Chapter 2
Ishii's POV
Ang aga-aga bunganga na ng boss ko naririnig ko haist, sabagay sanay na naman ako, 3 taon na din akong nagttrabaho sa coffee shop na to kung di lang talaga malaki ang utang na loob ko kay Mrs. Tan ang amo kong chinese, matagal na sana kong nag-resign dito.
Bakit ba kamo? Siya lang naman ang tumulong sakin para makapagtapos ng kolehiyo sa kursong BS Management major in Accountancy kahit pa nga scholar ako, ang mag-asawang Tan ang tumulong sakin sa ibang gastusin ko, dahil nga malaki ang utang na loob ko dito na ko nagtrabaho sa shop nila pagkagraduate ko kahit pa nga maliit lang ang sweldo pinagttiyagaan ko na keri naman samin ni inay, pero pagnakapag board exam na ko saka ko na pplanuhin ang pagrresign.
"O ikaw Ishii andito na, pwede ikaw punta bahay ni Mrs. Mondragon para dala cake?" - Mrs. Tan
"Magandang umaga Mrs. Tan, ay oho anong oras po ba?" tanong ko.
"Pagdating na Shirley palit sayo cashier". - Mrs. Tan
"Sige ho", sagot ko.
Haist nasabi ko bang all around ako dito? Dahil na rin siguro sa laki ng tiwala sakin ni Mrs. Tan, pero teka bakit ba kailangang ako pa magdala sa Mrs. Mondragon na yun e may delivery boy naman, hmm baka vip, marami-rami na rin kasing vip ang suki ng coffee shop na to maliban kasi sa masarap na coffee na mabibili dito ay ipinagmamalaki rin ang mga cakes and pastries.
"O Shirley dito na, alis na Ishii hatid cake Mrs. Mondragon, eto address at pera taxi na ikaw. - Mrs. Tan
"Oho! Mam, alis na po ako." - paalam ko.
Pagtingin ko sa papel, naku malapit lang pala kung maglakad na lang kaya ako? Kaso medyo nahihilo ako dahil sa kakulangan ng tulog saka baka matunaw tong cake tapos ang dami pa, 3 boxes, ang takaw naman nun! Buti na lang di ako nahirapang makahanap ng taxi. ^^
"Manong sa Forbes ho pangatlong kanto tapos kaliwa." sabay pikit ko sa mga mata ko -.- inaantok pa kasi ko kasi naman si Mimi ang aga-aga ang ingay pero mabuti na rin at napakain ko muna si inay at napainom ng gamot bago ako umalis.
"Nandito na tayo Mam." Sabi ng driver
Inabot ko ang bayad at bumaba ng di man lang tumitingin sa driver. "Salamat ho!" ^^,
Pagbaba ko magddoorbell na lang ako ng biglang bumukas ang gate tapos pumasok yung taxing sinakyan ko pero teka taxi ba talaga yun? Eh bakit pumasok sa bahay nila Mrs. Mondragon? Halaa baka mali naman tong pinagbabaan sakin saka taxi ba talaga yun? Nakuu ka Ishii! . .
-- End of Chapter 2
Naku Ishii sino nga ba yun? Hindi kaya si? si . . .
Nakuu lagot ka Ishii!
Abangan. . . :D

BINABASA MO ANG
I'm so inlove with you.
RomanceYÑIGO MIGUEL MONDRAGON. Surname pa lang nakakatakot na, siya ang batang-batang CEO ng MGC ang pinakamalaking corporation sa Asia, ang pinaka pogi, pinakahot at pinakabatang successful businessman at his age, ngunit hindi marunong magmahal at walang...