Always Been My Greatest 09
⋆ ˚。⋆୨♡୧⋆ ˚。⋆
"Si tsinoy 'yan?" tanong ni Brandon.
Tumango ako at hinarap ang video call kay Brandon saka ngumisi at tumango. "Sa'n ka na? Dami nang chiks dito."
"Sabihin niyo wait lang nila ako, on the way na."
Nagtawanan kaming tatlo habang naiiling sa kayabangan ni Cedrix. "Patayin ko na, baka ikaw pa mapatay ko."
"Kamo patay na patay ka lang sa'kin, pre."
Ipinakita ko ang aking gitnang daliri rito."Oh eto, pakyu!"
"Pakyu ka rin bente."
Pinatay ko na ang tawag saka ibinalik sa bulsa ang cellphone. "Tara, Pau, pool area."
I feel like I heard the magic word when I stand straight in an instant. Mabilis akong sumunod at kulang na lang ay magtatatalon habang palapit sa pool area.
There are a lot of girls who's smiling whenever my eyes meet theirs. Some even says a small hi and I just replied with a wink. Noong nakalabas kami ay mas lalo lang lumakas ang tugtog.
Nagpapalitan sa kulay pula at berde ang pool area dahil sa ilaw na narito. The atmosphere here is very wild and much different to how cozy and chill the atmosphere inside.
Kumbaga kung gusto mo lang malibang at mag-relax, sa loob ka. Ngunit kung gusto mong magwalwal at mapagod buong magdamag, dito ka.
A girl with a slender type of body and a morena complexion got up from the pool, wearing a black leopard print two piece and short black hair.
Nagsipolan ang mga kasama ko at sabay-sabay kaming nagtinginan.
"Roar?"
We burst out laughing after uttering the same word. Marco was about to ask the hot girl's name when it goes directly to a guy. They torridly kissed. Ang basang katawan ng babae ay hindi alintana ni....
Tristan.
They're making out, not giving a damn that there are a lot of eyes that's lingering on them. Kahit ako ay napa-shot na lang sa nakita.
Usap-usapan naman na talaga noon pa na babaero at matinik sa chiks itong si Saaveedra. Hindi na rin nga ako dapat magtaka dahil halos lahat ng kaibigan nito ay babaero. Tropahin ba naman si Romero na talamak sa pagiging babaero.
Isang beses ko nang nakitang lumandi itong si Tristan sa bar noon. Ngunit hindi ko na rin nakitaan ng kalandian pagkatapos no'n. Kung sabagay, kapag nagkikita kami ay madalas niya akong idaan sa pagiging bading niya, nakalimutan ko na tuloy na nan-t-trip nga lang pala siya.
"Puta, naunahan ako ni Tristan, ah? Mukha pa namang magaling 'yong babae," disappoinment were very evident to Marco's voice.
I couldn't take my eyes off of them as they continued to make out in public. Kung pagsabihan ako nitong tarantadong 'to noon, isa rin naman pala siyang walang hiya sa pakikipaglandian nang lantaran.
Umiling ako at umiwas na lang ng tingin. Sigurado na akong hindi bading ang tanginang 'yon. Talagang malakas lang siyang mantrip at ako ang pinagti-trip-an.
Ilang minuto pa ang nakalipas noong dumating na rin si Cedrix. Akala ko nga kasabay na si Jacob pero wala, nasa Cebu raw para sa negosyo nila. Si Cadence naman may training kaya hindi na pupunta.
"Pau! Boys!" Samantha open her arms to greet us with a hug. Pinsan ni Luke. "Sali kayo? Body shot?"
"Game!" si Cedrix na ang sumagot para sa amin kaya wala na kaming nagawa kun'di sumunod na lang.

BINABASA MO ANG
Always Been My Greatest
RomanceBL story. "greatest love is the greatest pain" Sweet Serenade Series #3