"Wag mo na akong samahan."
"Ako na."
"Mauna kayong kumain."
Hindi ako hibang para hindi mapansin ang pag iwas sakin ni Sheena nitong mga nakaraang araw, akala ko magiging mas malalim pa ang samahan namin matapos ang nangyari noong nakaraan pero nag kamali ako. Umiiwas siya sakin at hindi ko alam kung bakit.
"Ma, pupunta akong lungsod pagkatapos kong maningil ha? Wag niyo na akong intayin at baka gabihin ako." Saad niya, naka palit na siya ngayon ng damit at mukang inantay magising ang ina para mag paalam. Alam kong aalis siya ngayon kaya nagising ako ng medyo maaga just in case kaylangan niya ng kasama pero sa ginawa niyang pag iignora sa akin kanina ay mukhang alanganin na gugustuhin niya akong makasama ngayon.
"Ang aga mo namn anak? "
"Mas effective kasi maningil ng ganito kaaga ma" saad niya at hinalikan sa pisnge ang ina.
"Isama mo na si Gray." Pareho kaming napatingin kay tita at sa isat isa dahil sa Gulat.
"Nako wag na ma. Malaki na ako, hindi ko na kaylangan ng kasama. at isa pa, wala kayong kasama rito." Huminga ng malalim si tita at tinignan kaming dalawa. Naka tayo lang kami sa magkaibang gilid na para bang tuta
"Ang akala niyo ba hindi ko napapansin ang iwas niyong dalawa?"
"Ma hi-"
"Anong hindi? Walang araw na hindi kayo mag kasama pero ngayon nag iiwasan kayo, lalo kana bebe!"
"Ma"
"Wag ka ng magdahilan. Isama mo si Gray sa Lungsod at gusto ko pag balik niyo naayos na ang kung ano mang kinakakasama ng loob niyong dalawa sa isat isa." Sa huli walang nagawa si Sheena kundi isama ako. Matapos namin ihatid si Tita kay aling Beta ay nag lakad ns kami para maningil.
Tahimik ang paligid at tanging huni lang nag alon mula sa dagat na ririnig. Halos palabas narin ang araw kaya medyo maliwanag na ang paligid kaya kitang kita ko ang paghakbang niya mula sa unahan
"Bakit mo ako iniiwasan?" Tanong ko
"Hindi kita iniiwasan" sagot niya namn at patuloy lang sa paglalakad.
"Iniiwasan mo ako."
"Sabing hindi."
SHEENA POV
"Sabing hindi." Kunot noo kong tingin sa kanya. Its true na iniiwasan ko siya kaya ang bobo ko sa part na inaakala kong hindi niya mapapansin. Nakalimutan ko atang observer ang isang to.
"Alam mo mas gusto kong masungit ka kesa hindi mo ako pinapansin." Saad niya ng may nakakalokong ngiti.
"Ang dami mong dada. Dalian mo diyan!" Saad ko at dinalian pa ang pag lalakad. Nakakainis siya, namumula na siguro ako ngayon!
"Ay belat" bulaslas ng bibig ko ng biglang may kamay na humila sa akin. Sino paba e kami lang namn ang nandito.
"Ang bilis mong maglakad, wag mo naman ako iwan" saad nito, halos mag dikit ang ang mukha namin sa lapit kaya hindi ko siya matignan ng deretso.
"Namumula ka, ayos kalang ba?" Hinigit ko agad ang kamay ko at linagay sa dibdib ko. Piste talaga ang isang to, ang lakas ng tibok! Kung hindi lang talaga siya gusto ni ate Maloi baka nasabi ko na sakanya ang raramdaman ko..
"Ang pangit pala ng mukha mo sa malapitan." Saad ko. Although kasinungalingan yun dahil ang totoo ang poganda niya pa lalo sa malapitan. Talong talo si Tom Cruise sa malapitan!
"Anong pangit! Tignan mo to. Parang si Alden"
Nag ayos siya kunyari ng mukha sabay tingin saakin at nag wave na parang si alden. Hindi ko mapigilang matawa parang may pagkakawahig nga sila at dito ko rin nalaman na may dimple rin pala siya pero hindi ganon kalalim tulad nag akin."May dimple ka pala?" Tanong ko pero naka tulala lang siya sa akin.
"Gray?"
"Gray!" Sigaw at Kaway ko sa harap niya, tuluyan siyang bumalik sa realidad pero napahawak siya sa ulo niya. Napalakas atta ang sigaw ko
"Ayos ka lang ba?" Saad ko at alalay sa balikat niya, I feel bad tuloy. Nako namn.
"Oo ayos lang ako...bigla lang sumakit ang ulo ko" saad niya.
"Daan tayo nag gamot, halikana."
Gwen smiled despite of her having a massive headache. A blurred memory came fast into her head at ang tanging nakita niya lang ay babaeng mahimbing ang tulog. Hindi kita ang mukha nito pero ramdam na ramdam ang bigat nag pagkakahiga at basa mula sa luha ng babae.
"Ano yun." bulong niya sa sarili. Hindi niya ito maipaliwanag at nag halo halo ang damdamin niya. Unti unti na nga bang bunabalik ang alala niya? Gusto niya bang maalala kung sino talaga siya? Or baka naman.....
"Ang tagal mo maglakad Jusko!" Pag susungin ni maloi sa Pinsan. Narito ngayon sila sa Palengke ng lungsod para mamili ng ilulutong pagkain sa pag bisita nila sa Isla kaya hindi niya mapigilang mainis sa pinsan dahil bukod sa matagal ay mukang ina admire pa ang bawat sulok ng bayan.
"For someone na maliit, its surprising that you walk fast. "
"Oh talaga ba? Alam mo bang may mas mabalis pa sa paa ko?" Tanong niya
"Ano? Yang dila mo kasi you're so madaldal?"
"Hindi, tong kamao ko. Ito saluhin mo!" Sabay sapak sa mukha pero agad siyang nakaiwas at tumawa.
"Naka limutan mo atang sundalo ako dati." Tawa niya kaya napabusangot si Maloi sa Pinsan.
"Lagi mo nalang akong iniinis. Mabuti pa bumalik kana sa Manila at makipag putukan don?!"
"Ang bastos naman ng bunganga mo!"
"Anong bastos?! Iba iba kasi ang iniisp mo! Hindi ka naman makakaputok kasi wala ka-" hindi niya na natapos ang sasabihin nito ng takpan ni Mikha ang bibig ng pinsan.
"Napaka daldal talaga!" Bitaw pilit na sinisigaw ni maloi pero ayaw siyang bitawan ka kinagat niya nalang ito at sakto namang nakita ni Maloi si Sheena sa hindi ka layuan kaya agad tumakbo papunta sa dereksyon niya at wala din nagawa si Mikha kundi sundan ang pinsan himas himas ang masakit na kamay dahil sa ginawa ni Maloi.
"Shee!"
"Ate Maloi ikaw pala, anong ginagawa niyo rito?" Tanong niya ng may bakas na gulat at napatingin sa kasama nitong matangkad.
"Namamalengke! Bibisita sana kami ngayon....nasan si Gray?" Tuloy tuloy na sabi nito sabay tingin sa paligid.
"N-nasa gulayan, kinakausap ang pag aangkatan namin ng prutas" Ngumiti ng mapalad si Maloi.
"Mag usap muna kayo ng Pinsan ko ha! Mikha mag pakilala ka! Hahanapin ko lang si Gray, Babalik ako!" Sabay takbo para iwan ang dalawa.
Hindi mapigilan ni Mikha na matawa sa asal ng pinsan at lumapat ang tingin sa Babae.
"Ako nga pala si Mikha. Mikha Lim."
"Nice to meet you, Mikha. My name is Sheena."
______________________

YOU ARE READING
GOLDEN HOUR
FanfictionA Story wherein Gwen Apuli loses her memories and finds herself on an island where she meets Sheena Catacutan, bringing both chaos and unexpected light into her world.