Chapter 02: Enrollment 1.0

34 2 0
                                    

        Naglalakad ako sa isang hindi pamilyar na lugar, isang hallway na kung saan bawat taong madadaanan ko ay magbubulungan tapos magtatawanan, hindi ko alam kung bakit, pero parang gusto ko ng lamunin na ako ng lupa ng mga sandaling iyon. tumakbo ako ng tumakbo hanggang marating ko ang dul ng hallway at doon ko lang napansin na may isang lalaking nakatalikod, matangkad ito, bago ko pa siya maabot ay bigla akong nadapa, napaiyak na lamang ako habang nakayuko at kitang-kita ko ang pagpatak ng aking luha sa daanan...

        Ilang saglit lang ay may nakita akong isang panyo sa aking harapan, na para bang inaabot sa akin at inaalok na gamitin ko iyon upang pagpunasan ng aking luha.

        Agad akong tumingala at nakita kong ang lalaking nakatalikod pala ang nag-aabot ng panyo sa akin, pero bakit hindi ko maaninag ang mukha ng lalaki? Siguro dahil sa kakaiyak ko, pero nang aabutin ko na ang panyo ay biga kong narinig ang sigaw ni mama...

        "Iannnnn!!!!!!"

        Wait, parang naririnig ko talaga yung sigaw ni mama...

        Ilang saglit lang ay nagising na ako at rinig na rinig ko ang pagsigaw ni mama...

        Haayy.. panaginip lang pala yung mga iyon, pero... sino kaya yung misteryosong lalaking nakatalikod at magbibigay sana ng panyo? Siya na kaya ang bibihag at gigising sa natutulog at nananahimik kong puso? Oha?! Ang drama di ba? HAHAHA! Joke! Pero ano kayang ibig sabihin ng panaginip na iyon? Nakakabahala naman...

---------------------

        Eto ako ngayon at kumakain ng almusal, kasama ang mama ko na umeksena sa panaginip ko... hayyy... hahaha si Alessandra, ang dalawang kapatid kong sina Angelo (14, Second Year High School), at Arianna (9, Grade 3), kasama din namin ang Lola Fely namin na siyang dahilan kung bakit kami lumipat dito, para mabantayan namin at maalagaan dahil nga may edad na. Okay, kung hindi lang enrollment e, hanggang ngayon tulog pa din sana ako! Hayy...

        And finally! I'm ready to go na, nag-aabang ako ng tricycle nang biglang lumabas ang mama k.

        "Bakit Ma?" Tanong ko.

        "Wala lang naman, gusto lang kita sabihan na alisin mo yang tiger look mo at make some friends! Be Friendly!" Ngiting sabi ni mama.

        "Hay nako! Friends agad?! Enrollment pa lang po kaya?" Sa isip ko. Alam kasi ng mama ko na may pagka-introvert ako. "Hmm... sige po, I'll try!" Sabi ko kay mama na may kasamang pilit na ngiti.

        "Okay, sige baka marami ng tao, ingat ka ha?" Sabi ni mama nang makita ang humintong tricycle sa harap namin.

        "Sige po Ma!, Bye!" Sabay halik sa pisngi ni mama, at sumakay na ako.

--------------------

Something Great!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon