KABANATA 6
Nasa harapan ako ngayon ng pintuan ng silid na tinutuluyan namin ni Sheena, nakatulala at lutang pa rin ang isipan. I was still trying to figure out if what happened a while ago was real or have I just imagined it.
"...definitely was your first kiss."
My god! He really did took my first kiss, didn't he?
"Better?"
And my second kiss as well!
"The name's Kitagawa."
"Kitagawa," wala sa sariling nasambit ko.
"Hoy!"
"Ay, kilikili mong itim!" Nabulalas ko nang bigla-biglang sumulpot at sumigaw si Sheena sa harap ko.
"Excuse me, 'no! Maputi ang kilikili ko." Mataray nitong sagot bago sumilip-silip sa likod ko. Sinundan ko ng tingin ang kanyang tinitignan pero wala namang ibang tao roon.
"O, nasaan na si Fafa Dan?!" Kunot-noo ko siyang muling tinignan.
"Fafa Dan?" Hindi ko napigilang itanong. Papaano niya nakilala ang lalaking iyon?
Nakita kong nanlalaki ang mga mata ni Sheena habang nakaawang ang bibig na tila hindi makapaniwala sa kanyang narinig.
"Unbelievable." Narinig kong sabi nito makalipas ang ilang sandali. "You're saying na hindi mo kilala si Daniel f*cking Kitagawa?!" Tinaasan ko lang siya ng kilay. Dapat ba kilala ko iyon? If it weren't for what happened sa disco club na iyon, hindi ko siya makikilala.
"Tinawag ka niyang 'babe', bruha, tapos sasabihin mong hindi mo siya nakikilala?" She continued saying, "Magsabi ka nga, nakikipag-one night stand ka na ba ngayon?!" Nanlaki naman ang mata ko sa tanong nito.
"Hoy, anong one night stand na pinagsasabi mo riyan? Wala nga akong boyfriend tapos makikipagtsuk-tsakan lang ako sa kung sinu-sino diyan? Ganoon?" Sabi ko sabay hampas sa balikat ng kaibigan.
"Then explain how that sex god came into your life? Why he came here at the dead hour of the night calling you 'babe' and saying he hasn't given up on you yet? If those lines weren't giving out the status of your relationship with him, I don't know what," sabi nito sa matigas na ingles habang nakahalukipkip sa may hamba ng pintuan saka inirapan ako.
Nanlaki ang mga mata ko sa iniisip ng kaibigan. Hinampas ko na naman siya sa balikat na nagpaigtad sa kanya.
"Aray!" Usal nito.
"Umayos ka nga. Hindi naman ganoon iyong tinutukoy niya, ano!" Sabi ko sabay lagpas ko sa kanya papasok ng apartment.
"Eh, ano nga iyon? Huwag mong masabi-sabi sa aking wala lang iyon kasi alam kong hindi." Anito na nakasunod sa akin papuntang sala.
Dinampot ko ang isang plush toy na nakapatong sa sofa at naupo roon bago ko inilapag sa aking lap ang malambot na laruan. Nakatayo na siya sa aking harapan at nakahalukipkip na naman ang mga kamay.
"He's freaking Daniel Kitagawa, Mash! He's not the type who just shows up in the front door like it's the most natural thing on earth! He's, um, let me quote Louisse Carreon's term from Lana's List, an 'unreachable', Mash!" I rolled my eyes sa kanyang insistence.
"Imposible namang nagkataon lang na nakabangga ka niya tapos pupuntahan ka niya rito at sasabihin niyang he hasn't given up on you? Ano iyon? May gayuma ba iyong pabango mo at nalanghap niya lahat kaya agad-agad hahalugilapin niya ang address mo't pupuntahan ka't sasabihing he hasn't given up on you?" Ugh. Hindi pa rin siya nakaget-over sa 'hasn't given up on you' phrase ng lalaking iyon.

BINABASA MO ANG
Seducing Kitagawa
RomanceMeet Marsha Bendebel - isang ulirang anak, matalino, mabait kung sa mabait, palaban, masipag at magaling magtrabaho, pero sa kasamaang palad, walang tumatagal na trabaho sa kanya. Possessing a face and a body like a sex goddess, ibang 'performance'...