Chapter 03: Enrollment 1.1

32 3 0
                                    

Sa University...

 ADRIAN

        Pagdating ko sa school, tiningnan ko ang itsura nito, siyempre titingnan ko ang magiging bago kong school, okay naman ito, malaki rin naman pala parang yung dati kong school, sa labas ng school, nagkalat ang mga students, tiningnan ko rin ang mga ito, mga nagtatawanan, kulitan, basta maraming nangyayari sa paligid. Hayy.. makapasok na nga.

        Pagpasok ko, naglakad lang ako mula sa gate, isang hallway ang aking madadaanan, teka parang familiar ang hallway ah! ... AH! Eto yung sa panaginip ko e! Hmm.. weird. Pero kokonti lang ang mga taong nakaupo dito hindi gaya ng sa panaginip ko. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, maya-maya napaisip ako, saan ba ako pupunta? Tsk! Di ko natanong dun sa guard kung saan yung mga transferee i-aassist! Mabuti pang umupo muna ako dito sa hallway, habang nakaupo ako dito, sari-saring mukha ng mga estudyante na ang nakikita ko, mga dumadaan dito sa hallway, nahihiya naman akong magtanong sa kanila kung saan ba ako dapat pumunta. Hayy.. bakit kasi napaka-mahiyain ko! Tumingin tingin lang ako sa paligid ko nang mapansin ko ang isang table na may nakasulat na "Information Booth". Ay sa wakas may mapagtatanungan na ako!

        So, lumapit ako sa table, and napansin kong wala namang nagbabantay, Hayy.. ano ba yan?! Information booth pero walang tao??? Wow Ha! Napaka-helpful! (-____-||) Ilang saglit lang, may narinig akong nagsalita sa likod ko,

        "Ahm.. Excuse me po, may kailangan po ba sila?" Whoa! Ang gwapo ng boses! Kaya dahan-dahan akong humarap para tingnan kung sino ang nagsalita. Pagharap ko, medyo napa-nganga ako kasi naman, ang gwapo nya! Grabe! Ideal Man ko to e! Maputi, matangkad, matangos ang ilong, maganda ang pangangatawan, at mukhang matalino! Naputol ang pag-iisip ko nang magsalita sya ulit.

        "Okay ka lang? Can I Help you?" Nagtatakang tanong ni pogi, Hahaha kasi naman, di ako mapakali sa sobrang gwapo ng nasa harapan ko, at kinakausap pa ako!

        "A..e..ah..ma..mag..t..ta..tanong s..sana..ak..ako...p--" Nauutal-utal kong sabi, nakakahiya naman kasing kausapin sya! Hahaha pero di ko na natuloy yung sasabihin ko kasi naman nagsalita sya ulit!

        "Ahm.. mukhang di ka okay, hmm what's wrong? Ah, ang pula mo pa oh" sabi ni pogi tapos saka nya hinawakan ang noo ko (yung parang paghawak kapag may lagnat) Nagulat ako dun! Grabe ang lambt ng kamay nya, na-feel ko sa noo ko! Haha Harot lang! Pero syempre nagsalita na ulit ako!

        "Ah..Okay lang ako.." sabi ko habang nakayuko, hirap kasing harapin ang pogi nyang mukha!

        "Here, inom ka muna," sabi nya ng makita kong inaabot nya ang isang bote ng tubig, napaangat ako ng mukha ko at tiningnan sya na parang nagtatanong ng What? habang nakataas ang kilay ko. Nagsalita sya ulit,

        "Don't worry, walang lason yan..." sabi ni pogi tapos nag-smile sya! OMG! Ang tamis naman ng ngiting iyon! Grabe nakaka-inlove naman lalo! Hayy.. crush na kita! Promise! And bigla na lang akong napatawa sa sabi nya.

        "Sige na.." Sabi nya habang nilalapit pa masyado sa akin yung tubig, kaya kinuha ko na ito, Choosy pa ba ako??? Hahahaha Binuksan ko na at uminom, pagkatapos napaisip ako bigla, hmm hindi ba awkward? Kasi pareho kaming lalaki tapos ganito? I mean, yeah, I'm gay pero hindi naman ako yung halatang halata, tapos sya ang gwapo, then nagsalita sya,

        "See I told you, walang lason Hehe.." Grabe talaga tong lalaking to konti na lang ilalagay na kita sa bag ko para iuwi! Hahaha

        "Salamat.." Sabi ko sabay ngiti, ngumiti rin sya.

        "Ano nga palang ginagawa mo dito sa booth? May maipaglilingkod ba ko sa iyo? Haha.." Sabi niya, natawa naman ako, makata! haha

        "Magtatanong sana ako dito pero wala namang tao," Sabi ko

Something Great!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon