko.

"Kuya naman! Ikaw na lang, sayo naman yun e," sabi nya habang kumakamot sa ulo.

"Sige na Ge! Sayo na sukli!" pagpilit ko sa kanya habang nagtataas-baba ang kilay ko sa kanya.

Nag-isip pa ang loko!

"Hmm, sige kuya! haha magkano ba?"

Binigay ko sa kanya yung pera, at umalis na sya.

Narinig kong tumunog yung cellphone ko, tiningnan ko, yung load dumating na, kaya niregister ko na agad para matext ko na si Kiel.

Bakit di matiis? Ang alin? text ko,

Agad syang nagreply! Nakakatuwa talaga tong si Kiel, bilis magtext, yun ang gusto ko!

Wala naman, ang tagal mo magtext ah? Kala ko kung napano ka na. Nakauwi ka na ba?

Hindi nya sinagot tanong ko ah! Pero, yung text nya! Concern citizen ang peg? Napangiti na naman ako dun!

Ay sorry, naubusan kasi ako ng load kanina, kakapaload ko pa lang, kanina pa ako nakauwi.. ikaw? reply ko.

Ah ganun ba, okay good. Kain ka na ha? Nandito pa ko ulit sa school, may pinagawa kasi e.

Nakangiti kong binabasa yung text nya, kasi naman, lakas makaboyfriend?! E ngayon pa lang nagkakilala ng husto! Pero, kawawa naman sya, nasa school pa rin, nakakapagod naman yung pinaggagagawa nya sa buhay!

Ay sige, kain ka na rin nyan, at galingan mo rin sa ginagawa mo :D

Salamat! Sige mamaya na lang ulit. :)

Kumain na ako.

Pagkatapos kong kumain, dumiretso ako ng sala para samahan sila lola na manood, at makapagpahinga rin dahil nabusog ako sa kinain ko pati na rin sa kilig!

----------------

Gabi na, pero di pa rin nagtetext si Kiel. Medyo naiinis nako, pero sino ba naman ako para magkaganito, O.A. lang talaga ako. Pero baka kasi napano na yun, wag naman sana. Inisip ko na lang na sobrang naging busy sya, and pagod. Tama! Yun siguro!

----------------

Kinabukasan..

Nagising ako ng medyo maaga,  alas-8, narinig kong tumunog yung phone ko, kinuha ko agad yun sa lamesa katabi ng kama ko kasi malay mo si Kiel na yun!

Hindi nga ako nagkakamali! Si Kiel nga!!

Goodmorning Adrian! Sorry ngayon lang ako nakapagtext, napagod kasi ako maghapon nakatulog na ko agad. Sorry. Kita na lang tayo later? :)

Ewan ko ba, nagtext lang sya, nawala na agad yung inis ko!

Ah okay lang. Goodmorning din! What time?

Hmm.. mga 10? Okay lang?

Sure, okay 10. Saan tayo? School na lang?

No, diretso ka na lang sa mall, dun na lang tayo magkita. :)

Ah okay sige. Maliligo na ako. See ya!

Sige see ya! :)

---------------

Pagkatapos kong makapag-ayos ng aking sarili, lumabas na ako at nagpaalam kay mama. Pumayag naman sya at sinabing mag-enjoy daw ako. Enjoy saan?

Bago umalis, tinawag ako ng bunso naming kapatid na si Ariana.

"Kuya!"

Napalingon ako sa kanya at ngumiti.

"Bakit Yana?" tanong ko, yun kasi ang nakasanayan naming tawag sa kanya.

"Wala po, haha may date si kuya ah!" tatawa tawa nyang sagot.

Nagulat ako sa sagot nya, date agad? Kabata-bata alam nya agad yang mga ganyan?! Hindi na ako magtataka, kasi laging tutok tong si Yana sa mga teleserye kaya dun nya siguro nalaman yang mga ganyan.

"No Yana. May pupuntahan lang ako." Nakangiti kong sagot.

"Okay kuya! Ba-bye!" sabay yakap sa akin.

Ang sweet talaga nitong kapatid kong ito.

At tuluyan na akong umalis.

---------------

A/N: Bukas next update or later, basta try ko yung best ko na magpakasipag na mag-update! Enjoy your day! Vote‧‧Comment!

Something Great!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon