Always Been My Greatest 05
"Itutuloy ang alin? Gusto mo talagang makaisa e, 'no? Lika rito sa labas, paiisahin kita pero gamit kamao," sabay pakita ng nakakuyom kong kamao.
Imbes na masindak ay natawa pa siya. "Basta ba gagamitan mo ng labi pagkatapos, e."
Fucking shit! This gay ass bastard is really vocal about his sexuality and he's not hiding that I'm his type, huh?
Alam ko namang gwapo at malakas ang sex appeal ko. This is not the first time that someone from the same gender had a crush on me and it's okay with me.
Well, alam ko naman kasing hindi ko sila magagawang patulan kaya kahit gustuhin nila ako ay wala lang sa akin.
But this one is different.
He's different not because he has a chance on me but it's different because he's too annoying.
Iyong kayabangan niya ang numero uno kong kinaiinisan sakaniya. Hindi ko na nga alam kung totoo na bang nababakla siya sa akin o talagang malakas ang alog ng utak niya kaya ganoon kung mamikon.
Idagdag pa iyong tingin niya na akala mo siya palagi ang nakaaangat sa aming dalawa. His aura and the way he looks screams so much arrogance.
He thinks so highly of himself. He's too annoying and I can see his face as my punching bag, really...
"Tinatarantado mo ba talaga ako?"
He shifted his weight on the side and put his chin on his car's window that is half opened. "Hmmm, hindi naman."
"Talaga lang, huh?" I mocked.
Tumango siya. "Hindi kita tinatarantado kasi siniseryoso lang..."
Gaya ng inaasahan, awtomatiko nang nalukot nang tuluyan ang mukha ko at pinagsisipa ang gulong ng sasakyan niya.
"Tangina mo! Bumaba ka riyan nang makita mo ang hinahanap mo!"
"No need. I already saw what I've been dying to see.... and it's you," sabi niya sabay halakhak.
Puta siya! Bumabanat ba siya sa akin? E, kung siya ang banatan ko? Huwag niya akong sinusubok-subok sa mga kabaklaan niyang ganiyan.
"I-atras mo na ang sasakyan mo nang matapos na tayo."
"Wala pa nga tayong nasisimulan, tinatapos mo na?"
Tangina! Leche! Kupal! Bwiset! Piste!
Lahat na talaga ng klase ng mura masasabi mo kung ganito katarantado ang ihaharap sa'yo, e.
"Can you stop using your flirting skills and corny lines to me? Sa mga babae mo pumapasa iyang mga ganiyan mo pero sa akin baka ito pa ang matanggap mo," sabay pakita ng aking kamao.
And he fucking pouted. "Bawal talaga 'to?" sabay turo sa labi niyang naka nguso.
Hindi kissable lips, mukha siyang pato sa totoo lang. Kairita!
"I-atras mo na kasi! Inaantok na nga ako!"
Siguradong nagwawala na talaga ang kapatid ko roon sa sobrang tagal ko. Hindi ako sa byahe natagalan, e. Sa pakikipagtarantaduhan sa animal na 'to.
"I want to grant your request but at the same time, I want to spend time with you. Selfish ba ang gano'n, Mendoza?" He said it with his serious face.
Hindi ko makitaan ng kahit na anong bakas ng ngisi ang kaniyang labi na nagpapakita na nagbibiro at nang-aasar na naman siya.
BINABASA MO ANG
Always Been My Greatest
General Fictiontristan & paulo bl | complete PUBLISHED UNDER IMMAC.
