Always Been My Greatest 06
I was awake at the sound of my alarm clock. Idagdag pa ang maingay na tilaok ng manok ng kapitbahay naming hindi ko alam kung gusto bang magtayo ng sariling farm sa rami ng kanilang manok.
Hindi na nga kailangang bumili sa palengke o supermarket ng manok dahil sa mga alaga pa lang ng mga kapitbahay namin, tiba-tiba ka na.
Huwag ka lang talaga pahuhuli.
Just kidding.
"Kumain ka na, Pau. Andiyan ang bacon, ham, at hotdog. May sinangag na rin diyan, paborito mo."
"Sina Mommy, Ate?"
"Paalis na ang Mommy mo. Si Xyra naman kanina pang ala-siyete dahil maaga ang pasok. Si Kia naman tulog pa, wala kasing pasok iyon ngayon."
Tumingin ako sa orasan. Mag-a-alas nuwebe pa naman at alas diyes ang klase ko. "Sabay na tayo," yaya ko rito.
"Ay sige, Pau! Salamat na lang pero sasabayan ko na lang si Kia pagkagising. Nagkape naman na ako kanina kaya hindi rin nagugutom."
I nodded and starts eating when I heard someone going down stairs. Si Mommy.
She seems pretty good with her age. She has the curves and aura that screams "young hot momma" vibes. Proud ako sa genes ng magulang ko dahil walang tapon. Kita naman siguro sa mga anak.
Sabi nga nila.....face card never decline.
Kaya lang, ngayon na tinititigan ko ang ina na mag-ayos....hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng sakit.
If I didn't heard their conversation that night, maybe even today, I am still clueless and oblivious to what is really happening in my family.
Baka hanggang ngayon bulag ako sa lahat at nasasaktan na akalang kaya naghiwalay ang mga magulang ay dahil sa pambababae ng ama.
If I didn't heard everything.... maybe I'll throw the blame to Dad. Masiyadong mabuti ang imahen sa akin ng Mommy. Kahit ngayon nga na alam ko na ang katotohanan sa pagkatao nito, hindi pa rin ako makapaniwala.
You really can't and shouldn't assumed unless otherwise stated.
"Oh! Gising ka na pala, e. What time is your class, nak? Gusto mo isabay na kita?"
Gaya ng dati....dati noong junior high pa ako.
Noong hindi pa magulo at wasak ang lahat.
I simply put on a smile on my lips. "Alas diyes pa naman, My. Ako na lang din, I need my own car. Baka mahaba ang vacant namin at kailanganin ng sasakyan.
"Sus! Pang-chiks ba?" biro nito.
Umiling ako. "Hindi naman."
Tumitig ito sa akin, mukhang may sasabihin pa pero sa bandang huli, ipinagsawalang bahala niya na lang at tumango. "Ingat ka!"
"Kayo rin!"
Sila na ni Ate Jane ang nag-usap, panay ang habilin sa mga dapat gawin kaya kumain na lang ako.
I remembered throwing jokes on my Mom and she would laugh and throws a punchline too. We were so close and chaotic back then. Hindi naman kasi ganoon katanda ang mga magulang kaya nakikisabay sa trip. Kahit si Daddy ay ganoon din.
Mas madalas nga lang naming kasama si Mommy dahil sa mga out of town meetings ni Daddy, but I could still say that we're all close.
I thought I'm okay with the set-up. I thought I was having a good time coping with the situation but I guess....not really.
BINABASA MO ANG
Always Been My Greatest
Genel Kurgutristan & paulo bl | complete PUBLISHED UNDER IMMAC.
