Kabanata 1

401 12 3
                                    

KABANATA 1

"Kailangan bang dito tayo? Hindi ba pwedeng magvideoke na lang tayo?" Napahalukipkip si Sheena habang masamang nakatingin sa akin.

"Mash, okay ka lang? Can't you see my getup? Bihis na bihis ako tapos dadalhin mo lang ang beauty ko sa isang videoke bar? Oh, please!" Mataray nitong sabi bago ako hinila papasok sa loob ng club.

"Pero kasi, Sheen, ang daming lasing diyan eh! Doon na lang tayo sa kabila oh! Sosyal rin naman ang videoke nila doon! Hindi masasayang ang getup mo doon!" Hirit ko pa habang pilit na pinipigilan ang paghila ng kaibigan sa akin.

"Mash, come on! Paminsan-minsan lang naman ito! Loosen up a bit! Uminom ka ng makalimutan mo saglit ang problema mo sa inyo." Napakunot ako ng noo sa sinabi ng kaibigan.

"Wala naman akong problema sa amin, ah." Mabilis kong sabi habang nagpapatianod sa paghila nito.

"Yeah right! You've been fired for, what, twentieth time already? Yet you still have to feed your family. Pagpapaaralin mo pa ang apat mong mga kapatid: dalawang nasa kolehiyo, isang nasa senior high at isa na nasa junior high. To top it all off, you're still paying for the house, the electric, water and internet bills. Hey, watch it, b*tch!" Pagmumura nito sa isang kamuntikan ng makabanggang lasing na babae sa kalagitnaan ng kanyang paglilitanya at paghihila sa akin.

"Who are you calling b*tch, b*tch?!" Tanong noong babae na halos kinakain na ang mga salita dahil sa kalasingan.

"Then get the hell out of my way!" Malutong na sagot ni Sheena.

Nagkatinginan at nagkasukatan muna silang dalawa nang biglang hinatak ng isang lalaki ang lasing na babae papalayo sa amin.

"Don't make a scene here, Francine!" Rinig kong mariing bulong noong lalaki sa babaeng lupaypay na sa kalasingan. I thought I heard her say sorry to him bago ito tahimik na nag-iiiyak. Ano kayang problema noon? Nakatitig pa ako sa dalawa nang biglang nag-angat ng tingin sa akin iyong lalaki. Kahit sa dilim dito, pansin na pansin ang kakisigan ng mukha nito. Naputol lamang ang paninitig ko nang muli akong hatakin ng kaibigan ko.

"As I was saying, now that you've finally have another job." Pagsisimula muli ng kanyang litanya.

"Thanks to you." Kaagad na dugtong ko na nagpatigil saglit dito.

"Thanks to me." Sabi niya bago nagpatuloy sa paglalakad.

"For three months now." Sabi ko pa.

"Yes. Yes. For three months! With your current job holding record of nearly three months, this is an improvement." I thought I saw her rolled her eyes as she continued walking through the crowd and back to the sides of the place.

"But with your current situation and as your friend, I feel the need for you to loosen up! To relax! Ghad, Mash, you're just twenty-five! You have to enjoy life as much as you can because you won't be young forever!" Sabi nito bago ako binitawan at nilapitan ang iba pa naming mga kasama. "Lester, you made it!!!" Pagtititili pa nito habang nakikipagbeso-beso sa kanyang crush na ngising-ngisi naman siyang kinausap.

Seriously, hindi ko makita ang dahilan kung bakit sila kinikilig sa lalaking 'yan. Bulk nga ang pangangatawan nito kasi mahilig mag-gym pero dahil kulang sa height, nawawala na ang leeg niya, nagmumukha tuloy siyang ninja turtle sa akin. Napaismid ako when he suddenly glanced towards me. I couldn't even comprehend kung bakit lagi siyang nagnanakaw ng tingin sa tuwing nag-aabot ang aming landas. That fiend has a long time girlfriend for f's sake! Everybody knew that. Hindi ko ma-gets why my friend would even want to sign up for his next miss-ninja-turtle's girl. He's not even that attractive in the first place.

Seducing KitagawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon