KABANATA 4
"Marsha, pakibigay nga nito sa table five." Sabi ng barista sa akin habang nililinis ko ang isang lamesang pinagbakantehan ng customer.
"Yes, Ma'am." Mabilis kong sagot sabay kuha sa naman sa inaabot nitong isang tray ng inorder na kape.
Nasa isang café ako ngayon nagtatrabaho. Part-time lang naman habang naghahanap pa ako ng bagong mapapasukan. Kahit ano kasing luhod ko sa harap ng maitim na iyon, ayaw niya pa rin akong pakinggan lalo na't sinusulsulan pa siya noong manyak na pagong na iyon. Hindi ko na lang pinilit baka pati si Sheena ay pagdiskitihan ng puwet ng kawaling iyon. Kawawa naman ang kaibigan ko. Not that I'm not confident of her fighting skills. Naku, kung palaban ako, mas palaban ang isang iyon. Top class ang pagiging b*tch noon. Ayoko lang na madamay siya nang dahil sa akin. Nahihiya nga ako sa kanya. Siya nga ang nagpapasok sa akin sa trabahong iyon, sinayang ko pa.
What happened to the offer of that gorgeous greek god? Naku! Hindi ko na pinatos. Anong akala niya sa akin, escort girl?! Babayaran niya ng ganoon kalaking halaga para lang iputa sa kapatid niya?! Nagkamali ata siya ng babaeng hinatak mula sa disco bar na iyon. Mahirap ngang maghanap ng trabaho pero hindi naman ako ganoon ka-desperada para lang ibenta sa demonyo ang puri ko.
"Here are your orders, Sir." Sabi ko sa mga customers na kanina pa tawa ng tawa bago ko isa-isang inilapag sa kanilang mesa ang kani-kanilang mga inumin.
"Wow, pare. Check her out! Man, how I love them @ss!" Parang narinig kong sabi noong lalaki sa may bandang likuran ko and I could feel my blood starting to boil.
Stop, Mash. They're customers. Kahit anong mangyari, keep your cool.
"Oh d*mn those legs could kill!" Sabi pa noong isa at nagsipolan naman iyong iba.
Calm down, Mash. You must remember that you need this job. Persist.
"I bet her size D cup." Narinig kong bulong noong isa.
"I wanna feel her size myself if I can." Tawanan pa nila.
Okay. Isang glass na lang, Mash. You can do this. Just continue what you're doing and you'll be alright. Resist.
"Try asking her. Baka pumayag na makipag-group sex sa atin."
You didn't hear anything, Mash. Not a single thing.
Nailapag ko na ang huling baso at papaalis na ako when I felt a hand on my inner thigh.
"With this kind of body, I bet you have lots of sex experience, don't you babe? Wanna share that with us?" I just had the most unfortunate luck of seeing the face of my molester. Mahaba ang mukha nitong tadtad ng taghiyawat at an-an. Ghad, nunal ba 'yong nakikita kong nasa gilid ng maitim niyang labi?! Naku... pagmumukha pa lang, ang sarap-sarap ng tikisin!
Kumalma ka, Marsha, customer pa rin itong kutong-lupa na ito!
Ngitian ko siya nang napakatamis habang inaalis ko ang pagkakahawak niya sa hita ko.
"I'm sorry, Sir, but I can not take that offer. Mag-ingat po kayo sa kape. Mainit." Sabi ko na lang bago ko sila tinalikuran para umalis.
"Whoo... busted ka bro! Ouch!" Narinig kong asar ng isa niyang katropa.
"Shit! Kung makadeny akala mo kung sinong birhen. Eh, sa pagmumukha pa lang niya, kahit siguro butas ng ilong pinasukan na!"
Natigil ako sa paglalakad when I heard their laughter.
Okay, that does it!
I turned around at binalikan ang table nila.
"Changed your mind, babe, and wanna have fun with us instead?" Talak pa noong pangit habang sinasalubong ako. Hindi ko siya pinansin at dire-diretso akong tumungo sa kanilang lamesa. Kinuha ko ang isang venti cup ng kape at walang pagdadalawang isip na ibinuhos iyon sa kanilang lahat na agad namang napatayo at napasigaw sa init.

BINABASA MO ANG
Seducing Kitagawa
RomansaMeet Marsha Bendebel - isang ulirang anak, matalino, mabait kung sa mabait, palaban, masipag at magaling magtrabaho, pero sa kasamaang palad, walang tumatagal na trabaho sa kanya. Possessing a face and a body like a sex goddess, ibang 'performance'...