KABANATA 7
"Excuse me. Excuse me, po." Sabi ko sa mga nakakasalubong at nakakasabayan ko sa daan na tinatawid papunta sa building ng Rave Games.
Muli ko namang tinignan ang oras sa phone ko.
08:45 AM. Sh*t, late na late na ako. Kung bakit ba kasi hanggang ngayon ay hindi pa rin nasosolusyunan ng gobyerno ang traffic ng Maynila.
Hindi ako nakatulog kagabi. Iniisip ko kung papaano ko sasabihin sa kanyang hindi ako tutuloy sa napag-usapan namin. Kaya ang ending, matagal akong nagising. Mabilis naman akong maligo kaya lang nawalan na ako ng oras para mag-ayos.
Lakad-suklay ang ginagawa ko ngayon. Bitbit ko ang isang maliit na duffel bag kung saan ko inilagay ang mga dapat ko sanang suotin ngayon kung hindi lang ako natagalan ng gising.
Habang ginagawa ko ito, nag-iisip pa rin ako ng paraan kung papaano ko malulusutan itong kakaibang trabahong napasok ko. He got the contract. Baka gamitin niya iyon laban sa akin. Pero baka naman hindi rin. Mabait naman siguro iyon. Baka maiintindihan niya where I'm coming from. Pero paano kung hindi? He knows what he has and what he can do and he uses these just to get what he wants.
Pagkapasok ko ng building, mataman akong tinitigan ng guard. Naka-jeans lang kasi ako ngayon at simpleng white, v-neck t-shirt. Plano ko sanang dumiretso ng C.R. para makapagbihis ng proper attire. Pero ng tingnan ko muli ang oras, napagdesisyunan kong huwag na lang. Doon na lang siguro ako sa palapag kung nasaan naroon ang opisina ni Daniel para mas madali.
Hindi na masyadong magulo ang hanggang ngayo'y basa kong buhok nang dumiretso ako sa receiptionist.
"Miss," Tawag ko sa isa sa mga receptionist na agad naman akong nilapitan.
"Yes, Miss. How may I help you?" Nakangiti nitong tanong sa akin.
Napatingin ako sa kanya at sa mga kasama niya. Pare-pareho silang magaganda, mapuputi at matatangkad. Pare-pareho rin silang may matatamis na ngiti sa mga mukha. Parang masaya silang nagtatrabaho rito. Sana pumayag si Daniel sa pakiusap ko at tanggapin nila ako rito kahit bilang receptionist kagaya nila.
Iyan kung hindi ka niya ipakukulong for breach of contract, sabi ng isang banda sa aking isipan. I shook my head to rid of that thought. Hindi naman siguro. Hindi naman siguro siya ganoon kasama.
"Um, Marsha Bendebel po. Saan po ang office ni Mr. Daniel Kitagawa?" Diretsahang tanong ko rito.
"Do you have any appointment?" Narinig kong tanong nito. May pagdududa sa tono nito pero nakangiti pa rin siya habang kaharap ako.
"Um, yes. Late na nga po ako sa usapan namin." Mabilis kong sagot.
Tinanguhan niya lang ako bago inangat ang isang handset ng telepono at may pinindot na button.
"One second, Miss." She said as she held the handset to her ears at kinausap ang nasa kabilang linya. Tumango na lang ako at inilinga ang paningin sa kabuuan ng lobby.
Kakaunti na lang ang mga taong nandoon. Iyong mga security guards, mga janitors at itong mga receptionists na lang ang naririto ngayon. Napakasimple lang ng furnishings pero elegante pa rin tignan.
May mga mangilan-ngilang abstract paintings na nakadisplay sa mga walls na pininturahan ng puti. May malaking sofa sa malaking corner ng lobby at kaharap nito ang isang malaking TV screen.
Doon sa may gitna matatagpuan ang mga elevators. Pansin ko ang pag-akyat-baba ng mga numerong nasa itaas ng mga pintuan nito pero wala namang bumababa sa ground floor. Marahil isa sa mga patarakan ng opisinang ito ay bawal lumabas sa oras ng trabaho.

BINABASA MO ANG
Seducing Kitagawa
RomanceMeet Marsha Bendebel - isang ulirang anak, matalino, mabait kung sa mabait, palaban, masipag at magaling magtrabaho, pero sa kasamaang palad, walang tumatagal na trabaho sa kanya. Possessing a face and a body like a sex goddess, ibang 'performance'...