Always Been My Greatest 08
⋆ ˚。⋆୨♡୧⋆ ˚。⋆
Tristan ran quickly and nimbly to the other side of the court so I was also alert to follow. When I saw that Luke was going to pass the ball to him, I immediately jumped to grab it.
"Gotcha!" I smirk, looking at Tristan proudly. Ngunit hindi pa man nag-iinit sa kamay ko ang bola nang makuha na niya itong muli. "Fuck!"
"Fuck yeah?" gaya niya sa akin saka humalakhak at tumakbo sa ring at ipinasok nang walang kahirap-hirap ang bola.
What was that? Anong katangahan iyon, Paulo? Talagang hinayaan mong yabangan ka nang ganoon at naka-shoot pa?
Noong tingnan ko siya ay nakagilid ang ulo niya sabay kibit balikat. "Sorry!" he mouthed.
Puta, ang yabang!
"Hindi ka ba napapagod sundan ako? Crush mo 'ko 'no?"
He keeps on dribbling the ball while I continue to follow him. Hindi na ako makakapayag na malusutan at maisahan na naman ako ng hayop na 'to.
"Mangarap ka lang, libre lang naman 'yan, e," sagot ko. Tumango ako. "Tira na!" pang-uudyok ko pa.
Ngumisi siya. "Payag ka na?"
Ibang tira pa yata ang nasa isip. Puro talaga kalibugan ang kingina.
"Ano?! Gago ka ba?"
And with one swift move, he looks at me while passing the ball to Luke who's at my left side.
Sabay kaming napalingon sa ring noong tumunog ito, hudyat na pumasok ang bola. Kasunod nito ang paglapit ng mga kasamahan nilang tuwang-tuwa dahil sila ang nanalo sa pustahan.
Sayang tatlong libo ko, ah?
"Distracted ka sa'kin."
Nalipat kay Tristan ang tingin ko. "Anong kasinungalingan na naman ang pinapauso mo?"
"Tira na ako? Ready ka na?" pagbabago niya sa topic habang itinataas-baba ang kilay habang unti-unting lumalapit.
Para akong tangang paatras nang paatras para lang umiwas dito hanggang sa malakas ko siyang itinulak. "Pinagbigyan ka lang nagyabang ka na. Alalahanin mo na ilang beses namin kayong natalo."
"At least I wasn't distracted that's why we lost. Ikaw kasi titig na titig sa'kin, e. Ang sarap ko ba? Want to have a taste?"
Isang tulak muli ang ibinigay ko rito. "Ulol, ang asim mo! Bading!" sigaw ko bago iritableng bumalik sa pwesto namin.
"Nice game, Pau!"
"Sorry, ang bilis ni Saavedra," sabi ko. "Hindi ko na nasundan."
Tumawa sila. "Ayos lang, pre. Galing nga ng hayop na 'yan, e. Sa fiesta subukan kong i-line up sa'tin."
Hindi naman ako hipokrito para hindi amining magaling nga sa larangang ito si Tristan. Kung basketball ang pag-uusapan, nakakainis mang aminin pero magaling talaga siya.
Hindi ko nga alam kung bakit hindi niya sinubukang sumali sa varsity team ng School. Ako kasi hindi ko na sinubukan dahil magkakaroon lang ng komplikasyon sa schedule lalo kapag tumuntong na kami sa higher years.
"Huwag na, mas masarap manalo kapag natalo natin sila ng kumpleto. Kaya naman natin 'yang mga 'yan."
Kahit si Brandon ay sumang-ayon. "Oo nga. Malakas lang din talaga sila ngayon dahil nag-tandem si Tristan at Luke."

BINABASA MO ANG
Always Been My Greatest
RomanceBL story. "greatest love is the greatest pain" Sweet Serenade Series #3