Chapter 08: Date?

16 1 0
                                    


Kiel

Nandito na ako sa mall kung saan kami magkikita ni Adrian, sa totoo lang kahapon pa ako excited magmula ng sinabi nyang ngayon nya ibibigay yung pera pero dahil sa dami ng pinagawa at ginawa sa school di ko namalayan na nakatulog ako sa sobrang pagod at kaninang umaga ko lang sya natext.

Akala ko nga nagtatampo na yun e, pero buti na lang okay sya!

Hayy kinakabahan ako? Bakit? Kasi first date namin to? Agad agad Kiel? Okay sige, friendly date.

Ganun na rin yun, nahihiya kasi akong magconfess ng nararamdaman ko para sa kanya, kasi baka isipin nya masyadong mabilis, o kaya baka mabasted lang ako, mas okay na muna yung ganito. Magsimula kami as friends para mas makilala pa namin ang isa't-isa.

Nagtext na sya na nasa entrance na daw sya kaya tinext ko sya na nandito ako sa may foodcourt. Ilang sandali lang, nakita ko na sya na lumilinga-linga na parang may hinahanap kaya nung dumako yung tingin nya sa pwesto ko, kumaway ako, nakita na nya ako at ngumiti sya.

Ang gwapo talaga nitong Adrian na to!

Naka-plain sky blue sya na shirt, black semi-skinny jeans at white na sneakers. Ang galing pumorma! Mas lalo akong nainlove sa kanya!

Nang makalapit sya, nagsalita sya pero nakayuko.

"Sorry, ang traffic kasi dun sa highway, kanina ka pa ba?" Mahina nyang tanong.

"Hindi, okay lang, medyo kararating ko lang din naman." Pagsisinungaling ko, kanina pa kasi ako nandito, pero okay lang naman. Tumango-tango lang sya pero di nakatingin sa akin, nakayuko pa rin sya.

Ang tahimik naman nya.

"Hey, bakit ang tahimik mo ata?" tanong ko habang sinisilip ko sya na parang inaasar.

"Ha?" tumingin sya sa akin pero binawi din nya agad. "Ganito talaga ako." Ngumiti sya.

"Hmm.. di pwede sa akin yang ganyan." tumingin sya sa akin na nakataas ang kilay. Tumayo ako at kinuha yung kamay nya. "Tara?" aya ko.

Mukhang nagulat sya sa ginawa ko.

"Saan?" naiilang nyang tanong. Kasi hawak ko pa din yung kamay nya. Ang cute nya naman mahiya, pero gusto kong gawin to e, kahit parang ayaw nya.

"Sa date natin." Mahinang bigkas ko, Ay! Bakit yun ang nasabi ko?? Di ba sabi wag biglain? Hay nako Kiel! E nadala ako sa eksena. Ang lambot kasi ng kamay nya..

"Ha?" Gulat nyang tanong, nanlaki kasi mata nya. Siguro sa sinabi ko.

"Ah, kain tayo? Gutom ka na ba?" Pag-iiba ko.

"Sige, tara." At tumayo na sya. Syempre hawak ko pa rin kamay nya.

Naglalakad na kami sa mall papunta kung saan kami kakain. Pinagtitinginan kami ng mga taong madadaanan namin kasi hawak ko pa rin kamay nya, sya naman mukhang nahihiya kasi nakayuko pa rin, hayy ayaw nya ba?

Naramdaman ko na lang na dumudulas na yung kamay nya, parang inaalis nya. Hanggang sa tuluyan na kaming magbitaw.

"Sorry, ang dami kasing tumitingin.." mahina nyang sabi.

Nalungkot ako dun, syempre. Ayaw nya? Bakit? Di ba nya ako gusto? Gwapo rin naman ako ah! Siguro first time nya pa lang to, kaya siguro di pa sya sanay or di pa ready sa mga ganito.

"Okay." malungkot kong tugon. Pero ngumiti ako para di nya mahalatang nalungkot ako.

Narating namin yung kakainan namin, napag-desisyunan namin na sa isang sikat na fastfood na lang kami kumain.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Something Great!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon