Chapter 01: Si Adrian.

29 1 0
                                    

Ano kaya ang feling ng may karelasyon?

Ano kayang feeling kapag inlove?

Paano ba ang umibig?

Mga tanong na paulit-uit na lang na pumapasok sa isip ko kapag may nakikita akong couple.

Hindi pa kasi ako nagkakaroon ng Girlfriend o ng Boyfriend. Yup tama kayo ng iniisip, I am gay, not totally gay, but a "Pansexual"--ito yung gender blind.

Hindi pa ako nakakaranas umibig, siguro crush oo, dahil na rin siguro sa masyado akong tutok sa aking pag-aaral. Ako kasi ang panganay sa tatlong magkakapatid, at malaki ang expectation sa akin ng aking mga magulang. Ganun ba talaga pag panganay? Hmm.. Yung Papa ko lang kasi ang nagtatrabaho, nasa Saudi sya, at yung Mama ko naman, housewife.

Hindi alam ng mga magulang ko ang tunay kong kasarian, pero feeling ko naman ramdam ng mama ko yun, kasi naman, kapag pinagsasabihan nya ako tungkol sa love na yan, lagi nyang sinasabi,

"Kahit ano pa, o sino pa ang mamahalin mo anak, wala akong magagawa kundi tanggapin yun, dahil gusto ko ay maging masaya ka. Ang akin lang, sana matapos mo ang iyong pag-aaral para magkaroon ka ng magandang buhay sa hinaharap kasama ng iyong magiging pamilya. Yun lang kasi anak ang maipapamana namin ng papa mo sayo, at sa mga kapatid mo..."

Hindi ko alam pero, paano kaya alam ni mama ang gender preference ko? Siguro dahil mama ko sya, at alam ng bawat ina ang saloobin ng kanilang mga anak, kahit hindi nito sabihin. Ganun siguro.

Wala naman na kasi akong ibang pinagsabihan ng kasarian ko bukod sa aking bestfriend na si Patricia. Ang aking nag-iisang kaibigan mula elementary hanggang high school, hindi na sya dito nag-college kasi kinuha na sya ng kanyang magulang papuntang Canada para doon na lamang mag-aral.

Oh, wait!

Di pa pala ako nagpapakilala, I'm Adrian Santiago, 18. Maraming tumatawag sa akin na nerd, emo, weird, loner, loser etc.

Oo, ganyan ako, ewan ko, di ko naman ginusto yan e, sino ba naman ang may gustong matawag na ganyan? Masyado lang siguro kasi akong nag-focus sa studies ko, at nakalimutan ko ng makihalubilo sa ibang tao.

At eto nga, kung kailan namang malapit na akong magkaroon ng mga bagong kaibigan dito sa University na pinapasukan ko, saka naman naming kinailangang lumipat ng ibang lugar, sa probinsya ng mama ko, kasi daw wala ng magbabantay sa aming lola, aalis na kasi yung isang kapatid ni mama na nagbabantay kay lola para pumuntang ibang bansa. At gusto ko man suwayin ang mama, hindi ko magawa dahil, nakapagdesisyon na sya ng hindi man lang kami tinatanong, So ayun na nga, bumabyahe na kami papuntang probinsya, napaaga nga e, dapat next month pa, kaso sabi ni mama, enrollment ko na daw sa susunod na araw kaya panibagong pag-aadjust na naman ang gagawin ko sa bagong university na papasukan ko. Goodluck sa akin! 

Something Great!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon