Always Been My Greatest 15
"Gusto kitang halikan."
Sinipa ko ang tuhod nito at itinulak na siya palabas ng bahay namin. Nawala na ako sa mood noong hindi niya ako pagbigyan. He knew how I want him and still, he chose not to touch me. To pursue and "respect" me.
Ako na nga itong magpapamanyak umaayaw pa siya. Si arte rin, e. Edi bahala siya riyan.
"When will I see you again?"
Oo nga pala. Madalas lang kaming magkita sa school, nagkakasalubong lang madalas lalo kapag tumatambay sa lounge. Kung linggo naman, sa basketball court kapag may pustahan.
"Ni-line up ka ni Brandon sa team namin 'di ba?" I asked and he nodded. "Then, we'll meet next week Saturday."
His expression slowly turns into a disappointing look. Ngumuso pa siya at mukhang tangang nagpapa-cute pa ata sa akin. "Anong arte mo?"
"Next week pa? Tapos Saturday pa? Gusto mo ba talaga akong mamatay?"
Shit. I feel like throwing up on how lame and funny he was. He's so cringe. Hindi naman ako ang nagsabi no'n pero ako ang nangingilabot para sa kaniya.
"Bakit mamamatay? Nasa akin ba ang hangin?"
Umiling siya. "A day without my babe is my weakness. Three days of not seeing you is a torture and a week without Paulo? God! That's the worse!"
Seryosong-seryoso ang mukha niya nang sabihin iyon. Kahit tuloy gusto kong magsungit dahil hindi niya ako napagbigyan sa kwarto kanina, natawa na rin ako at napapailing na lang.
"Tangina ang pangit mo gumaniyan, hindi bagay sa'yo. Balik ka na lang sa pagiging gago," natatawa kong untag.
"From the day that I confessed, I promise to remain honest with you. Ito ako. Ganito ako magkagusto, e, wala kang magagawa."
My mouth formed an "O" but didn't utter any word. Hinila ko lang siya sa tapat ng gate namin pero agad din siyang kumawala. May kinapa-kapa siya sa kaniyang bulsa kaya napatingin ako roon.
"Why?"
"May nakalimutan ata ako," sabi niya saka nagpatuloy sa pagkapa sa kaniyang bulsa at sa huli ay ngumiti saka nag-finger heart. "Hehe."
"Putangina mo! Umuwi ka na sa inyo bago ko baliin 'yang daliri mo. Puro ka katarantaduhan."
"Hindi mo man lang na-appreciate," nakanguso nitong sinabi, nagtatampo.
Ngumisi ako. "Talaga! Hindi naman ka-appreciate -appreciate."
"Sama ng ugali mo!"
I proudly nodded. "Thanks for the compliment."
Inihatid ko na ito sa labas ng gate, handa na rin ang sasakyan niya noong kapain na naman niya ang kaniyang pantalon. "Ano na namang hinahanap mo? Iyong utak mo?"
But this time he's seriously looking for something inside his pants. "I think I left my phone inside your room."
As I remember, hindi naman siya naglabas ng cellphone kanina. All he did is to flirt with me and we just kissed. Puro kalibugan at kalandian lang ang ginawa namin doon kanina. He left his phone?
"But you did not use your phone kanina."
"Nasa bulsa ko 'yon kanina. Baka nalaglag sa kama mo noong pumatong ka." He said in pure malice, obviously teasing me.
Kung makaasar siya noong pumatong ako, e, siya nga mismo ang bumuhat sa'kin sa kandungan niya. He also wants me. Huwag niya na lang itanggi dahil halata naman sa umbok ng pantalon niya kanina.
BINABASA MO ANG
Always Been My Greatest
Fiksyen Umumtristan & paulo bl | complete PUBLISHED UNDER IMMAC.
