Always Been My Greatest 14
"Magpatulog ka naman, Saavedra!"
Lahat na ng klase ng posisyon para makatulog ay ginawa ko na. Nariyan iyong tuwid akong nakahiga, nakatagilid, may yakap na unan, at nakatalukbong. Ngunit sa bandang huli, nanatiling gising ang diwa ko.
"Puta namang buhay 'to!"
Hindi na ako nakatiis at naupo na lang. Kinuha ko ang cellphone ko at pinakatitigan ang huling mensahe ni Tristan.
Tristan Saavedra:
Nabigla ba kita? I'm sorry, Pau. I just couldn't hide my feelings. Everytime you're near, I get nervous. Pakiramdam ko kapag pinatagal ko pang aminin sa'yo, mararamdaman at mararamdaman mo pa rin. I don't want to give you mixed signals so I confessed.
Noong mabasa ko 'yon, nagtubig nang kusa ang mga mata ko. Ewan ko, hindi ko alam. Hindi naman ako bading dahil lang sa may nangyari na sa amin, 'di ba? Pero bakit kahit alam ko sa sarili kong lalaki ako, may kung ano sa puso ko ang nagwawala sa mga nalaman ko.
Tristan Saavedra:
And I just want you to know that starting from now on, I will prove my self to you. Paninindigan ko ang pag-amin ko sa'yo, Pau. But, I also want you to know that you're free to reject me. You can always tell me when to stop. I won't force you to like me back either. I am just hoping for you to give me a chance so I could prove my self. Good night!
Sa dalawang mensahe niyang iyon, wala akong naging sagot. Kahit ang mag-react doon ay hindi ko nagawa. Pakiramdam ko kung mag-re-react ako roon ay heart lang ang mapipindot ko at ayaw kong mangyari 'yon. Sa kabilang banda, ayoko rin namang i-thumbs down dahil hindi naman talaga iyon ang nararamdaman ko.
Ewan ko. Magulo. Magulo sa akin ang lahat lalo ang nararamdaman ko. Naninibago ako. Hindi ko matanggap ang pagbabagong 'yon pero hindi ko rin magawang takasan.
Isa lang naman ang malinaw sa akin ngayon—na mayroong Tristan Saavedra ang handang suyuin ako.
Sa rami ng babaeng nag-confess sa akin, dito lang ako naguluhan at kinabahan nang ganito. When girls started to confessed their love for me, I automatically smiled and reject them. Hindi ko na pinag-iisipan at pinatatagal pa, bagay na hirap akong gawin sa nangyayari ngayon.
I don't know the reason. I don't know if that's because this is the first time that a man confessed to me? Pero kung gano'n nga, hindi ba't mas lalong dapat ko siyang tanggihan?
Lalaki ako. At the end of the day, he may fuck me all night and kissed me passionately but I'll still choose women in the end. Sa babae pa rin ang bagsak ko.
At iyon ang paniniwalaan ko.... sa ngayon.
Kusang na lang napagod ang mga mata ko. Alas tres na rin noong tuluyan akong lukubin ng antok.
Alas dose na ng tanghali noong magising ako kinabukasan. Walang tao sa sala noong bumaba ako. Si Mommy ay paniguradong nasa shop, si Xyra ay palagi namang nasa kama niya, habang sina Ate Jane at Kia ay baka nasa kwarto nito, nanonood ng Disney Movies dahil iyon ang hilig ng nakababatang kapatid.
Mukhang nakakain na nga ang lahat dahil may bawas na ang kanin at kaunti na lang ang ulam. Kumain na ako roon dahil gutom na gutom na rin talaga ako.
"Tangina mo! Gaano karaming tamod ang inilabas mo at pagod na pagod ka? Iyong sasakyan mo nasa Oasis pa rin, tarantado ka!" sermon ni Jacob.
Oo nga pala, hindi ko pa pala iyon nakukuha. Hindi pa kami nag-aabot ni Mommy kaya wala pa akong sermon na natatanggap mula rito. Siguradong mamaya ay raratratin ako no'n.
BINABASA MO ANG
Always Been My Greatest
General Fictiontristan & paulo bl | complete PUBLISHED UNDER IMMAC.
